HIS POV
Be a Keen Observer daw?
Oh edi mag-observe! Salamat na lang at kaibigan ng magulang ko ang may-ari ng BEAT University. Madali akong nakapasok sa school at nakasama ko pa si Blairre.
OO alam ko na sinabi kong hindi ako manggugulo. Hindi na niya ko makikita pero yung sinabi sa akin ni Miggy ang nakapagbago ng lahat. Mahal ko si Blairre at alam kong ganun din siya sa akin. Naramdaman ko yun nung araw na nagpaalam ako sa kanya.
Kung mali man ako willing akong magparaya, pero kung tama ako. Aba! Kukunin ko lang dapat na sa akin.
Masaya ako at katabi ko siya buong klase. Alam kong naiilang siya, kulang na lang magka-stiff neck siya dahil hindi siya lumilingon sa gawi ko. Gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede, gusto ko siyang kausapin pero di ko alam kung paano magsisimula.
Last subject na-- Music 101.
“Ang mga composers ay parang mga author ng mga libro, they try to deliver their feelings to the listener. Ang pagkakaiba lang kapag author, syempre ang output nila ay libro or literary piece pero sa composers definitely kanta, hindi man sila ang kumakanta nun pero andun yung feelings at madadama mo yun. Bawat kanta may gustong ipahiwatig sa mga nakikinig.” Mahabang litanya ng prof namin.
Lahat kami ay taimtim na nakikinig sa kanya pero yung katabi ko kanina pa di mapalagay sa upuan niya. Gusto kong lumipat para naman maging okay siya pero wala talaga akong makitang vacant seat.
“Now, for our activity I want you to think of a song that represents your feeling at this moment, you’re going to sing that in front of the class. You may use any musical instrument that you want. I’m giving you 30 minutes to practice.” Sabi ng prof namin.
“Mam, pwedeng magpractice sa labas?” tanong ng classmate namin.
“Yes, basta make sure na babalik kayo after 30 minutes.” Sagot ni Mam dun sa nagtanong.
Nagsimula ng umalis yung mga classmate namin na magpapractice. Wala naman akong balak magpractice dahil alam ko na kung anong kakantahin ko kaya yumuko na lang ako.
“Hindi ka ba magpapractice?” naitaas ko ang ulo ko at tumingin sa nagsalita. Akala ko si Blairre, si Marvz pala. Peste! Kelan pa nagging ka-boses ni Blairre tong kaibigan niyang bakla? -__- Napansin kong wala na palang tao maliban sa aming dalawa.
“Lumabas na si Blairre at Kristel” sabi niya siguro napansing niyang lumingon ako sa paligid. “ano? Di ka magpapractice?” tanong niya ulit.
“Hindi na” sabi ko sabay yuko ulit.
“Sabihin mo nga kung bakit?” napatingin ulit ako sa kanya. Akala ko umalis na siya pagkatapos kong sagutin yung tanong niya pero hindi pala.
“Bakit ka ba umalis? Ah hindi bakit ka pa bumalik?” tanong niya pa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang gusto niyang sabihin? Na sana hindi na ko bumalik? Tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik.
“Kian, hindi ko alam ang nangyari pero concern lang ako sa kaibigan ko. Umasa siya at nasaktan ayoko ng maulit yun. Masaya na siya. Ano pa bang kailangan mo?” Sabi niya alam ko naman yun hindi niya na kelangan pang sabihin. Nanggugulo ba ako?
“Sigurado ka bang masaya siya?” tanong ko pabalik sa kanya. Hindi siya sumagot.
“Hindi lahat ng tanong kailangang sagutin agad at hindi lahat ng ngiti totoo.” Sabi ko sabay tayo pero bago ako makalabas may pahabol pa si Marvz.
“Pero sana yung mga tanong masagot bago pa mahuli ang lahat dahil ang mga pekeng ngiti maaring maging totoo kapag napagod ng maghintay yung taong humihingi ng sagot. Tandaan mo lahat ng bagay may hangganan. ”

BINABASA MO ANG
YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)
Teen FictionPaano kung isang araw umamin yung kinaiinisan mo na may gusto siya sayo? Alamin ang reaksyon ni Blairre sa pag-amin ni Kian. Date Started:June 29, 2014 Date Finished: November 2, 2014 REVISION STARTED: April 10, 2015 REVISION FINISHED: __________