Tulfo Brothers, Magandang Umaga! Ako po si Ayessha Reyes isang mag-aaral sa isang unibersidad dito sa bayan. Gusto ko pong ireklamo ang kakulangan ng masasakyan tuwing lunes ng umaga. Bukod sa akin daan-daan na mga estudyante at mga empelyado ang na pe-perhisyo dahil sa mga driver na mahilig mag good time tuwing Sunday dahil sa puyat ang mga butihing tsuper ay hindi na makapamasada sa Monday. Iniimagine ko na tumatawag ako sa programang T3 Enforced.
Sobrang pagod na ako sa kahihintay ng masasakyan papuntang School. Siguro kapag tumawag ako matatakot itong mga tamad na mga driver kapag kinumpronta na nina Ben, Erwin at Raffy, siguradong magtatanda na ang mga iyon. Halos magkasakitan na ang mga pasahero makasakay lang. Iyong iba kahit hindi ruta ng mga jeep ang kanilang mga opisina at paaralan sumasakay nalang, maglalakad nalang daw patungo sa mga lugar na papasokan.
Nakasakay din sa wakas! Kami palang ang pasehero ng aking baklitang kapatid sa isang sasakyan papunta sa school. Maghihintay pa kami na mapuno para makalarga na kami. Binuksan lang muna ni manong ang radio para daw di kami maiinip.
Lakas tama ako’y nawawala!
Nawawala ang isip ko kapag nakikita ka sinta.
Noise Pollution! Ang lakas ng steryo ni manong driver iyong kanta hindi na man angkop sa edad niya. Pang badboy ang peg ng kanta hindi naayon sa kanya dapat niyang patugtugin iyong mga The Beetles at Carpenters dahil swakto sa kanya.
Sa haba ng pasensya na ibinagay ko ngayon araw na ito. Sana may maganda namang mangyari. Silent prayer ko.
Pero kapag talaga good girl ka binibiyayaan ka ni Lord. Nakakita ako ng isang gwapong nilalang at para bang nag play ang kanta ni Danielle Padilla.
Love is in the air
I can feel it everywhere
Palapit ng palapit sa jeep at noong naupo na siya sa loob napansin ko ang kulay asul na kanyang mga mata. Nawari ko sa aking sarili “This must be love!” biglang nagputol ang aking pagmunimuni ng may nagsalita.
Wet for me Beb, plez tik da bibi fram mi?
Anu daw?
Nakita ko ang isang halimaw/mangkukulam este babae na may kapangitan. Nakasuot siya ng super fitting sleeveless litaw na litaw ang walang kurba niyang katawan at short na super liit na kita ang ang mga barya sa kanyang legs. Ipinakarga niya sa aking boylet ang isang super doper cute baby boy. Pag minamalas ka nga naman may asawa at anak na pala. Lahat ng nakasakay ay nagpipigil ng tawa sa babaing impakta na trying hard mag englis kahit napaka tigas ng kanyang accent.
Oh hindi! Anung nagustuhan ng foreigngerms na ito sa babaing iyan? Iyong mga anak ni ninang mas maganda ng dalawang paligo dito pero mga matanda ang nabingwit.
Kahit mga kababayan ko na lasenggo hindi magkakainteres na halayin ang manang na ito.
Define super doper pangit. Siya na iyon. Hindi ako kagandahan pero di ako kapangitan bali sakto lang half beautiful and half unattractive. Pero kahit papano mapagtiyagaan mo akong tingnan.
Broken-hearted instantly kahit di paumuusbong ang aming pagmamahalan, nanahimik nalang ako at nagpapanggap na tinitingnan ang daan. Bigla naman nagsalita ang Driver.
Yung hindi panagbabayad, pwedeng magbayad ng barya wala na akong panukli? Pasigaw na wika ng driver sa mga pasahero.
Kinuha ko ang coin purse ko sa bag, at kumuha ng 8 pesos. Siniko ako ni bakla at ngumiti ng ubod ng tamis. Teh, libre mo na ako please. Nakaakaasar ang tono niya parang iyong mga batang namamalimos sa Magz. Iyong nag mamakaawa na mamatay na sila gutom dahil tatlong araw na silang hindi nakakain. Pambihira nagpapalibre na naman ng pamasahe. Letseng buhay ito nag hihikawos na nga ako sa buhay. Dumokot ako ng labing-anim na barya.
BINABASA MO ANG
Mr. Foreigner and I
RomanceMay kilala ba kayo or kamag-anak na nakapangasawa ng dayuhan? Ano ang tingin mo sa kanila, mabuti o masama? biktima o manloloko? Sa panahon ngayon uso na ang instant, gusto natin lahat makuha sa madalian kaya we dare to do things na masama ayon sa...