Chapter 31

2 1 0
                                    

Habang naglalakad kami papunta sa bulwagan ng mga knights nakasalubong namin si Prinsesa Diane na may kausap na isang lalaki, 

"Magpanggap ka na lamang na wala ka nakita" Paalala ni Clovis kaya naman napatingin na lamang ako sa kaniya. "Do not look at her for too long"  Salita pa nito habang naglalakad siya. 

"Ah, I almost forgot, ano nga pala ang gusto ko sabihin?" tanong ko sa kaniya, Kaya naman napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. 

"I am having a battle" Sambit ni Clovis

Nabigla ako sa kaniyang mga sinabi kaya naman natahimik na lamang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya parang bigla na lamang akong kinabahan ng marinig ko ang mga kataga na iyon mula sa kaniyang mga labi.  

Huminga ako ng malalim at sumagot sa kaniya "Be safe", "Alam ko na kaya mo silang lahat Ikaw pa You're Duke Clovis Valdemar Fraud" Sagot kong muli. "At bilang Lady ng Mansion ako na ang bahala sa mga maiiwan mo" Sambit ko pang muli 

"Good, Siguro naman ay alam mo na kung ano ang mga Do's and Don'ts sa Duke Mansion... I have talk to Sanya, kung kailangan mo ng tulong" Salita niya habang tumuloy kami sa paglalakad,

"Greetings Duke Valdemar" Sambit ng isang eleganteng babae na bigla na lamang sumalubong sa amin habang naglalakad. Pumukaw ng pansin sa aking mga mata ang suot nito Brooch, tila may kahawig itong isang bagay pinipilit kong alalahanin kung ano ito.

"Nabalitaan ko na magkakaroon ka muli ng digmaan laban sa Wrosian kaya naman napadalaw ako dito" Masaya nitong Sambit sa harapan ni Clovis na tila hindi niya ako nakikita.

"Ahmm.. Clovis mauna na ako sa inyong dalawa." isang mahinanh sambit ko. at tumingin kay clovis. Tila hindi pa rin ako napapansin ng magandang dilag.

Kaya naman lumabas na lamang ako ng palasyo.

"Dumaretso na lamang tayo sa Duke Mansion  hindi maganda ang aking mood ngayong araw" malungkot ko na sambit at sumakay sa karuwahe.

Pagdating ay dumaretso lamang ako sa loob ng aking silid ay namahinga. Hindi mawala sa aking isipan ang brooch na suot ng babae kanina. Bigla na lamang akong napatayo sa aking kama at dali daling pumunta sa silid aklatan ni Clovis.

Hindi ako maaaring magkamali, Yung brooch na iyon ay sagisag ng Fraud Family. Isang Black Wolf crystal.

pumukaw ng aking pansin ang isang larawan malapit sa lamesa kung saan ako nagbubuklat ng mga aklat na aking binabasa. Sya yung babae na bumati kanina lamang.

Hanggang sa may narinig akong pagbukas ng pinto. "Ipagpaumanhin ninyo ang aking pag gambala my Lady" bungad ni Sanya "Sanya, nais kong malaman kung sino ang babae nasa larawan na ito?" Tanong ko rito habang tinuro ang batang babae na nasa larawan na hawak ko.

"Sya ang dating Lady in the house," Sagot naman ni sanya habang nakatingin sa larawan. "Lady in the house?" pagtataka ko. Ngayon lamang ako nakarinig ng ganung katawagan. "Ibig sabihin sya ang dating naninirahan dito kasama ang Duke." Paliwanag nitong muli. "Ahhhh" Maikli kong sagot. 

WHAT'S WRONG WITH YOU DUKEWhere stories live. Discover now