When they meet again

297 16 9
                                    

HER POV

Three weeks na ang nakalipas simula ng umalis si Kian. Since that time wala na kong narinig tungkol sa kanya. I should be happy dahil wala na kong kalaban sa pagiging valedictorian, wala na ding nang-aasar, wala na ding nagpapasaway, wala ng nanggugulo, wala ng makulet…wala na…wala na siya. Feeling ko iniwan niya ko sa ere, kahit sinabi niyang babalik siya. Wala naman kaming relasyon pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Ang labo.

Si James, simula nung araw na sinundo niya ko hanggang ngayon ay madalas kong kasa-kasama. Ang totoo niyan nanliligaw siya sa akin.

“Blairre, handa ka na ba sa speech mo?” –tanong sa akin ni Mrs. Chua. Andito na kasi ako sa school mamaya na ang graduation namin.

“Yes Mam!” masigla kong sagot.

“Good. Galingan mo hah” dagdag niya pa.

“Opo!”

--Ceremony—

“Lastly, dear graduates… Take note of this..  Sometimes being hurt helps us to grow and be strong… and getting failed help us to know our mistakes, We have to lose to learn how to fight so that we can understand everything that happens in our lives. Let’s try our best in our college life! Kudos dear schoolmates!...”

 Natapos ang speech ko sa at kasunod nito ang palakpakan ng kapwa ko mag-aaral.

“May pinagdadaanan ka ba sa speech mo friend?” tanong ni Marvz

“Huh? Wala naman..bakit?” sagot ko.

“Mukha kasing meron eh”- sabat ni Kristel

“Mukha lang yun. Syempre kelangan pangaralan ang mga schoolmates natin para magtino na sila sa college.” Paliwanag ko.

“Bakla, take note of this… If you think it’s time to let go, then just let go. There’s no point in turning back to what you have already lost.”- bulong ni Marvz

“Psh. Ayan na prince charming mo!” dagdag pa niya

>>>>>>>FAST FORWARD.

Nandito kami ngayon sa school ground, hinihintay ko kasi sila Marvz at Kristel. Same school ang pinasukan naming tatlo in line sa music ang course namin, 2nd year college na kami. Samantalang ang boyfriend ko ay kumukuha ng kursong business administration sa ibang university.

“Good morning Yam! Flowers for you” nakangiting bati sa akin ng prince charming ko.

“Ang aga mo naman? Mamaya pa klase mo diba? Tsaka paano ka nakapasok dito? ” tanong ko sa kanya.

“Ako pa? Pag gusto madaming paraan…tsaka na-miss kasi kita eh”

“Tse ewan ko sayo!…Bolero ka talaga James!” sabi ko sabay tawa.

Almost 2 years na din simula ng pangaralan ako ni Marvz, actually mag-5 months pa lang kami ni James, ang tagal bago ako nakapag-let go, hindi naman kami pero nangako siyang babalik at ang nakakatawa til now wala pa din siya. Sometimes you have to know your place in someone’s life, because you might get hurt if you expect too much. Kagaya noon, nasasaktan ako dahil nagpakatanga ako.. ni hindi naging kami pero bakit kailangan ko siyang hintayin? Ako naman tong tanga umasa. Until nagising ako sa katotohanan na si James andito lagi sa tabi ko kaya sinagot ko siya. It sounds panakip butas or rebound pero wala eh.. ganun talaga.

“Space out?” tanong niya na may pakaway-kaway pa sa mukha ko

“Ah eh.. iniisip ko lang kung nagawa ko ba lahat ng dapat kong gawin” palusot ko. Madalas kasi nag-space out ako.

“Yam naman? Masyado ka na namang seryoso sa pag-aaral, nga pala later magkikita kami nila Miggy sama ka ah? Sama mo na din sila Kristel at Marvz..” sabi niya

YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon