Noong nasa labas na kami ng Mall, halos habulin naming an gaming paghinga sa sobrang pagod. Tumunog ang cellphone ni Athena parang mangiyak-ngiyak siya sa natanggap na text. Parang nakalimutan niya nasa tabi niya ako. Nagmadali siya na pumara ng jeep, walang imik ako na sumunod sa kanya.
Tumigil kami sa isang pribadong ospital, hindi naman ako masyadong tanga para di magets na may masamang nangyari sa kamag-anak ni Athena. Patakbong naglalakad si Athena na wari’y walang kasama. Huminto siya sa isang kwarto at nadatnan ko ang isang nanhihinang lalaki. Kasama niya loob ng kwarto ay ang apat na bata na sa tingin ko ay mga nakababatang kapatid niya. Wala silang imik habang pinagmamasdan ang lalaki. Si Athena ay inimo’y lumulutang at hindi mapasidlan ang lumbay na nararamdaman habang palapit sa higaan ng kanyang ama.
Jojo, nasaan si nanay? Pilit na pinipigilan ni Athena na umiyak habang nagtatanong sa kapatid niya.
Ate, kinakausap ng mga doctor sa medical headquarters nila. Mangiyakngiyak ang kapatid niya. Agad naman niya itong linapitan para yakapin.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na nasa mga early fifties. Nakasuot ng isang kupas at butas na bestida at ang kanyang mga tsinelas ay hindi magkapareha.
Mama kumusta na si papa? nag-aalala niyang tanong.
Malala na ang kalagayan niya kailangan niya ng mag undergo ng bypass. Umiiyak na wika nito.
Parang binuhusan ng malamig na yelo si Athena sa narinig na masamang balita. Alam ko nanaghihikawos sila sa buhay. Marami kasi silang magkakapatid at 3 ang sabay-sabay na nag-aaral ng College.
Lumabas si Athena ng kwarto at nagtungo sa pasilyo ng ospital. Doon siya humagolgol ng iyak, linapitan ko siya at inakap ng mahigpit. Kahit gusto kung kaluwagan ang mga dinadamdam niya, parang umaatras ang mga dila ko dahil hindi ako makahanap ng eksaktong salita na mapagagaan ang kanyang problema. Nanatili kaming mag-kaakap sa loob ng 30 minuto hanggang tumigil siya sa pag-iyak. Inayos niya ang kanyang damit at naglagay ng kolerete sa mukha.
Ayesha, una kana sa boarding house. Babalik na ako sa Robinson. Pagtataboy niya sa akin, alam ko ayaw niyang nakikita siya ng iba na nahihirapan at mahina.
Tin, babalik kaba sa mga lalaking iyon? May masama silang gagawin sayo. Puno ng pag-alala ang boses ko.
Alam ko. Pero wala na akong choice, ang matandang banyaga nalang ang natitira kong pag-aasa upang maipa opera si papa. nahihiya niyang pag-amin sa akin.
Balak ko pa siyang pigilan pero wala naman akong karapatan. Hindi ko rin naman siya matutulungan dahil sakto lang para sa amin ang kita ng magulang ko. Kaya tahimik ko na sinulyapan ang pag-alis ni Athena.
Naalala ko ang sabi ng aking Professor” Poverty leads us to no choice”. Pag wala kang kwarta sa bulsa gustuhin mo man sundin ang kasulatan sa bibliya, may mga pangyayari na kinakailangan nating piliin ang gumawa ng mali. Kaya ang prinsipyo pwede mong paaralin kapag may sinabi ka sa buhay pero kong hikawos ka kalimutan mo na ang natitirang pride mo sa katawan dahil walang karapatan ang mahirap na mag inarte kahit labag sa loob mo, pikit mata mo itong gagawin.
Katulad ni Athena, isang matalinong mag-aaral at maprinsipyo sa buhay dahil sa maysakit na ama ay kailangan kalimutan ang pride at tanggapin ang ano man na kakatok sa pinto niya.
Nasa labas na ako ng boarding house nag taka ang aming landlady kung bakit ako humahangos. Pero hindi na ako nag abalang magkwento siguradong itsismis niya naman ang sasabihin ko sa ibang borders. Pumunta na ako sa kwarto upang magpahinga.
Nakatulog ako kaya hindi ako nakapasok sa mga afternoon subject ko.
Kinatok ko ang kwarto ni Athena, pero walang sumasagot. Nang pihitin ko ang door knob bukas naman ito pinasok ko ang kwarto niya, nakapagtataka wala nang laman ang kwarto niya. Nagmamadali akong bumaba tinungo ang kwarto ng landlady.
Mama Amor, bakit wala na pong gamit sa kwarto ni Athena? Nagtatak kong tanong sa kanya.
Hindi ba nagpaalam sa iyo? Balik niyang tanong sa akin na tila nagulat na hindi nagpaalam sa akin ang kaibigan. Umalis na siya pumunta na ng siyudad upang ipagamot ang papa niya. Pagpapaliwanag niya sa akin.
Nalungkot ako sa aking narinig mukhang hindi na babalik si Athena. Tinawagan ko ang kanyang cellphone pero out of coverage na.
Mag-iisang linggo na mula ng umalis siya sa boarding house at hanggang ngayon hindi parin siya nagpaparamdam. Umaasa parin ako na papasok si Athena sa mga subjects niya pero wala maski anino niya akong nakita. Masakit sa aking pride na sa panahon kung saan kailangan niya ng taong aaluin siya, tinatanggihan niya ang pagdamay ko at mag-isa niya itong linalabanan.
Launch break na, tumungo ako ng canteen upang kumain. Malungkot na talaga ako ngayon kasi isa akong dakilang loner. Si Athena ang nag-iisang tunay na kaibigan ko. Sa panahon ngayon, bihira na ang taong magiging totoo sayo, ang iba kong kamag-aral gusto ako dahil nakakopya sila ng assignment o dahil ako lang ang bukod tanging nagpapauto na magpahiram ng mga gamit kahit minsan sira na kung ibalik sa akin.
Marami na ang tao magkakagrupo na kumakain, nagkwe-kwentuhan at nagbibiruan. Pero heto ako nag-iisa sa lamesang ito. Biglang inilapag ng isang nilalang ang bag niya nanaging dahilan upang ako ay magulat.
Ano ang inaarte mo tehh? Accept the fact that there is a great probability that she will never come back. And kindly move on with your stupid drama, as if your friend had died. Naiinis niyang wika habang dinuduro niya ako.
Tumigil ka nga bakla. Alangan naman mag-paparty ako na umalis ang bestfriend ko ng hindi nag paapaalam. Hindi ko matago ang kalungkutan na nadarama sa paglisan ng isa sa mahalagang tao sa buhay ko. Ewan ko dito sa mahadira kong kapatid kung bakit gusto agad-agad mag move on ako.
Pinindilatan niya ako at sinermunan ako na parang si nanay na nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Oh, hala sige. Mag lungkot-lungkotan ka o di kaya naman tumulon ka ng Agas-Agas bridge para mapatunayan mo sa buong world ang sadness mo.
Binatukan ko ang walanghiyang bakla.
Grabe ka teh, ang sakit ng head ko, Kapag talaga hindi ako nakasagot sa long quiz, isusumbong kita kay nanay. Reklamo niya sa akin habang hawak ang ulo niya.
At ano naman ang koneksyun ng pagbatok ko sa long quiz mo? nagtataka kung tanong.
Siyempre maalog ang brain ko, na magiging dahilan upang mag-jumble ang aking thoughts na magiging dahilan ng pagkalito ko at ang rason ng pagkakamali ko sa pagsagot sa long quiz. At lastly ang rason kung bakit babagsak ako. Pag re-reason out niya sa akin na parang may koneksyon talaga ang mga pinagsasabi niya.
Napahagalpak ako sa tawa, baliw ka talaga bakla. Ano ang akala mo sa utak mo, puzzle na kapag inalog mo ay maghihiwalay, natatawa kong wika.
Ayan, sisterloo tumawa ka din. Wag na you sad because you’re not beautiful para mag lungkot lungkotan lalo kang nagiging manang. Masaya niyang wika sa akin.
Ano? Galit kong tanong.
Bye, sisterrette. See you when I see you.Agad siyang umalis sa harap ko
Hoy mga bakla tara na sa room, mag-aral na tayo marami pa tayong dapat aralin. Sigaw niya sa mga bakla sa kabilang table.
Napaka sweet talaga ng kapatid ko pumunta lang ng kabilang building upang patawanin ako. Kahit madalas ininsulto at linalait niya ako, ramdam na ramdam ko na love niya ako.
Acceptance is the hardest thing to do, especially when half of your heart is still holding for a miracle that will bring back the missing piece. I know that it would take time for me to accept that she left without a doze of goodbye and it would take time for me to get over with her presence. Itinago ko ang notebook ko matapos kung isulat ang mga katagang ito.
BINABASA MO ANG
Mr. Foreigner and I
RomanceMay kilala ba kayo or kamag-anak na nakapangasawa ng dayuhan? Ano ang tingin mo sa kanila, mabuti o masama? biktima o manloloko? Sa panahon ngayon uso na ang instant, gusto natin lahat makuha sa madalian kaya we dare to do things na masama ayon sa...