Ponciano's Pov
Bago kami magbasketball nila kuya nagbigay muna kami ng bente-bente para sa kung sino mananalo sakanila mapupunta yung mga ipinusta. May natatanaw ang aking beautiful eyes na fafabol ditey at sino naman yung mukhang ipis na kasama niya?! Sayang bet na bet ko pa man din siya tapos may syota siyang ipis na kung makakapit eh parang tarsier sabagay mukha naman talaga siyang tarsier sarap ihampas sa puno. Ay dyusko kaaga-aga nagiinit ang ulo ng dyosa niyong posh!
Lumapit samin yung bet kong lalaki at yung mukhang tarsier na ipis niyang alipin este jowaers pala. Barkada din pala ni kuya pero dahil bet na bet ko si lalaking may kasamang tarsier ay syempre di papatalo ang dyosa niyong posh! Igogora ko yan hay bongga!
"Mga pre si Kevin pala at kaibigan niya si dina" pakilala ni kuya
Syempre at dahil malandot ang dyosa niyong posh nauna na akong makipag-shake hands, ang lambot ng kamay ng Kevin my loves ko nahiya naman ang makalyong handlalu ko.
Nakipag-shake hands din ako dun sa kasama niyang tarsier na mukhang ipis yuck sayang di ako nakapagdala ng alcohol pamuksa sa mga insektong gumagala sa paligid-ligid. So Kevin pala ang pangalan ng fafabol ko ay bongga like ko na ang Kevin na pangalan pero syempre namimili din naman ang dyosa niyong posh di naman yung Kevin pangalan tapos chaka pala ang mukha diba? Nakakahiya naman sa dyosang tulad ko diba? Hahahaha bongga talaga ako.
Kaibigan niya lang pala yung babae tapos tong mukhang tarsier na ipis na to makapulupot ibuhol ko to sa cactus ng magtino eh. Pbb teens lang ang peg? Simpleng landi? Asar akin yang baby Kevin ko eh. Bagay sakanya yang pangalan niyang Dina short for DINA-GUMANDA at DINA- SAUR kasi extinct na masyado yang pagmumukha niya gaya ng dinosaur. Hampaslupa sampalin ko to ng crocs kong may flowers eh dyusko nakakaloka.
Nandito na kami kasi magsisimula na tapos kalaban pa pala namin si baby kevin ko mas bet ko nga yon tapos babantayan ko siya yiiee kilig pempem naman ako ay wala pala akong pempem. Nagsimula na yung laban ako naman wala akong paki sa laban basta babantayan ko si baby Kevin ko nang pinasa nung kalaban kay Kevin yung bola.
" Ponciano kilos!" Sigaw ni kuya
Kagulat naman tong kuya ko nagmo-moment pa kami ni baby Kevin ko. Nang magsho-shoot na si Kevin ay tumalon din ako tapos nasupalpal ko yung bola pero nagkamali siya ng bagsak at bumagsak siya sakin. My gulay nakapatong sakin si Kevin tapos nagka-tinginan kami. Mas bonggaycious pala ang eyes niya sa malapitan. Ano itong heartlalu ko ang lakas ng tibok sabagay buhay pa naman ang dyosa niyo pero iba talaga eh ang lakas ng kabogers naloloka ang mga tutuli ko sa tenga hahaha tapos nagsalita si baby Kevin ko.
" nice play" sabi ni baby Kevin ko sabay ngiti
Ngumiti ba siya? Oh my----- nagdilim na ang paningin ko.....
Nagising ako at nakita ko naglalaro parin sila. Katabi ko yung tarsier na mukhang ipis dito sa bleacher sa dami naman ng pwedeng katabi yung mukhang insekto pa. Nakatingin nalang ako sa mga naglalaro mas maganda pa ang view don kasi nandoon ang hot kong baby kevin.
"Hi kuya" sabi sakin nung Dina na tarsier na mukhang ipis.
"Hi mo mukha mo." Sagot ko
Feeling naman netong tarsier na to close kami? Minsan nga makapag-baon ng insecticide ng mapuksa ang mga malalandyutay na insekto dito.
"Ang sungit mo naman kuya" sabi niya sabay pout.
Itsura netong tarsier na to nag duck face akala niya ata cute siya eh nagmukha lang naman siyang pato sa ginawa niya.
" Ang ingay mo di ka cute" sabi ko
"Akala mo di ko nahalata na bading ka?" Pagtataray niya
" Akala mo di halata na mukha kang imbotidong butanding? Pwes mukha kang imbotidong butanding hampaslupa!"pagtataray ko rin
Konti nalang matatampal ko na to ng havaianas ko eh floral pa man din yon dyusko ang wringkles ko dumadami dahil sa tarsier na to.
"Che isusumbong kita sa kuya mo!" Inis niyang sabi.
" Oh? Edi wow pakagat kita sa mga ponies ko pag ginawa mo yan"sabi ko
Akala ata niya matatakot ako ako kaya si dyosang posh at hindi ako makakapayag na may tumalo sakin. Kaya ikaw kung binabalak mong talunin ako oh edi talunin mo sabi ko nga eh hehehe. Hindi na ako pinalaro ni Kuya kaya nakaupo lang ako hanggang sa matapos ang laro.
Nang matapos na ay nilapitan ako ni baby Kevin ko, oha sabi sainyo dyosa talaga ako eh kaya kayo mga sisterets dyan mainggit kayo bwahahaha.
" Ponce ayos kana? Sensiya kana kanina ah?" Sabi ni baby Kevin ko
Oo naman baby Kevin ko ayos na ayos ang pakiramdam ko kahit malaglag ka pa ng ilang ulit sakin ay ayos lang ng bongga kumbaga ako ang iyong magiging bermuda grass malambot at masarap bagsakan hahahaha.
" Ah oo naman baby este pre tsaka wala yon" Sagot ko
Ngumiti nanaman siya dyusko mahabagin ang mga ngiti niyang ganyan nahuhulog yung panty ko kaloka kung pwede lang mag shine ng bonggaycious dito ay nako baka masilayan niya ang sirenang gumagala sa lupa may lumot nga lang sa mukha.
"Ganon ba? Ahm pwede ko ba makuha yung number mo? Baka sakaling dumayo ulit kami para masabihan kita"Sabi ni baby Kevin ko
Dyusko totoo ba itey? Hinihingi niya ang number ko eto na ba ang simula ng lovestory namin? Baby Kevin aarte pa ba ako? Syempre gora na to! Kembot dito, kembot dyan! Bongga!
"Ah 09********* yan text ka nalang minsan pre" Sabi ko sabay ngiti
Ngumiti siya ulit at umalis na siya. Pumunta siya dun sa tarsier na mukhang ipis at inakbayan tapos lumingon naman sakin yung tarsier na mukhang ipis na yon. Aba at dinilaan pa ako? Kaloka tong tarsier na to hilahin ko at putulin ko kaya dila neto tapos gawin ko kayang embotido nang magkaroon naman siya ng silbi sa mundo. Imbyernang froglet.
(END OF CHAPTER 2)
BINABASA MO ANG
Ang Pagda-dalaga ni Ponciano makamandag.
HumorLahat ng tao sa mundo may karapatan lumigaya. Hindi hadlang ang katauhan basta kaligayahan ay nadarama. Halina't ating subaybayan ang kwento ng buhay ni Ponciano Makamandag.