Chapter 1

67 7 2
                                    

Ponciano's Pov

Kasalukuyan akong nag-i-igib ngayon dahil wala kaming tubig aming kastilyo. Nang may tumawag sa mala-dyosa kong pangalan. Sino kayang lampastangang hampaslupang iyon? At ng masampal ko ng crocs kong may dora.

"PONCIANOOOO!!!" Sigaw ng mudrabelss

"Asan ang panligo ko ang kapal na ng libag ko sing kapal na kalyo mo sa mukha! Bilisan mo!" Dagdag ni mudrabells

Ito namang si mudra masyadong nagmamadali kita ng nagpapacute pa ako sa mga tambay sa kanto eh. Tapos ang bigat-bigat pa netong mga timba ang mga brasolalu ko baka magkamuscle pano na ang mga beauty pageant na sasalihan ko sabihin isa akong supergay ganon? Ay nako pag nangyari yon dyusko maghahalo balat sa tinalupan.

Ako nga pala si Ponciano Makamandag mayroong makamandag na kagandahan, 17 years old batang-bata fresh na fresh from the bath ay di pa pala ako naliligo. Nilapag ko na agad ang timba sa banyo at naligo na si mudra, ako naman pumasok sa kwarto ni mudra. Kinuha ko ang dress na kakabili niya lang tapos humarap ako sa salamin at tinignan ko sarili ko dun.

Ang bongga ng itsura ko mukha akong diwata tapos dapat magmake-up ako para kumpletos rekados. Kinuha ko yung lipstick sa table ni mudra at naglipstick. Ayaaaaaan bongga ang dyosaaa!

"Poncianoo tara basketball!"sigaw ni Kuya

Nako patay si kuyaaaa!

"Ah eh teka kuya! Andito ako sa kwarto ni mama!!"sigaw ko

Tapos dali-dali kong binalik yung dress ni mudra sa kabinet. Pagharap ko nakita ko si kuya, nakakagulat naman tong kuya ko. Aatakihin ata ang heartbellss ko.

"Uy kuya sana inantay mo nalang ako don kagulat ka naman"sabi ko ng lalaking boses

"Ang bagal mo naman kasi ponciano pustahan din yon." Sabi ni kuya

"Sabi ko nga tara na"sabi ko at naglakad na kami palabas pero bigla si kuyang huminto at tumingin sa akin ng mapanuri.

"Teka nga Ponciano ano yang nasa labi mo? Lipstick ba yan ni mama?" Tanong niya

Nako paktay ka dung?! Ano isasagot ko?

A. Nilaklak ko yung isang bote ng ketchup

Wala naman kaming ketchup ubos na nung isang linggo pa.

B. Nadapa ako nauna nguso kaya namumula ang labi ko

C. Naglipstick talaga ako

Hays nako naman bahala na nga si darna.

" Ah eh kuya pintura yan kanina kasi nagbabalyahan kami nung mga tropa ko tapos yung pinto pala nila bebang eh kakapintura lang ng pula tapos yung mukha ko napadikit don kaya eto." Palusot ko

"Ganon ba? Oh sige tara na tsaka maghilamos ka muna"sabi ni kuya

Buti naman at naniwala tong kuya ko hay pag nagkataon nako baka bugbugin ako pano na ang mala-dyosa kong feslak baka maging shonget na.

Nandito na kami sa court at magbabasketball na kami dyusko ang daming fafa ang sarap punasan ng mga pawis grrrrrrr.

"Hoy ponciano!" Sabi ni kuya sabay bato ng bola sakin

"Oh kuya bakit?"tanong ko ng matikas na boses

"Di pa tayo naglalaro pinagpapawisan kana"sabi ni kuya

"Ah eh mainit kuya eh dami kasing chicks"sabi ko

Oo kuya madaming chicks na fafabols grabe nagpapawis na ako sa sobrang hot nila.

"Chicks? Eh wala pa namang mga babae dito maaga pa kaya ponciano"sabi ni kuya

"Di ah ang dami nga nila ang hot pa ng abs este ng legs at bo*bs"sabi ko

Nilibot ni kuya yung tingin niya.

" sige nga san dyan ang chicks?"hamon niya

Aksidente kong naturo yung mga lalaking pawis na pawis at naghubad ng sando. Ay dyusko napakasarap na agahan sabi nga ni chef boy logro yum yum yum!

"Eh mga lalaki yan eh ako b pinaglololoko mo?" Inis na tanong ni kuya

"Syempre kuya dipa ako tapos nagmamadali ka naman"sabi ko

Tinuro ko yung mga grupo ng mga naka-maigsing short sa gilid nung mga lalaki.

"Yun oh" Sabi ko

"Ewan ko sayo ang labo ata ng mata mo bakla yang mga yan eh"sabi ni kuya

Bakla ba? Ay oo nga dyusko mas maigsi pa ang short nila kesa sa pekpek short ko.

Tapos iniwan na ako ni kuya dahil tinawag siya nung mga tropa namin.
(END OF CHAPTER 1)

Ang Pagda-dalaga ni Ponciano makamandag.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon