Halos hindi ako makapaglakad ng maayos pero pinipilit kong maging ok kapag nakatingin ang mga pinsan ko. Ayaw kong magtanong sila kong ano nangyari sa akin siguradong pagtri-tripan nila ako kapag nalaman na sinipa ako ng isang babae sa pag de-deny na wala siyang gusto sa akin.
Unang kita ko palamang kay Ayessha Reyes nahalata ko na may mali sa kwento niya. Hindi ko lang pinansin dahil may memory gap ako. Ito ang side effect sa Force Amnesia Syndrome ko ito ang defense mechanism ko upang makalimutan ang sakit mula ng iwan ako ng aking ina. Kinakalimutan ko lahat ng mga nangyari sa akin mabuti man o masama. Pag tinanong ako kinabukasan poker face lang akong haharap natila baga hindi nangyari ang mga bagay-bagay.
Biglang umakbay sa akin ang pinsan ko na si Kent, siya iyong pinakamatanda sa aming anim. Pang 7 taon na niyan sa collage hindi maka graduate dahil madalas kong hindi bagsak, drop at inc yan sa mga subject niya. Pang-sampu niya na itong Eskwelahan, nalibot niya na ang mga sikat na paaralan ayaw parin tumino kung hindi lang kilala ng Tatay niya ang Prisedent sa school namin malamang di ito tatanggapin.
George, na overdose kayata kagabi pati paglalakad mo apektado. Pang-alaska niya sa akin.
Aba, todo performance ang ginawa. Irito mo naman ako diyan ng maka score naman ako. nanunudyong wika ni Ethan.
Poker Face lang akong umalis sa harapan nila. Kung alam niyo lang ang tunay na nangyari baka tumakbo kayo pag nakilala niyo ang taong gumawa nito sa akin. Pabulong kong wika.
George, di kaba papasok ngayon? Nagtatakang tanong ni Joe sa akin habang paakyat ako ng kwarto.
Umiling ako at hindi ko na siya hinintay na makapag tanong pa, naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Narinig ko pang nag-uusap ang anim.
Bro, ba’t di papasok si George? Tanong ni Joe.
Sumagot naman ang kapatid niya na si Ethan. Pinagod kasi ng Chika Babe niya kaya magpapahinga lang muna. Ibang klase talaga ang mga nakukuha niya magaling talagang performer. Tawa siya ng tawa habang sumasagot.
Mga baliw talaga itong mga pinsan ko puro mga kalibugan ang nasa utak. Narinig ko ang pagsirado ng pinto. Kaya imbis na pumasok sa kwarto bumalik ako sa sala upang manood ng T.V. Ilang oras na akong palipat-lipat ng channel pero di ako makapag-concentrate naaalala ko ang ginawa sa aking ng babaing iyon. Sa sobrang inis ko na itapon ko ang remote control na naging dahilan upang ito ay magkapiraso. AYESSHA REYES MAY ARAW KA RIN SA AKIN HINTAY-HINTAY KA LANG!
Tuunganga ako ng isang oras hanggan nag desisyon na ako na maligo at pumasok ng paaralan. Pumunta ako ng clinic sa school para ipa check up kung may sprain ba ako dahil iika-ika parin akong lumakad. Nakita sa loo bang dati kong staker sa Natasha.
Oh! Hi George. Bati niya sa akin.
Ako deedma lang sa bati niya, nakakaasar kasi ang babaing ito kapag ngumiti ka o di kaya ay binati mo ipapamalita nito na girlfriend mo na siya. Alam niyo na iyong kataga na self proclaim personality, ito ang perpektong deskripsyun ko sa kanya.
Habang naghihintay ako na tawagin ang pangalan ko kinuha ko ang laptop ko. Naiinis ako ng malaman ko na binlock ni Ayessha ang account ko. Walanghiya eh, ako nga ang naagrabyado rito sa mga nakakalokang mensahe niya. Kaya sinarado ko ang laptop at umuwi sa apartment para magpalit ng damit. Parang nawala ang sakit sa paa ko sa sobrang yamot. Kinuha ko si Irene iyong big bike ko, pepestehin ko ang babaing iyon.
Nasa labas na ako ng boarding house ng makita ko siya na may dalang malaking bag. Sumakay siya at ang isang bakla ng tricycle. Wala sa wisyo kong sinundan, tumigil sila sa isang bus mukhang pauwi siya.
Hindi ko alam kong bakit ako nagtitiyaga sa paglanghap ng mga usok na ibinuboga ng bus na ito. Para akong PBB teens na sinusundan ang crush niya. Halos paliparin ko na ang motor ko para lang mahabol ang bus. Napakabilis ng takbo hindi man lang nababahala na overload na ang sasakyan niya. Tuwing nasa mga kurbada at mga sirang daan halos mabingi ka sa tili ng pasahero.
Matapos ang dalawang oras na biyahe nakita ko na bumaba na sina Ayessha pero limang pulgada ang layo ko sa kanila baka makita ako. Balak ko na sanang umuwi pero nakaisip ako ng sweet ravenge sa kanya.
Nakita ko siyang sumakay ng habal-habal, pasimple kong sinundan. Napakahirap ng biyahe dahil hindi sementado ang daan, may parte na mataas at mababato at ang pinaka extreme ang maputik na parte na halos malibing ang bigbike ko. Nagsisisi tuloy ako na sumunod pa ako.
Tumigil ang habal-habal sa isang palayan, at naglalakad ang dalawa sa semented pathway. Pinara ko ang driver ng habal-habal.
Manong, saan po ba ang bahay ng dalawang sakay niyo? Tanong ko.
Ah, nasa kabilang sitio pa iho. Kilala mo sila?nangungusisa niyang tanong.
Ah, oha katipan ko po. Malayo pa po ba mula dito?
Boyfriend ka niya! Gulat na gulat siya sa narinig. Eh, kaswerteng dalaga talaga ni Ayesha. Eh, kay ganda mong lalaki. Banyaga ka ba iho? Hangang-hanga niyang wika.
May dugo po akong amerikano at español. Pagmamayabang ko este pagsasalaysay ko. Malayo pa po ba dito? Tanong ko ulit sa kanya.
Mga dalawang kilometro pa.
Manong, hindi ba nakakadaan doon sa pathway ang motor?
Nakakadaan naman iho.
Bakit po bumaba silang dalawa? Nagtatatakong tanong.
Dahil hihintayin ko pa ang misis ko, pumunta kasi siya sa bayan para bumili ng mga inumin mamaya sa birthday ni Ayessha.
Birthday pala ng babaing iyon. nasa isip ko.
Tumigil ang isang jeep na may dalang maraming inumin. Parang piyesta!
Kadyo! Tawag ng isang babae sa driver ng motor ng habal-habal. Sino siya? Turo niya sa akin
Ligreng, boyfriend yan ni Ayessha nagpunta iyan rito upang sorpresahen siya. Nanlaki ang kanyang mata at pakurap-kurap siya na tila baga isa lang akong imahinasyon.
Iho, kinulam ka ba ni Ayessha? Pranka niyang tanong.
Naku hindi po, na inlove po talaga ako sa kanya. Pagsisinungaling ko.
Nako Ligreng mamaya mo na iyan kulitin. Tayo na at humayo na, hinihintay na tayo ni Mang Lando
Sinundan ko lang ang dalawa hanggang marating kami sa bahay ni Ayessha.
Mang Lando, nadito na kami. Sigaw ni Mang Kadyo.
Agad naman sinalubong sila ng isang lalaki na may katamtamang pangangatawan. Kinuha niya ang mga inumin. Napatingin siya sa akin.
Sino naman ang binata na ito? Naku pag sinabi mong kamag-anak mo ang lalaking iyan talagang hindi kita paniniwalaan, malayo ang itsura sa iyo. Pagbibiro niya.
Ah, hindi Mang Lando. Boyfriend iyan ni Ayessha. sabat ni Manang Ligreng.
Boyfriend? Boyfriend ka ng anak ko? Galit ang tono ng pananalita.
Opo sir. Kinakabahan kong sagot.
BINABASA MO ANG
Mr. Foreigner and I
RomanceMay kilala ba kayo or kamag-anak na nakapangasawa ng dayuhan? Ano ang tingin mo sa kanila, mabuti o masama? biktima o manloloko? Sa panahon ngayon uso na ang instant, gusto natin lahat makuha sa madalian kaya we dare to do things na masama ayon sa...