HER POV
Nung araw na umalis si Kian matapos kong kantahin yung napili ko este pinili ni Marvz para sa activity. Hindi na siya pumasok pa. Nabalitaan ko na lang na nagdrop ito. Kahit sino sa mga kaibigan niya ay walang nagsalita. Ano kayang nangyari?
Hindi ko maintindihan ang sarili ko dapat maging masaya ako kasi hindi niya na kami ginambala ni James. Pero bakit ganun? Hindi ako masaya. Every day inaabangan ko na makikita ko siya pero palagi akong bigo.
Since that day, nahuli kong may ibang babae si James. Masakit— oo pero mas masakit ng malaman kong siya ang dahilan kung bakit iniwan ako ni Kian nung araw pagkatapos ang Legendary Ball. Mas masakit na malaman na ipinaubaya ako sa kanya ni Kian, masakit na malaman na hindi ako ipinaglaban ni Kian. Masakit na hindi sinabi sa akin ni Kian na magkapatid pala sila ni James.
OO crush ko si James nung Highschool pero nung after Legendary Ball nagbago ang lahat. Matagal ko tong pinag-isipan it’s been 6 months, eight days and 12 hours..
DJ: Hello! Again This is LOLA CHIKA!
Hello po
DJ: Hello din sayo! What’s your name my dear?
Blairre po
DJ: Oh Blairre, what a nice name! So anong maipaglilingkod ko sayo?
I just want to request a song po sana
DJ: Song agad? Wala ba munang story telling? HAHA
Sa dami ng chikahan namin nung DJ ine-chos niya ko ng ine-chos… pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko…
DJ: 6, 8, 12 ? Bakit naman yan ang kantang napili mo?
May namimiss lang po akong tao.
DJ: oh? so its been six months, eight days and twelve hours mo na ba siyang hindi nakikita kaya namimiss mo na siya at kaya yan ang kantang nirerequest mo?
Actually opo
Totoo naman talagang nagmarka pa ko sa kalendaryo nu! Ngayon ko napatunayan na Mahal ko nga talaga siya.
DJ: Kayaaaaah!! Ohmygee! Is it real? Is it real? Dandandan dalandan? Haha chos. Pero truelalu ba ito?
Opo.
DJ: so kanino mo ba to dinidedicate Blairre?
Pwede po bang wag na lang sabihin ang pangalan?
POTEK NAHIHIYA NA KASI AKO NA BULGAR NA ANG PANGALAN KO. NGAYON KO LANG NAISIP
DJ: eh bakit naman?
Hindi naman kasi siya nakikinig, at tingin ko hindi din naman niya ako naaalala.
Yun naman talaga ang tingin ko. IMPOSIBLE! NAPAKA-IMPOSIBLE!
DJ: Ganun? Hindi kita pipilitin pero bago ko patugtugin ang kanta may gusto ka man lang bang sabihin, malay natin baka naman nakikinig siya diba?
The song says it all…
OO lahat ng gusto kong itanong at sabihin andun na.
DJ: okay so I think Blairre is really hurting right now. I hope maka-move on na siya.At kung sino ka man,gusto ko lang itanong wala ka namang iba pero bakit bigla ka na lang nang-iwan? Ayayay peg-ebeg talaga!
Matapos nun pinatugtog na nung DJ yung kanta. Pero nanatili pa ring naka-hang ang phone,
actually ang cellphone, grabe buti nka-unli ako. In short kinausap ko si Lola Chika habang tumutugtog yung request ko. Sinabi ko sa kanya lahat. Sabi niya kanina if we are destined to each other si destiny mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo kami. Sige nga Destiny? Try natin. ^_^
“Oh Blairre iha? Hindi ka pa ba uuwi? Aba’y mag 12midnight na ah?” Napalingon ako sa nagsalita.
“Manang naman, ginulat niyo ko. Namiss ko lang po ang lugar na to. Pwede bang mamaya na ko lumabas?”
“Ikaw talagang bata ka! Palagi ka ng andito hindi ka ba napapagod?” sabi ni Manang tsaka umupo sa tabi ko pareho kaming sa malayo nakatingin.
“Napapagod saan Manang?” tanong ko.
“Napapagod maghintay”
O_O nagulat ako sa sinabi ni Manang kaya napatingin ako sa kanya.
“Alam ko naman na tuwing bumibisita ka dito ay umiiyak ka…” sabi niya sabay tingin sa akin, mas lalong lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Yumuko ako dahil nahihiya ako.
“Pero lahat naman ng yan may hanggananan. Hayaan mo pagkatapos naman ng sakit darating din ang ligaya” sabi ni Manang tsaka tumayo.
“Salamat po” sabi ko sa kanya bago umalis.
Huminga ako ng malalim.
“Kailan kaya kita makikita?” sabi ko habang nakatingin sa malayo tsaka tumayo medyo lumalamig na kaso paglingon ko
O_O
MULTO?
A/N: Maikli na nga, cliff hanger pa! Haha. Malapit na matapos. 2 chapters left.
BINABASA MO ANG
YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)
Novela JuvenilPaano kung isang araw umamin yung kinaiinisan mo na may gusto siya sayo? Alamin ang reaksyon ni Blairre sa pag-amin ni Kian. Date Started:June 29, 2014 Date Finished: November 2, 2014 REVISION STARTED: April 10, 2015 REVISION FINISHED: __________