Late na akong pumasok dahil walang heels ang sapatos ko. Kung bakit naman required sa paaralan na ito ang dalawang pulgadang heels. Pumunta ako sa Disiplinary Committee para kumuha ng admission para makapasok sa mga subject ko.
Pag minamalas ka nga naman sirado ang pinto sa likod kaya sa harap ka ng prof dadaan. Pumasok ako na iniingatan ang bawat hakbang upang hindi mapansin ang pagpasok ko. Pero sadyang malakas ang pandama ng bakla kong prof.
Oh, good morning. Ms. Reyes. You are very early for the next subject! Malakas na bati sa akin ng prof ko.
Diyos Ko! Napasigaw ako sa sobrang gulat. Nagtawanan ang buong klase sa hitsura ko.
Kahit nawiwindang pa ako agad akong nakabawi at humingi ng paumanhin sa prof. Sorry sir, Good morning everyone. Nahihiya kong bati sa buong klase.
Ms. Reyes, what time is it? He looked into my watch.
Dahil sa sobrang taranta ko hindi na ako makaisip kung paano lusutan ang prof ko kaya nakapagsabi na ako ng totoo. Ah, sir. Wala na po itong battery.
Bakit mo iyan isinusuot? Hindi makapaniwala niyang tanong.
Fashion po sir. Inosente kong sagot.
Dumagundong ang malakas na hagikhikan ng aking mga kaklase.
For Pete sake, Class ang relo ay inembento para mamonitor mo ang oras ng malaan mo ang 24 oras na binigay ng diyos araw-araw sa mga gawain naka plano mong gagawin at hindi para sa fashion show. Nag aalboroto niyang wika.
Bumaling siya sa akin at nagtanong na naman. Ms. Reyes, magkano ang allowance mo sa isang lingo?
Dalawang-libo po, sir. Nahihiya kong sagot.
Ang laki pala ng allowance mo, wag puro pagkain ang bilhin mo. Nakatingin siya sa katawan ko. Maglaan ka ng 50 pesos sa linggong ito ng makabili ka ng battery.
Kung hindi lang magaganda ang marka mo sa klase hindi talaga kita pagbibigyan. Next week pag na late ka pa papuntahin kita sa Disciplinary Committee upang mapatawan ka ng parusa. You may now take your seat. Pagsesermon niya sa akin.
Thank you,sir. Sa wakas tumigil din siya sa paggisa sa akin at nagpatuloy ng mag discuss ng aming lesson.
Umupo na ako sa upuaan. Siniko ako ng katabi ko na si Joy. Kinuha niya ang notebook at nagsulat ng bakit ka late? Agad ko naman tinuro ang sapatos ko. Tumango-tango siya. Mukhang naiintindihan niya ang nangyari sa akin.
Napansin ko wala si Athena sa upuan niya. Nasaan kaya ang babaing iyon matatapos na ang first period.
Bumubunot si Sir para sa susunod na contestant este susunod na mag rerecite.
Ms. Reyes, please stand up. Tawag sa akin ni sir at halos mangatog ang paa ko sa kaba kasi hindi ko pa nasimulang basahin iyong lesson ngayon. Pero bahala na si batman, tumayo ako na hindi nagpahalata na wala akong idea sa tinatalakay niya ngayon. Pag nagpakita ka sa mga prof na wala kang alam sa lesson lalong magbibigay ng mahirap na tanong.
Please explain the provision that allow an alien to become a Filipino.
Biglang nag ring ang bell. I am really lucky! Save by the bell!
Mabuti hindi na siya nag extend ang prof, mahilig kasi siyang magnakaw ng oras ng ibang subject. Siguro maraming teacher ang nagrereklamo sa mga late na mag-aaral galing sa asignatura niya. Ok, class we will end our lesson with that question. I want Ms. Reyes to have a clear report about this next meeting. Goodbye Class.
Sabay naming paalam kay sir. Goodbye Sir.
Binilisan ko ang paglalakad ko dahil malayo-layo ang lalakbayin ko, mamaya ko na iisipin ang report na iyan.
Halos humangos na ako sa pagod sa pagmamadali na pumunta sa next subject. Nakaramdam ako ng kaba dahil sirado ang pinto baka late na ako siguradong hindi ako pagbibigyan ng prof sa subject na ito dahil “she hates me”. Nagtaka ako walang tao, tang ina naalala ko wala pala kaming pasok dahil my conference na dadaluhan si Ms. Bitter. Napaupo ako sa upuan, magpapahinga lang muna ako panpatanggal ng pagod.
Biglang nag-ring ang phone ko si Athena ang best friend ko nag text. Balak ko sanang hindi basahin ang text niya sa sobrang asar. Siya kaya ang may kasalanan kung bakit ako napagtripan ni bakla.
BINABASA MO ANG
Mr. Foreigner and I
RomanceMay kilala ba kayo or kamag-anak na nakapangasawa ng dayuhan? Ano ang tingin mo sa kanila, mabuti o masama? biktima o manloloko? Sa panahon ngayon uso na ang instant, gusto natin lahat makuha sa madalian kaya we dare to do things na masama ayon sa...