Chapter 37

3 1 0
                                    

"Paano mo nakuha ang marka na nasa iyong balikat?" Tanong sa akin ng Grand Queen.

"Kusa na lamang po itong lumabas noong mga panahon na nagkakilala kami ni Clovis." Paliwanag ko pero maski ako ay hindi ko alam kung paano na lamang lumitaw ang bagay na ito sa akin matapos kong makasagutan si Clovis noong mga panahon na iyon.

"Siya nga po pala, Yung kwento nyo po Si Josephino po ba ang matanda na kasama nyo ngayon?" Tanong ko rito "Oo siya nga sobra akong natutuwa at dumalaw kayo rito" Sambit ng Grand Queen,

Masaya ako na nakikipag kwentuhan sa Grand Queen hanggang sa dumating sila Clovis.

"Tapos na po kami" Bungad ni Maxiem "Bakit hindi mo Ilibot si Welhelmina dito sa lugar namin" Sambit ng Grand Queen habang nakatingin kay Clovis

"Magandang ideya po iyan" Malugod ko na sagot rito at tumingin din kay Clovis
"Nais ko po na sumama" Pagpapaalam ni Maxiem sa Grand Queen "Hindi na Maxiem mas kailangan kita rito malulungkot ako kapag nawalan ng kasama" Paliwanag nito.

"Humayo na kayo" Sambit ng Grand Queen

Kaya naman sinimulan namin magikit ikot sa baryo.

"Alam mo napakaganda ng kwento ng buhay mo" Sambit ko habang naglalakad kami "Ngayon ko lang nalaman na dito ka pala lumaki bago mo tanggapin ang pagiging Duke ng Atratis, " Sambit ko pang muli "Nagkamali ako pagtingin sayo Clovis" Mahinahon ko na  salita sa kaniya

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa paligid napaka ganda ng tanawin.

"Ang Buhay mo ay tila isang magandang tanawin na hindi pa nakikita ng ibang tao" Sambit ko habang nakatingin sa paglubog ng araw.

"Maraming salamat at dinala mo ako sa lugar kung saan ka lumaki" Sambit ko pang muli,

"Mina" Banggit niya sa aking pangalan nabigla naman ako dahil ito ang kaunaunahang beses na tinawag niya ako sa aking palayaw

"Ikaw ang pinaka mabuting tao na nakilala ko itong pagkakataon na nangyari ay pangangalagaan ko" Sambit ko mula sa aking puso, At nagbigay ng ngiti sa kaniya.

"Ikaw ang nagbigay liwanag ng buhay ko" Sambit niya

Napatingin ako sa kaniya dahil hindi ko inaasahan ang mga katagang iyon.

"Mina" Banggit niyang muli sa aking ngalan at humarap sa akin

Nakaramdam ako ng paru-paro sa paligid habang nakatingin sa kaniya

"Hindi ko hahayaan na mawala ka" Ang mga katagang binitawan niya ay siyang nagpagaan ng kalooban ko.

Ibang pakiramdam, Naiibigan ko na ba talaga sya?  Sabi ni Anna ang pagmamahal ay mararamdaman mo lamang sa tamang panahon at sa tamang tao, Pakiramdam ng pagkasaya at Pagkakuntento

Tila niyayakap ako ng mga salita niya.

"Salamat at tinanggap mo ako at ang buhay ko, I want to make everything special for us" Paliwanag niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko maintindihan ang kabog sa aking dib dib. lumakas ito ng lumakas.

"Ahmmm..  .. Mas mabuti kung umuwi na lamang tayo., Malayo layo na rin ang atin napuntahan at kuntento na ako sa aking nasilayan" Paliwanag ko kaya naman nagpasya kami na bumalik sa Bahay ng Grand Queen

"Kamusta ang inyo paglilibot" Bungad ng matandang lalaki na nakahiga sa kama,

"Nakakatuwa at sobrang ganda po ng inuong lugar dito, Hinding hindi ko po makakalimutan ang panahon at araw na ito" Paliwanag ko

"Grand Queen kailangan na namin umalis bago kami abutan ng dilim" Sambit ni Clovis na sya naman ikinalungkot ko

"Akala ko ba ay masaya ang iyong naging paglilibot bakit parang malungkot ka?" Tanong sa akin ng Matandang lalaki

"Kasi matagal pa bago ko kayo muling makita, sana po sa pagbabalik ko maging magaling na po kayo" Sambit ko at ngumiti sa kaniya

"We need to go" Sambit ni Clovis
"Sandali may nais lamang akong ibigay sayo" Pagtigil niya sa akin

Ibinigay niya sa akin ang isang orasan, "pocket watch?" Pagtataka ko.

"Mahalaga ang oras kaya naman pangalagaan mo " Paliwanag nito sa akin,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHAT'S WRONG WITH YOU DUKEWhere stories live. Discover now