SPECIAL CHAPTER: WHEN JEALOUSY STRIKES

135 11 0
                                    

HIS POV

“Ang hirap naman kasi sayo, lahat na lang ng lumapit sa akin. Pinagseselosan mo” paliwanang ko kay Blairre na kanina pa ko hindi pinapansin. Imbes na sumagot ay bumuntong hininga lang siya tsaka nag-iwas ng tingin.

Nako! Heto na naman kami. Ang hirap pa namang amuhin ng babaeng ‘to. Nakatingin lang ako sa kanya. Andito kami sa coffee shop na madalas naming tambayan. Kanina pa nakauwi ang mga kabarkada namin, hindi ko naman siya maihatid sa bahay nila kasi nga hindi pa kami okay. Ayoko sa lahat ay ang palipasin ang gabi na mag-kaaway kami.

 “Babe…” tawag ko sa kanya pero tumingin lang siya sa akin tsaka muling nag-iwas ng tingin. Walang kupas talaga ang kasungitan nito.

“Sorry na…” sabi ko sabay hawak sa kamay niya na nakapatong sa table. Magkatapat kasi kami, paano ko matatabihan ‘to baka naitulak na ko. Takot ko lang kay Babe.

“Babe, ano? Sorry na nga eh” pangungulit ko pa.

Tumayo siya tsaka nagsalita, “I’m tired, uuwi na ko” tapos lumakad siya papunta sa pinto nung shop. Aish! Napahawak ako sa ulo ko. Mukhang galit talaga siya. Minsan talaga nakakapagod na, away-bati na lang. Napasandal ako sa couch at pumikit, ano kayang gagawin ko para mapatawad niya ako, hindi naman kasi ako nakikipaglandian sa iba. Nami-misinterpret niya lang talaga.

Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. Nagmulat ako ng mata.

“Peaches?”

“Hi Kian! Alone?” tanong niya sa akin ng nakangiti.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Classmate namin ni Blairre si Peaches since high school, tapos ngayong taon lumipat siya dito sa Beat University, same course kami pero magkaiba ng block.

“Busy ka ba?” tanong niya sa akin. “Pwede mo ba kong turuan on how to read the notes? I’m having a hard time with that topic kasi” dugtong niya pa. 

Alinlangan akong ngumiti sa kanya, “Ah…a-ano k-kasi…” hindi ko pa natutuloy ang sinasabi ko ng magsalita siya ulit.

“Sige na? Please? Kahit 30 minutes lang” 

Huminga ako ng malalim, wala naman sigurong masama diba? Tuturuan ko lang naman si Peaches.

HER POV

“Ang hirap naman kasi sayo, lahat na lang ng lumapit sa akin. Pinagseselosan mo” patuloy siyang nagpapaliwanag pero ayoko na lang siyang sagutin. Palagi na lang kaming nagkakaroon ng problema tungkol sa ganitong issue. I know hindi dapat ako nagseselos pero nakakainis naman kasi si Kian, masyadong lapitin ng mga babae. May tiwala naman ako sa kanya, pero sa mga umaaligid sa kanya wala. Ang masama doon nadadamay din siya sa galit ko, paanong hindi eh hindi man lang siya marunong umiwas.

Panay ang tawag niya pero ayokong pansinin. Pag nag burst out pa ko, lalo lang kaming mag-aaway.

Tumayo ako tsaka nagsalita, “I’m tired, uuwi na ko” sabi ko tsaka naglakad palabas ng coffee shop. Andito na ko sa parking lot ng school, I thought susundan ako ni Kian pero nagkamali ako. Siguro nagalit siya sa akin kasi hindi ko siya pinansin tapos iniwan ko pa siya doon. I heaved a sigh. Nagpadalos-dalos na naman ako. Napag-usapan na nga pala namin na kapag may problema dapat ayusin agad kasi hindi maganda na pinapalipas ng magdamag ang galit sa isa’t isa. Hindi daw healthy sa relationship ‘yon pero meron din naman daw instance na kailangan ng space and time, siguro pag sobrang laki na ng problem ‘yon.

Napagpasyahan kong bumalik sa coffee shop pero sana hindi ko na lang ginawa. Nandito na ko sa loob pero hindi ko magawang magsalita. I felt like I was glued here. Ayoko namang mag-isip ng masama pero dahil ba sa kanya kaya hindi ako sinundan ni Kian? At ang magaling na si Kian? Okay lang sa kanya na uuwi ako ng hindi man lang kami nag-uusap? Nakuha niya pang makipagbolohan at makipagtawanan sa babaeng yan?  Pakiramdam ko ang bigat bigat ng dibdib ko. At tila nagbabadya ng bumagsak ang mainit na likido mula sa mata ko.

YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon