Papasok na ako ng kwarto, ng makita ko na bukas ang kwarto ni Athena agad kong tinakbo sa pag-aakala na bumalik na siya pero nagulat ako ng makita ko ang isang babae na very sosyal at classy ang nasa loob ng kwarto.
Oh my Gee! Gulat na gulat niyang wika.
Ah, Miss sorry akala ko bumalik na ang dating umuukupa sa kwartong ito. Disappointed ako na may agad na pumalit sa kwarto ni Athena
Okey lang, ako nga pala si Natasha bagong borders ni Mama Amor.
Welcome sa aming boarding house! Ako pala si Ayessha. Pinasigla ko ang aking boses baka isipin niya anti ako sa kanya. Sige papasok na ako sa aking kwarto.
Agad naman akong bumaba para maligo. Aakyat na ako ng nakita ko ang mga boardmates ko na busy sa pag tsi-tsismisan.
Sino hot topic natin ngayon?
Yesha,walanghiya ka! Halos mamatay kami sa nerbyos sayo. Gulat na gulat nilang saad. Sa susunod wag kang bigla-biglang susulpot.
Kanina pakaya ako kumakaway sa harap ninyo para kunin ang atensyon ninyo pero parang seryoso masyado ang pinag-uusapan ninyo. Sino ba? Pangu-ngulit ko.
Si Girl Arte. Saby-sabay nilang sagot.
Ah, si Clarisse. Panghuhula ko.
Hindi siya, Call Girl ang code name niya. Natatawang wika ni Ate Mariss.
E, sino ba?
Pinalapit ako ni Rica sa kanya at binulungan iyong girl next door mo.
Ah, anti kayo sa kanya? Pag-uusisa ko.
Agad silang tumango.
Nakita ko kanina, mukhang mabait naman. Bakit ayaw ninyo? Nagtataka kong tanong.
Naku girl, mukha mala anghel, ugali mala demonyo. Kanina pinababa kami ni Mama Amor upang ipakilala siya at tulungan sa mga dalang gamit. Pagkatapos naming tulungan e, kinapaan ba naman kami baka raw kasi may ninakaw kami. Pagsasalaysay ni Yen.
Bigla kong pinukol sa kanila ang aking tingin at sinuri ang kanilang itsura.
Bakit mo kami tinitingnan ng ganyan? Naiinis nilang wika.
Suklayin niyo buhok niyo at palitan ninyo ang butas ninyong damit para di kayo pag kamalan na holdaper. Panunukso ko sa kanila.
Ah, holdaper pala. Mukhang may balak yata silang pag-tripan ako. Girls may gusto yatang magmukhang na rape.
Hoy, ano binabalak niyo? Kinabahan kong wika. Naalala ko naka towel lang ako at under garments lang ang suot ko.
Akmang lalapitan nila ako kaya paatras ako ng paatras di ko namalayan nasa labas na kami ng boarding house. Mangiyak-ngiyak ako dahil tinatangka nilang tanggalin ang towel na bumabalot sa akin. Guys,Joke lang yun. Tawanan ng tawanan ang mga hinayupak kong kaibigan. Pinagkaishan nila akong lahat, imagine 20 laban sa isa.
Nagulat ako ng biglang may nag-salita. Ayesha, hindi dito bukid na walang makakita sayo kapag lumabas kang walang saplot dahil isang kilometro ang layo ng kapitbahay mo. Hindi kaman lang nahihiya sa mga makakita sa iyo. Sita sa akin ng land lady.
Noong tingnan ko ang visiting area, maraming tao doon. May pamilyar na ngiti akong nakita, si George Foreigner ito.
Kung pwede lang mag-laho papuntang pluto sa sobrang kahihiyan ginawa ko na.
Agad naman akong tumakbo papasok.
Yesh, baba kana mag dinner na tayo. Yaya ni ate Mariss.
Ate, busog pa ako. pagtangi ko sa alok niya.
Sus, arte-arte pa. Wag kang mag-alala wala ng tao sa baba. Sabi ni Yen.
Talaga! Halos lumondag ako sa tuwa dahil kanina pa ako gutom. Dali-dali kong kinuha ang wallet ko at lumabas ng kwarto.k
Pero gusto kong patayin ang mga kasama ko mga sinungaling talaga. Padaan na kami ng visiting area.
Nag papacute ang mga ka boardmate ko sa mga lalaking bisita ni Mama Amor. Agad naman kinilig ng kinandatan ng isa. Ang lalandi talaga nila basta pag nakakita ng gwapo nagpapakita talaga ng motibo.
Hi! Ayessha nakangiting bati sa akin ni George.
Hi George. Ganting bati ko sa kanya.
Magkakilala kayo? Tanong ng landlady ko sa kanya.
Opo, kaklase ko siya sa isang subject.sagot ni George.
Paano kayo magiging magkaklase e 3rd year palang siya at 4th year ka na isa pa di naman kayo magkakurso Engineering ka at Pol Sci siya. Nagtatakang wika ni Mama Amor.
Naku lagot na mabubuking na ako. Bigla akong nakaisip ng bright idea.
Mama Amor, sa mga minor subject minsan advance sa amin ang subject at minsan behind naman sa ibang kurso at vice versa. Isa pa ikaw ang pumipili ng klaseng gusto mong pasukan. Pagsisnungaling ko.
Effective naman mukhang naniwala si Mama Amor at ang iba pang madlang people sa paligid pero si George nakatingin lang sa akin nag-iisip ng mabuti at wari’y may mga tanong na ipinupukol ang bawat sulyap niya.
Ah, mama Amor aalis muna kami. Bibili lang kami ng pagkain. Pagpapaalam ko sa kanila.
Kami rin po tita kailangan na naming bumalik sa apartment kasi may gagawin pa kaming assignment. Pagpapaalam naman niya.
May assignment tayo? Nagtatakang tanong ng kanyang barkada. Agad naman niyang tiningnan ng masama.
Oo, nga pala tita kailangan naming palang tapusin iyon kasi ipapasa na bukas. Sabay tayo ng kanyang buong barkada.
O sige. Ah mga iha pakihatid itong mga pamangkin ko sa labas. Baling niya sa amin.
Wala pong problema mama Amor. Tuwang-tuwang wika nila.
Excited na excited ang mga kasama ko, siguradong magdada moves sila sa mga gwapong nilalang na ito. Pero kailangan ko pa lang iwasan itong isa.
Mabagal lang ang paglalakad ko baka kasi makasabay ko si George na nasa unahan.
BINABASA MO ANG
Mr. Foreigner and I
RomanceMay kilala ba kayo or kamag-anak na nakapangasawa ng dayuhan? Ano ang tingin mo sa kanila, mabuti o masama? biktima o manloloko? Sa panahon ngayon uso na ang instant, gusto natin lahat makuha sa madalian kaya we dare to do things na masama ayon sa...