Chapter 15

14 0 0
                                    

"my lady" isang mahina na boses ang aking narinig, "my lady" sambit ulit nito. 

"My Lady" Tawag ni Anna sa akin, "tila may bumabagabag sa inyo " pangamba na sambit sa akin ni Anna., "Ah... Eh..." bigla kong sambit, "Ano ang iyong sinabi?" tanong ko kay Anna. "Maaari ko bang malaman kung ano ang gumagambala sa iyong isipan" Tanong sa akin ni Anna, "Ah... wala naman Anna, okay naman ako" Sagot ko sa kaniya. "Sigurado po ba kayo?" tanong niya ulit sa akin "Oo naman Anna huwag mo na akong alalahanin." Sagot ko ulit sa kaniya. 

Nakabalik kami sa duke mansion ng mabilis,   "Welcome back lady Whelhelmina" Bungad sa akin ni Casimir habang pababa ako ng carriage. "Hinihintay mo ba ako Casimir?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ako my lady kung hindi ang Duke ang naghihintay  sa inyo" Sambit niya sa akin 

Ikinagulat ko ang biglaan niyang paghanap sa akin. kaya naman sinamahan ako ni Casimir patungo sa kaniyang kawanihan. pinagbuksan ako ni casimir ng pintuan at dirediretso akong pumasok dito. 

"Greetings, Duke Clovis" magalang kong bati sa kaniya, habang seryoso siyang nagbabasa ng mga dokumento ng hawak niya. Ipinatong niya sa lamesa ang isang invitation. "Oh!" isang gulat na reaksiyon ko. "I have already planned your day, and the dress you are going to wear" sambit niya sa akin, "You may leave" utos nya pa sa akin. 

Kinuha ko ang invitation na nakapatong sa kaniyang lamesa at lumabas na ng kaniyang kawanihan. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko kung anong pakay niya. 

"my lady" bungad sa akin ni Sanya, "bakit?" tanong ko sa kaniya, "May nais na bumisita sa inyo ngayong araw" Sagot naman ni sanya sa akin, "isang mahalagang tao ang sambit nitong bata sa akin" paliwanag pa niya sa akin. 

Bata?, "Lalaki?" tanong ko ulit sa kaniya, "Yes, my lady" sagot naman agad ni Sanya, "nasaan siya?" Madalian ko na tanong sa kaniya, " Nasa backyard, nandoon din si casimir my lady" Sambit ni Sanya "Salamat" sagot ko at nagmamadaling pumunta sa hardin,  Sa paglabas ko ng mansion, doon ko nakita si  Joe. 

Alam na alam ko ang itsura ng kanyang tindig, at sukat ng kaniyang taas, "Joe" malumanay kong sambit sa ngalan niya. "Mina!" masiglang sagot sa akin ni Joe nang makita niya ako.  

Dali dali akong tumakbo at yumakap sa kaniya. Ilang araw pa lamang ako dito sa lugar ni Clovis pero parang matagal na akong nawalay sa mga mahalagang tao sa akin. "Mahal kong kapatid" Pabulong niyang sambit, "Bakit ka naririto at paano mo narating ang ganitong kalayo na lugar" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata nya. "Si ... Rose at ang iba ..." natatakot niyang sambit., "May problema ba?" tanong ko sa kaniya. "MINA!" malakas na sambit ni joe sa aking pangalan at umiyak ng napaka lakas. 

"Casimir, maaari mo bang papuntahin si Anna dito at mag padala ka na rin ng inumin" Utos ko agad. "Masusunod po my lady" Sagot naman ni Casimir at umalis na siya. 

Kami na lamang ni Joe ang naiwan sa likod ng hardin, nakaupo kami sa isang maliit na pahingahaan. 

WHAT'S WRONG WITH YOU DUKEWhere stories live. Discover now