Legendary Graduation Ball…
Ito yung gabing pinakahihintay ko…
Aamin na ko sa babaeng matagal ko ng mahal.
Maaga akong dumating sa school kasabay ko yung mga kaibigan ko…
Naupo kami sa table na nakalaan para lang sa amin…
Malapit ng magsimula pero wala pa siya pati yung mga kaibigan niya.
Biglang bumukas yung malaking pinto…
May pumasok na isang anghel may kasama siyang dalawang alalay..
Haha.
Pumunta sila sa table nila...
Napansin kong palinga-linga siya hanggang sa napatigil yung tingin niya sa lugar namin.
Ang sakit lang sa puso na sa iba nakatuon ang tingin niya..
At malala pa dun kaibigan ko pa..
Alam kong matagal na siyang may gusto kay James.
Pero ang nakakainis dun…
Parang yung buhay natin napagtitripan?
Medyo malabo eh
Kung sino pa yung pinapangarap natin yun pa yung binabasura ng iba..
Wala akong magawa.
Hindi ko naman masabi sa kaibigan ko na magka-gusto siya sa kanya..
Masaya na ko kapag nakita ko siyang masaya.
Nginitian ko siya pero irap ang iginanti niya sa akin.
Ang ilap oh?
Akala kasi nito palagi ko siyang inaaway.
Eh ginagawa ko lang naman yun para mapansin niya ko…
Lumapit ako sa pwesto nila.
Ayoko naman mang-asar ehh..
Pero yun lang talaga yung paraan.
“Sabi na nga ba, Blairre, you’re looking for me eh”
Tinaasan niya ko ng kilay.
Pag sa akin ang sungit nito, pag sa iba akala mo anghel eh. tsk
“excuse me lang ha? Who told you naman na I’m looking for you?”
“Well, it’s obvious kaya palinga-linga ka pa kanina, and when you saw me, tumigil ka sa pagtingin-tingin, so I supposed na nahanap mo na yung hinahanap mo kaya ka tumigil” pagpapaliwanag ko, pero alam ko naman talaga na si James ang hinahanap niya kanina at nagkataon na magkatabi kami.
“Mr. Santos, I don’t need your conclusion based from your observation. Wag mong obserbahan ang kilos ko ngayon, besides this is a Graduation Ball not an experimental class, sa experimental class lang nag-oobserve” Sagot niya.
“haha me? (Tinawanan ko siya sabay turo sa sarili ko)
observing you? (tinuro ko naman siya)
okay fine if that’s what you think, sige Ms. Valedictorian, ikaw na ang panalo ^_^”
Ayoko ng makipag-asaran baka masira pa yung gabi niya dahil sa akin.
Maya-maya nagsimula na yung program..
Nagsalita na din si Mr. Cayabyab, pinaalala niya na i-surrender yung mga relo at gadgets
Kung siya ang magiging last dance ko, maniniwala ako sa kalokohan na yan.

BINABASA MO ANG
YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)
Teen FictionPaano kung isang araw umamin yung kinaiinisan mo na may gusto siya sayo? Alamin ang reaksyon ni Blairre sa pag-amin ni Kian. Date Started:June 29, 2014 Date Finished: November 2, 2014 REVISION STARTED: April 10, 2015 REVISION FINISHED: __________