EPILOGUE

193 15 8
                                    

EPILOGUE

 “Honey?”

*Death glare*

“My love?”

*Death glare*

“So sweet?”

 *Death glare*

“Blairre naman eh akala ko ba it’s been six months, eight days, twelve hours? Bakit di mo pa ako sinasagot? Hindi na six months! Magna-nine months na! Ano to buntis lang?? Nag-kiss---aray!” napaka sadista talaga ng babaeng to.  -__- nakakatakot pa.

Nahampas na naman tuloy si Kian. Hahah. Puro kasi kabaklaan ang kapatid ko.Hindi pa nga sinasagot ni Blairre, nag-iisip na agad ng endearment. Haha Excited lang.

After nung gabing yun nagkausap-usap kaming tatlo nila Blairre, nagawa pa nila akong patawarin sa lahat ng nagawa kong mali sa kanila kung tutuusin hindi na dapat pero mabait si Blairre at Kian. Naintindihan naman daw nila ako at yun ang pinagpapasalamat ko.

“Bakit kasi hindi pa sagutin si Kian?” banat ni Miggy

“Waley kasi ang bata mo Miggyness! Mahina masyado! Hahah Mana sayo! ” sabat ni Marvz

“Mahina? Sige Kian! Diskarte na! anak ng tinapa! habulin ka ng babae tapos si Blairre lang di mo mapasagot?” reklamo ni Miggy.

“yun nga Miggy eh.. si Blairre yan! Hindi basta babae lang” sabi ni Kian sabay tingin kay Blairre at kumindat pa.

“Yiiiiieeee” sigaw naming lahat.

“Uy. Kiligmats HAHA” sabi ni Kian kaya pati kami nagtawanan.

Kitang kita naman ang pamumula ni Blairre. Haha Kinikilig nga siya. Pero pinipigilan ano bay un? Bakit ganun ang mga babae?

“Kaasar ka!” sabi niya sabay hampas ulit kay Kian haha.

“Blairre!” –Kian

“ano?”

“Pag sinabihan mo ko ng I love you tayo na!” –Kian

“A-S-A.. maghintay ka din para fair. Excited ka masyado..busy ako oh” sabi ni Blairre habang nag-aayos ng table. Andito kasi kami sa garden sa labas ng bahay namin ni Kian.

“Tss.” Si Kian habang nagkakamot ng ulo na parang batang nangungulit. Maya maya pinuntahan niya si Miggy, may binulong siya tapos may binulong din si Miggy in short nagbulungan sila.

“Blairre, ano nga English ng mahal kita?” tanong ni Kian pagkalapit niya kay Blairre.

“Aish! Akala ko ba matalino ka? Edi I love you” sabi ni Blairre na tuloy lang sa pag-aayos.

“YEESSSS!!’ sigaw ni Kian

“Woohhhoooo!! Very good baby boy!” bati sa kanya ni Miggy.

Napatigil tuloy ang lahat sa ginagawa nila pati si Blairre at automatic na namula ang mukha niya ng marealize nya yung isinagot niya kay Kian.

“Arrrrggghhh!! Kaasar ka talaga!!” sabi niya sabay habol kay Kian

“HAHAHAHA’ tawa pa ni Kian habang tumatakbo-takbo

“EMEGED! Ang talino mo talaga Blairre!” sigaw ni Marvz na parang nang-aasar pa.

“James si Kristel Oh Ayiiieee!!” sigaw naman sa akin ni Miggy.

Nginitian ko siya kahit kelan talaga tong mokong na to! Feeling si CUPID eh. Well, Kristel is special. ^_^

Anyway….

“Honey!!”sigaw ni Kian

“Mandiri ka sa Honey Kian -_-“ alams na kung sino yan

“Haha.. teka anong ibig sabihin ng FYI?” out of nowhere na tanong ni Kian.

“For your information, ano ka ba? Tsk” asar na sagot ni Blairre.

“Mali.” Seryosong sabi ni Kian kaya napalingon si Blairre.

“Eh?”

“Forever You and I” sabi niya sabay wink. Takte ang kapatid ko ang galing talaga bumanat.

“Peste ka, simula noon hanggang ngayon pang-asar ka talaga!” sigaw na naman ni Blairre.

Ay ewan. Ang mga babae talaga pag kinikilig, nag-gagalit-galitan para hindi masyadong obvious pero FYI lang ehem- for your information ang meaning nyan! Nahahalata kaya namin yun haha.

“Ang dami mong kasalanan Blairre! Ipapakulong kita” sigaw ni Kian. Seryoso di pa sila tapos? Bangayan ng bangayan?

“bakit na naman ano na naman ginawa ko? Bakit mo ko ipapakulong?” si Blairre na palaging pikon. Haha sagot pa kasi ng sagot eh.

“Kasi you have stolen my heart” sabi ni Kian sabay wink.

A/N: Ayan ang galawan at banatang Kian Andrei Hyun. Haha. Pagpasensyahan ang ka-kornihan. Kamsahamnida, Merci, Arigato, Gracias, Thank you in tagalog MARAMING SALAMAT sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa short story na ito. Sana po ay basahin niyo din at suportahan ang iba ko pang stories kagaya ng pagsuporta niyo dito. 

Wala akong balak na sundan pa talaga to. haha Bonus na yung 9 na chapter dahil dapat eh one shot lang. Well anyway, gusto kong gawan ng story si Miggy haha. Kung may susuporta sa kanya. Why not? haha. Pero ewan depende pa rin. Bahala na si batman ^_^

Maraming Salamat ulit! ^_^

TAKE CARE!

xoxo, Kaigen <3

YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon