Chapter 14 (Truth or Consequence)

18 0 0
                                    

Dumagundong sa buong bahay ang boses ng aking mahal na ama.

  Ano daw boyfriend? Sino ang may boyfriend. Tanong ko sa sarili

            Nakita ko si tatay nagmamadaling kumuha ng isang itak. Tay, anong gagawin niyo diyan? Nagatataka kong tanong. Sinundan ko siya palabas ng bahay.

            Papatayin ko iyong Boyfriend mo?   baling niya sa akin.

            Ho! Gulat na gulat kong wika. Wala po akong boyfriend. Iniiling ko ang ulo tanda ng pag tanggi sa akusasyon niya.

            Tangkang tatagain na ni tatay iyong lalaking nakatalikod ng pumagitna ang nanay ko. Siya naman ang pagharap ng lalaki na sinasabi ni tatay na boyfriend ko. Nagulat ako ng maaninagan ko ang mukha, ang walanghiyang si George Foreigner. Nakahithit siguro ng chlorine kaya ang lakas ng trip.

            Binatukan ng nanay ko ang tatay ko. Anong gagawin mo? Ha! Papatay ka ng tao. Akin na iyang itak na iyan mas gugustuhan ko pang mabalo kaysa magkaroon ng kriminal na asawa. Ikamamatay ko ang kahihiyan. Sermon ng nanay ko.

            Inawat ni Tiyo Kadyo at Tiya Ligreng sina nanay at tatay.

            Parang tangang nanood si George sa mga pangyayari na di mo mawari kong matutuwa o matatakot. Lumapit ako kay George Boast at kinurot ko ang tagiliran niya

  Ano ang ginagawa mo dito? Bulong ko sa kanya habang pinandidilatan ko pa siya.

 Aray! Babe! Sorry ha, pumunta ako ng walang pasabi gusto ko lang naman sopresahen sa iyong kaarawan. Lalo pang lumaki ang pagkakabukas ng mata ko dahil sa lakas ng pagkakasabi niya at dinig na dinig nila.

 Ano ang pinagsasabi mo at kalian mo pa ako naging babe? Inis kong wika.

 Wag mo naman akong ideny sa harap ng mga magulang mo. Alam ko naman na bawal ka pang magkaroon ng nobyo. Pero handa naman akong patunayan sa kanila na karapat dapat ako para sa iyo. At handa kong gawin ang lahat para lang bigyan nila ng basbas ang relasyon natin. Pagsusumamo niya.

Halos himatayin ako sa pinagsasabi ng lalaking ito.  Naks, para akong nasa taping ng isang palabas. Ewan ko kung totoo ba itong nagaganap sa realidad o baka masamang panaginip lang.

 Tay, Nay, mahal talaga ni ate at ng boyfriend niya ang isa't isa hala kayo baka magtanan ang mga iyan sa kakakontra niyo. Out of nowhere na sabi ng kapatid ko.

Bumunton hinininga ako, lalo tuloy akong hindi makapag deny. Pinapasok ni nanay at tatay si George sa loob ng bahay. Kakausapin daw nila ito ng masinsinan. Sina Tiya at Tiyo naman nag-aayos naman para sa handaan mamayang gabi. Kaya naman mag tutuos kami ng kapatid ko.

  Dinuro-duro ko si bakla. Bakit mo iyon sinabi? Yamot na yamot kong baling sa kanya.

  Sisterloo, pag sinabi mo na Liar siya, ididinasisikatan ng araw iyon. Papatayin iyon ni tatay. Katwiran niya.

  Walang akong pakiaalam sa kanya, mabuti nga iyon dahil gagawa siya ng kasinungalingan.

  Look sister pag pinatay ni tatay si George, idikulungan ang bagsak niya. Pano na si nanay at pano na tayo. Ayaw kong manahin ang sakahan, hindi ko kayang magbilad sa araw masusunog ang balat ko, at sayang ang pera na binili ko ng gluthatione. Asik niya sa akin.

May instant boyfriend na ako! Kahit hindi ko man lang naranasan ang maligawan. Hay, kailangan ko nalang maki go with the flow.


           

          

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Foreigner and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon