Part-timer. All-around. Happy go lucky girl ng Camiguin. Lumuwas ng Maynila sa pag-aakalang may magandang buhay dito ngunit mas nabaon siya sa utang at halos wala nang makain dahil sa pag-iipon pero hindi niya magawang ipaalam yun sa mga kamag-anak at magulang niya sa probinsya.
Siya ang inaasahan ng mga ito na magtataguyod sa kanila. Hindi siya nagrereklamo dahil siya mismo ay gustong gawin ito para sa pamilya. Tuwing tatawag ang mga ito ay hindi niya pinapahalata kung gano na siya nahihirapan dahil ayaw niyang mag-alala sa kanya ang inang may sakit sa puso. Mas hindi niya kakayaning may mangyaring masama sa nanay niya nang wala siya sa tabi nito.
Papunta lang sana siya sa part-time job niya habang pinag-iisipan ang mga gastusin at nagbibilang ng pera pero sa pag-iisip niya ng mga bayarin at paghahanap ng pera pampadala sa probinsya, dun pa niya nakasalubong ang lalaking... umagaw ng first kiss niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon at oras pa.
Fara's PoV
Naiwan ako ditong nakatulala pagkaalis nung si Hades. I... I kenat bilib siya nakakuha ng pers kis ko! Buti na lang gwapo- ay shuta utak mo Fara anuevah.
Ang gwapo nung pangalan... ang gwapo din ng itsura... tapos nahalikan pa ko... my gulay
Umiling iling ako sa sarili ko. Hindi ito ang oras para isipin ko yung halik ni kuya. Kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng trabaho. Jusko magsisimula na ulit ang eskwela ni Martha sa Camiguin wala pa kami pang-enroll.
Tumingin ako sa relos ko para icheck ang oras
"HALA LATE NA KO OH MAY GAD" sambit ko remembering na may part-time nga pala akong pupuntahan ngayon. Jusko ano ba naman to, bat kasi ako nahalikan ng wala sa oras, para akong infected tuloy!
"Gurl, andami na ng hugasin bat ngayon ka lang!"
"Sorry na! May- may ano lang, may minor kissiden- ay este accident lang sa daan, medyo naipit yung lab- ako ano basta yon!"
Jusko bat puro kiss at labi na lumalabas sa bibig ko?!
"Gora na dzai! Andaming customer!"
"okay okay!" sambit ko bago nag-ayos para makapagsimula na sa trabaho.
Hays. Gusto ko lang talaga ngayon, maging maayos ang buhay ng pamilya ko sa probinsiya, mabayaran ang mga utang namin, pagkatapos nun, sarili ko naman iisipin ko. Kaso mukhang malabo pa yun ngayon.
Hades' PoV
"Nagbasag ulo ka na naman?!"
"Ano naman sayo?" bastos na kung bastos pero hindi naman din uso sa pamilyang to ang salitang respeto. Bat pa ko mag-aabala?
"Wala ka ba talaga mabuting magagawa sa buhay mo ha?!"
"Wow naman as if kayo may nagawang maganda?" sambit ko sa nanay ko na tinugunan niya ng sampal
"Bastos!" napangisi na lang ako habang di ko maramdaman ang pisngi ko mula sa sampal ng sarili kong ina
"Tapos na kayo? Tutulog na ko" sambit ko sabay talikod sa nanay ko at punta ng kwarto.
"Santelmo pagsabihan mo nga yang anak mo!"
"Hayaan mo nga siya! Gusto niya yan buhay niya yan! Ang ingay ingay mo!"
Nagsuot na lang ako ng headset bago ko pinikit ang mga mata ko para makatulog sa lahat ng mga nangyayari.
Just... how can I escape this fcking reality? Na magagawa ko man lang ngumiti ng totoo sa harap ng ibang tao. Yung mararamdaman ko sa sarili kong... masaya ako.
Tsk. Tanginang buhay to.
BINABASA MO ANG
Tears In Heaven
FanfictionWould you know my name, if I saw you in heaven? Would it be the same, if I saw you in heaven? I must be strong, and carry on, coz I know I don't belong, here in heaven 🎶