Chapter 18

13 1 0
                                    

Hindi ko inakala na ganito ang madadatnan ko pagdating ko sa aming lugar, Bigla kong naalala ang lahat sa tahanan namin, Ang Aking Ama at Ina, si Bulter Alf, si Rose at ang iba pa. Paano at bakit nangyari sa inyong lahat ito. Dahang - Dahan pumatak ang mga luha sa aking mga mata. H

"My Lady" Banggit ni Anna at tumingin sa akin, "Mina" Tawag sa akin si Joe at humawak sila sa aking kamay. "Anna, maaari mo bang ihatid si Joe pabalik sa mansion, nais ko munang mapagisa ngayon" Sambit ko habang umiiyak. 

"Pero my Lady, maaaring magalit ang duke kapag dumating kami ng wala ka" Sambit ni Anna, "Please" isang mahinang boses  ang tanging nailabas ko, Kasunod nito ay umalis na nang tuluyan  na silang umalis, 

Hindi ko inakala na pati sila ay mamawala sa akin, Bakit!, Biglang bumagsak ang katawan ko sa lupa na puno ng mga bangkay at nasunog na mga gamit ng aming tahanan. 

Bakit?!, Biglang sumagi sa aking isip ang isang bagay na binigay sa akin ni Papa, ang kwintas kailangan ko mahanap ang kwintas na binigay ni papa sa akin, pero paano saan ako magsisimula, 

Sinimulan kong hanapin ang kwintas sa parte ng aking dating silid, Ilang oras din ako nagtanggal ng mga bato at mga kahoy na nasunog ngunit ko pa rin ito makita, 

Nasaan ka na, Mahalaga ang bagay na iyon sa akin yun na lamang ang taging bagay na naiwan sa akin ni papa.   

malapit na kumagat ang dilim pero hindi ko pa rin ito nahahanap, bakas ang mga dumi sa aking damit, mukha at mga kamay. 

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon" isang hindi kilalang boses ang nagaling mula sa aking likuran, kaya naman napatigil ako sa aking ginagawa. "Sa palagay ko ay hindi na tayo mahihirapan sa pag tugis sa iyo" isa pang nakakatakot na boses ang nagsalita mula sa aking likuran. 

Hanggang sa hawakan ng isang tao ang aking balikat "Sumama ka na sa amin, Alam namin kung ano ang hinahanap mo" bumulong ito sa aking tenga na parang may masama itong balak sa akin. Kaya naman agad akong tumayo at tumingin sa kanila, 

"Hindi ako sasama sa inyo" Malakas kong sambit, "Lady Whelhelmina, kahit na anong sindak ang gawin mo sa amin ay hindi kami natatakot sayo. "Paano nila nalaman ang aking ngalan Napansin kong unti unting lumalapit sa akin ang dalawang lalaki,  Agad naman akong humakbang patalikod habang nakatingin sa kanila, "Halika na at sumama sa amin" isang nakakatakot na tinig ang narinig ko mula sa kanilang dalawa. Hindi na ako nagatubili at aakmang tumakbo ngunit agad nitong nahawakan ang kanan kong braso. sa sobrang higpit ay nanghihina ang aking braso at hindi ako makapiglas. 

"Nais kong bitiwan mo ang duchess" Sambit ng isang babae habang tinututukan niya nang sandata ang ginoong may hawak ng aking braso "Ang lakas din naman ng loob mo binibini para manghimasok sa amin" Matapang na sambit ng kasama nito. "Ikaw din" Isang lalaki ulit ang bigla na lamang dumating at may kasama pa ito na kapwa niya rin lalaki. "Mag sisimula akong bumilang hanggang sampu, kapag hindi mo binitawan ang kamay ni Lady Whelhelmina ay kikitilin ko ang buhay ng iyon kasama at isusunod kita"  Banta pa nito sa lalaki. 

"Isa ... " panimula niyang bilang "Sa palagay mo ba ay matatakot ako mga katulad ninyo" matapang na sambit ng lalaki " dalawa ..." Patuloy nitong bilang "Kapatid ! tulungan mo ako" Isang nanginginig na boses ang nanggaling mula sa kasama nito. "Tatlo ..." Patuloy na bilang ng isang ginoo. 

WHAT'S WRONG WITH YOU DUKEWhere stories live. Discover now