Pakanta-kanta ako ng Paru-parung bukid.
Pababa na ako ng hagdan, gutom na gutom ako. Yayain ko sana ang mga kaboardmate na mag hapunan na sa Carenderia ni Aling Simang. Nagtaka ako, ubod ng tahimik hindi ko sukat akalaiin na mangyari ito, dati hindi ko mawari na may minuto na magiging ganito. May himala ba ngayon o baka maysakit sila kaya wala ng energy mag ingay.
Guys, are you in or out?
Yahoo, wala bang tao? Pag mo-monologue ko.
Pero maynarinig ako na ingay na nagmumula sa Balcony. Agad ko naman na sinundan ang mga tinig na aking naririnig. Palapit ako ng palapit ng bigla ako nakarinig ng boses mula sa kwarto ni Clarisse, anak ng land lady namin.
Oh, God it’s very big!
Nawindang ako dahil boses ng lalaki iyon.
Take it down, Clary.
Oh, Shit! Ah! I can’t! Help me!
Binuksan ko ang pinto sa pag-aakala na ginagahasa siya. Pero nagulat ako ng makita siya na nakahubad sa harap ng laptop at may kausap na negro.
It’s so unfair, show me yours babe.
Bigla kong nasarado ang pinto ng akmang huhubarin na ng negro ang pang ibaba niyang saplot.
Sino yan? Naiinis na wika niya.
Hindi ko siya halos tingnan sa sobrang kahihiyan sa pinaggagawa niya. Ah, Clarisse. Sorry akala ko napano ka.
Nanlilisik ang mga mata niya at nakakuyom ang mga kamay pinipigilanl ang inis. Sasusunod Ayesha wag kang papasok ng kwarto ng may kwarto na di kumakatok. Hindi ka ba naturuan sa inyo na Before you enter other space you need to knock their door 3 times and wait for a signal to enter.
Pasensya na talaga.
May kumalabit sa akin at tinakpan ang bibig ko. Pag tingala ko si Yen, tinuro niya ang kwarto ni Ate Mariss.
Ano ang ginagawa ninyong lahat dito? Nagtataka kong tanong.
Sinesenyasan nila ako na hinaan ang boses ko. Tinuro ni Yen ang butas sa dingding na pumapagitan sa kwarto ni Clarisse at Ate Mariss.
Sinisilipan niyo? Pabulong kong tanong.
Tango-tango sila.
Out of curiousity akong nagtanong. Bakit siya nakahubad?
Halos hindi maipinta ang mga mukha nila. Pinipigilan nila na hindi mapahagalpak sa tawa sa tanong ko.
Manang, saan bundok ka ba galing at ang inosente mo sa mga makamundong bagay. Sabi ni ate Mariss na tila na aawa sa akin. Iyan ang tinatawag na Cyber Sex.
Cyber Sex? Ano yun? Nagpapanggap akong inosente joke, Alam ko ang sex peropwede ba iyon na mag sex kayo sa internet ang alam ko kailangan na visibly present ang dalawang nilalang para magawa iyon.
Yess, yan ang non-contact sex na gumagamit ng internet. Pinapakita ang mga intimate part ng kanilang mga katawan at gumagawa ng mga movement para ma satisfy ang sexual urges ng isa’t isa. Sagot naman ni Rina.
Nakataas ang aking mga kilay habang tinuturo ng aking labi ang butas. Bakit niyo pala sinisilip?
Curios kami kung paano ginagawa. Natatawa nilang pag-amin sa akin.
Oh! Oh! Babe, it’s really, really huge! Sigaw ni Clarisse.
Dalawang oras na kaming naninilip kay Clarisse. Walanghiyang babae ang daming parokyano na kano. Binabayaran pala siya sa paghuhubad sa chat room. Napag pasyahan namin na bumaba upang maghapunan sa Carenderia. Pero sa sobrang digital ng karma hindi na kami nakapaghapunan, sirado na ang Carenderia noong lumabas kami. Kaya dying lang muna kami, joke lang bread lang muna ang dinner namin yun lang kasi ang 24 hours na bukas dito sa aming lugar.
Pandesal sa umaga, pandesal sa tanghali, pandesal sa gabi.
Oh pandesal masarap kapag may kape.
Iyan ang theme song nang karamihan sa mag-aaral dito sa amin. Minsan kasi kulang ang budget imbis na kumain ng kanin at ulam, tinapay na 5 pesos at instant coffee na 7 pesos swak na swak sa budget ng mga dukha.
Nagsisimula na akong ilob-ilob ang tinapay sa aking kape. Hindi kasi pwe-pwede na kainin mo ito ng hindi ilinuloblob sa kape kasi baka matanggal ang ipin mo sa sobrang tigas. Kulang kasi sa ingredients kaya nag kaganito ang tinapay.
Bigla akong nakarinig ng tinig na tumatawag sa pangalan ko. Dumungaw ako sa bintana at natanaw ko ang bulto ng isang pamilyar na nilalang.
Baklang Yesha, labas ka please. Sigaw ng isang diyosa na galing sa planetang nemic.
Oh, ginagawa mo dito? Maghahating gabi na pasusuplada ko sa kaharap ko.
Yesh, pahiram naman ng facebook, twitter at intagram account mo. dire-diretso niyang wika.
Halos hindi maipinta ang aking pagtataka. Bakit hihiramin mo ang akin, e meroon kanamang sariling account? nagtataka kong tanong.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis kagaya ng ginagawa niya kapag gusto niya talagang makuha ang favor na hinihingi niya. Kasi may iniistok akong wafu. E, hate niya kaming mga SEREYNA, kaya account mo gagamitin ko. Mabagal niya na paliwanag sa akin.
Baliw talaga ang baklang ito, agad akong sumigaw nga AYOKO NGA! Nag-isip ako ng magandang rason para hindi siya mapabigyan. Baka may kahalayan kang gawin at ma invade pa ang private life ko.
SELFISH! Sayang naman nag effort pa akong magluto ng Chili Fried Chicken. Iuwi ko nalang ito sa boarding house. Pagpaparinig sa akin ng bakla.
Chili Fried Chicken? Asan? Halos mag-laway ako sa narinig hindi pa ako ng hahapunan kaya masusuhulan pa talaga ako ng aking kahinaan, ang mga pagkain.
Pinakita niya sa akin ang supot at naiimagine ko na ang sarap ng Chili Fried Chicken lalo tuloy akong nagutom. Ito ay sariling recipe ng kapatid ko na minsan ko lang matikman dahil minsan lang sipagin ang sisterette ko.
Hoy! Ibigay mo na sa akin yan gutom na ako di pa ako nag-dinner.pagproprotesta ko.
Give me first your account and the password and I will give this Chili Fried Chicken. Nang hahamon ang kanyang boses.
Tumalikod ako at nagwika, kuha lang ako ng papel at ballpen.
Wag na teh, dictate mo nalang ma-memorize ko yan. Hindi mo ba alam na may photographic memory itong super ganda mong sister. Excited niyang wika.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagmamadali itong kapatid ko.
Baliw! Kung di lang ako gutom di ko talaga ibibigay. Nayayamot kong wika sa kanya. Agad kong idinikta sa kanya.
Akin na ang Chili Fried Chicken. Sabik na sabik kong wika.
Ibinigay niya sa akin ang supot at nagmamadaling umalis sa boarding house ko.
Noong binuksan ko na ang supot napapadyak ako sa inis dahil hindi naman CHILI FRIED CHICKEN kundi ordinary fried chicken na matatagpuan sa JOLLIGID.
BINABASA MO ANG
Mr. Foreigner and I
RomanceMay kilala ba kayo or kamag-anak na nakapangasawa ng dayuhan? Ano ang tingin mo sa kanila, mabuti o masama? biktima o manloloko? Sa panahon ngayon uso na ang instant, gusto natin lahat makuha sa madalian kaya we dare to do things na masama ayon sa...