HIS POV
Umalis ako agad at dumiretso sa bar na pagmamay-ari ng pamilya ni Jared. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tang*a. Ganun na lang ba ‘yon? Ipinagpalit niya yung relasyon namin sa taong kakakilala niya pa lang? Anak ng putspa! Anong mayroon sa lalaking ‘yon na wala ako?
“Oh problema?” bungad sa akin ni Jared. Hindi ko siya sinagot, umupo ako sa harap ng bartender.
“Bacardi 151”
“Oh teka teka! Tol, Matapang ‘yang inoorder mo” pigil niya sa akin. Tss alam kong matapang ang alak na ‘yon. At sa tingin ko kailangan ko talaga ‘yon para hindi ko gaanong maramdaman yung sakit. Kahit papaano pag nalasing ako malilimutan ko sandal ang mga nakita ko kanina.
“Ano bang problema mo?” pangungulit niya sa akin pero hindi ko pa din siya iniimikan. Hindi ko pa yata kayang sabihin sa kanya ang nangyari at kung sasabihin ko man baka pagtawanan lang ako nito. Sa mga panahon na to mas gusto kong makausap si Miggy. Abnormal man ang kaibigan kong yon at least pag tungkol sa mga ganitong bagay maaasahan siya.
“Sir Jared, phone call po, ang daddy niyo po”
Ti-nap ako sa balikat ni Jared bilang pagpapaalam. Mas okay yun kaysa kulitin niya ko. Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Miggy. Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit ng makita ko ang wallpaper ng cellphone ko. Wala naman akong ginawang masama ah, mula noon hanggang ngayon siya lang ang babaeng minahal ko, mahal ko at mamahalin ko pero bakit kailangan niya kong ipagpalit agad? Bakit hindi niya ko magawang pakinggan muna? Hindi niya ba maramdaman na seryoso ako sa kanya…na hindi ko siya magagawang lokohin… na hindi ko siya ipapagpalit sa kahit na kaninong babae…
Hay buhay nga naman, hindi naman ako Casanova, wala naman akong nilokong babae pero bakit sa akin nangyayari ‘to? Dapat kay Brix o kaya kay Jared. Pwede din kay Miggy marami ding babae yun eh.
Tang*a! Mas masakit pa ‘to kaysa nung panahon na nalaman kong ampon lang ako. Tatlong beses kong tinawagan si Miggy pero wala pa ding sumasagot. Potek! Anong problema ng mokong na ‘yon?
Nakakarami na ko at ramdam kong nahihilo na ako.
“Bardinet” sigaw ko sa bartender, wala akong pakialam kung malasing ako ng todo. Tang*a habang palalim ang gabi mas lalo akong nakakaramdam ng sakit.
*Toogsh!*
Ibinato ko yung baso sa may dingding dahilan para makuha ko ang atensyon ng mga tao dito. Wala kong pakialam kung magalit sila, ang sakit e! Tang*a
“Ano ba!” sigaw ko. “Hindi mo ba ko narinig?” sa inis ko ay tumayo na ako. Agad naman akong inawat ng mga bouncer. Pinilit ko namang kumawala sa kanila pero ayaw nila akong bitawan.
“Tang*a! Magbabayad naman ako!” sigaw ko.
“Sige na bitawan niyo na!”
“F*ck you! Jared!” sigaw ko sa kanya. Kaibigan niya ko tapos gaganituhin niya ko.
Nilapitan niya ko at sinuntok. Potek! Masakit yun ah! Pag nabawasan ang kagwapuhan ko humanda lang siya sa akin. Susuntukin ko na sana siya ng biglang humarang yung bouncer.
“Tang*a Jared! Wag kang duwag!” sigaw ko sa kanya.
Nakita ko siyang umiling sabay hawi sa bouncer at sinuntok niya ako ulit pero this time sa tiyan naman. Hindi ako makatayo. Pasalamat siya at lasing ako kung hindi bugbog sarado siya sa akin. Hinawakan ako ng dalawang bouncer para makatayo. Tang*a nahihilo ka na sinuntok ka pa.
“Sa private room” narinig kong sabi ni Jared. Wala na kong lakas para humindi pa sa dalawang bakulaw na nakahawak sa akin. Nagpadala na lang ako sa kanila. Naramdaman kong iniupo nila ako sa sofa.
BINABASA MO ANG
YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)
Подростковая литератураPaano kung isang araw umamin yung kinaiinisan mo na may gusto siya sayo? Alamin ang reaksyon ni Blairre sa pag-amin ni Kian. Date Started:June 29, 2014 Date Finished: November 2, 2014 REVISION STARTED: April 10, 2015 REVISION FINISHED: __________