Chapter 2 (My family)

48 0 0
                                    

Tuwang-tuwa si nanay sa mga imported goods na ibinigay ni ninang Linda. Sa sobrang dami inihatid kami ni Ninang Linda gamit ang kotse niya pauwi sa Baranggay namin pero hanggang may kanto lang kami dahil hindi pweding pumasok ang kotse sa hindi sementadong daan ang sasakyan ni Ninang kaya nagpasundo nalang kami kay Tiyo Kadyo.

            Bumungad sa amin ni nanay ang mukha ng aking mahal na ama na parang nagusot sa sobrang inis. Tiningnan siya ni nanay kaya agad namang yumoko si tatay. Takot lang siyang bungangaan ng kanyang mahal na asawa.

            Kunin mo iyong mga dala namin kay Kadyo. Utos ni nanay kay tatay.

            Ang dami niyo namang dala para kayong galing ng Maynila. Saan kayo nagpunta at ginabi kayo? May kunting galit sa tono ni tatay.

            Pumunta kami kayda Mareng Linda, Fiesta kasi sa kanila. Plain na sagot ni nanay. Siguradong napagod si nanay sa biyahe kaya wala sa mood makipag-usap. Dumiretso siya sa kwarto nila upang magpalit.

            Kaya si Tatay ay hindi na nagtanong ng madami dahil siguradong babangasan siya ni nanay kung mangungulit pa siya lalo.

            Kumuha ako ng isang malamig na tubig sa ref at umupo sa dinning table at hinalungkat ang ipinadala ni ninang na pagkain nakaramdam kasi ako ng gutom.

            Kumain na ba kayo ng hapunan? Tanong sa akin ni tatay.

            Ah hindi pa, Tay. Agad siyang kumilos maghanda ng plato para makakain na kami.

Magpalit ka ng damit at tawagin mo ang nanay at kapatid mo para makakain na tayo. Malumanay niyang utos sa akin.

Agad naman akong pumunta sa kwarto at nagpalit ng damit. Tinungo ko ang kwarto ng kapatid ko. Kumatok ako ng tatlong beses, ginawa kong anim, walo, labing-apat pinihit ko ang door knob nakita ko ang kapatid naka salpak ang earphone sa taenga, busy sa pagsasayaw. Naaninagan niya na may mga mata na nakamasid sa kanya.

OH! San kayo galing ni nanay at bakit hindi alam ni tatay na umalis kayo madam? Alam niyo ba na sobrang nag-alala si daddy sa inyo. Pinatawagan ka sa akin pero iniwan mo ang cellphone mo kaya ayon halos mabaliw sa pag-aalala. Sermon niya sa akin.

Pumunta kami kay da Ninang Linda iyong taga Cabuynan, piyesta kasi sa kanila. Akala ko alam ni tatay ang lakad niya.

Nag-away ba sila?

Hindi ko alam. Pagdating ko dito mukhang ok naman sila naabutan ko pa nga na magkatabing na nonood s ng FOREVERMORE.

Eh, ba’t parang nangangamoy LQ?

Baka nagalit si tatay na pinautang ni nanay si Tiyo Jose. Alam mo na maiinit ang dugo ni tatay sa kapatid ni nanay dahil panay utong hindi naman nagbabayad. Nakapagtataka hindi ko naman sila narinig na nagtalo.

Eh, alam mo naman si tatay hindi iyon vocal pero hindi iyon naitatago sa actions niya pag hindi niya na gustohan ang ginawa ni nanay.

May point ka. Hala sige puntahan na natin si nanay at ng magbati na ang dalawa.

Pagdating naming sa hapag kainan nakita namin ang dalawa na masayang nag-uusap. Napatingin kami ng kapatid ko sa isa’t isa, palagi talaga kaming na sosorpresa sa mga magulang namin. Para lang mga teenager na nagkatampuhan ng ilang oras tapos magbabati din naman.

Anong tinunganga niyo diyan? Umupo na kayo at ng makakain na tayo. Yaya sa amin ni nanay.

Nay ang dami nating ulam ngayon ha. Puna ng kapatid ko.

Mr. Foreigner and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon