HIS POV
The promises you made keep me hanging on.
Hindi ko naman sinasadya eh. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya lumabas na lang ako nung araw na iyon at hindi na pumasok pa. Lumipat ako ng ibang section, sinigurado kong hindi ko na siya makikita. Nasasaktan ako dahil nakagawa ako ng mali sa kanya at alam kong nasasaktan din siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya yun.
Tama si Marvz. Hindi na dapat ako bumalik. Ginugulo ko lang si Blairre. Ginugulo ko lang ang kapatid ko—Si James.
*Flashback
Sinuntok niya ko ngunit hindi ako gumanti. Itinuturing ko siyang kaibigan pero bakit niya ginagawa to. May mga taong naka-itim sa paligid ngunit hindi nila ako sinasaktan. Tila mga nakabantay lang.
“Bakit mo ba ginagawa to?”
“Hahah” tumawa muna siya bago nagsalita muli “Naiinis ako sayo! Lahat na lang kasi inagaw mo!” sabi niya sabay lapit sa akin.
“Wala akong inaagaw say-aaacck!” sinutok niya akong muli.
“Wala kang inaagaw? Akala mo lang wala pero lahat inagaw mo! Kuya!“
“Kuya?” tanong ko sa kanya
“Oo, kapatid kita, magkapatid tayo at matagal ka ng hinahanap ni Lolo! Hindi ko alam kung bakit ka pa niya hinahanap! Anak ka lang naman ng tatay ko sa ibang babae!”
Nagulat ako sa sinabi niya pero bago pa ko ulit magsalita isang suntok muli ang natanggap ko. Naguguluhan na ko pero hindi ko magawang gumanti sa kanya.
Iniwan nila akong nakahandusay sa abandonadong building pero bago siya umalis may sinabi pa siya…
“Wag si Blairre, Kian”
-end-
Nung gabing yun, tinawagan ko agad si Mama para itanong kung totoo ang mga sinabi ni James, kapatid ko nga siya—pareho kami ng ama. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat kahit over the phone lang naintindihan ko ang mga paliwanag niya. Hindi ako galit dahil alam kong itinago lang niya sa akin ang lahat para protektahan ako. Magkaiba kami ng apelyido ni James dahil ginamit ko ang apelyido ng kinikilala kong ama.
Umalis ako para walang gulo. Umalis ako para magpaubaya sa kapatid ko. Umalis ako pero hindi ko kinaya. Umalis ako pero sandal lang yun. Simula nung gabing nagtapat ako kay Blairre lagi ko na siyang sinusundan, nagawa ko pang mag-disguise para sa kanya.
Nangako ako na babalik na babalikan ko siya pero nakita kong masaya na siya sa kapatid ko, oo, alam ko lahat sinasabi sa akin ni James pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit sinabi sa akin ni Miggy na obserbahan ko si Blairre at ang kapatid ko.
Gulong-gulo na ang isip ko. At ngayon heto ako, iniwan ko na naman siya. Ang tagal na. Nung nagtransfer ako sa BEAT University, plano ko talagang alamin ang lahat pero yung araw na pinakanta kami ng professor namin sa Music101 yun din ang araw na umalis ako.
And this time ang pag-alis ko ay walang paalam…
walang pangako…
walang inaasahang babalikan…
walang umaasa…
At tingin ko wala ng ibang masasaktan kundi ako lang.
Nasa Pilipinas pa rin naman ako,ang pagkakaiba lang walang may alam kundi si Miggy at si Miggy lang…
*Beep
From: Miggy
Pare, buksan mo yung radio mo! 143 FM.

BINABASA MO ANG
YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)
Teen FictionPaano kung isang araw umamin yung kinaiinisan mo na may gusto siya sayo? Alamin ang reaksyon ni Blairre sa pag-amin ni Kian. Date Started:June 29, 2014 Date Finished: November 2, 2014 REVISION STARTED: April 10, 2015 REVISION FINISHED: __________