Ponciano's Pov
Andito ako sa school ngayon kasi lunes na naman alam niyo na syempre ang dyosang Posh aral muna bago landi.
"Ponce!"rinig kong tawag sakin
Pag-lingon ko sa likod ko na-sight ng beautiful eyes ko si baby Kevin, nako ano bang itsura ko? Maayos kaya? Nako nakakahiya sa future boylet ko. Ayan ha? Kakasabi ko lang aral muna bago landi pero eto naglalandot ang dyosang Posh niyo. Ang kaso kasama nanaman niya yung tarsier na mukhang ipis na yon kaimbyerna. Nakalapit na sila agad sakin.
"Musta na Ponce?"sabi ni baby Kevin tapos ngumiti.
"Ako? Ayos naman"sagot ko
Tignan mo tong dina-saur na to ang sarap isilid sa banga makapulupot ahas na ahas ang itsura. Bigyan niyo nga ako ng itak kakaliskisan ko lang tong malansang ahas na to.
"Hi Ponce! Magandang hapon!"bati ni tarsier na mukhang ipis aba at kumindat pa.
"Walang maganda sa hapon lalo na kung pakalat-kalat ang mga malalansang ahas hehehe"sabi ko sabay tawa
"Hmp!"sagot ni Dina-Saur
"Ah Ponce sige ah? Una na kami"sabi ni baby Kevin
"Okay ingat"sabi ko
Imbyerna kasi tong dina-saur na tarsier na mukhang ipis, umeksena pa kita ng moment namin ni baby Kevin ko yon eh. Dyusko sa dami naman ng pwedeng kasama ni baby Kevin bakit si dina-saur pa? Yung totoo buntot lang ang peg? Buntot ng aso ganern?
1 linggo na ang nakalipas nung magkita kami ni baby Kevin sa school, ni wala din akong natanggap na text sakanya at sabado na ngayon! Wala akong magawa dito sa bahay ano basketball ulit di na nagsawa syempre gusto ko naman ng chinese garter mas bet ko naman yon no?
Pumunta ako sa bahay nila Bebang dahil babayaran ko na yung utang kong baynti sakanya. Pag pasok ko ng bahay nila aba! Nagkakantahan sina Bisugo at Berdugo este sina Aruray at Bebang bongga ah? Di na sila purita mirasol! Ay bongga ditey na muna tatambay ang dyosa at makikikanta narin difficult kasi ngayon ang dyosa walang karaoke sa mansioness ko.
"Dadalhin kita sa'king palasyooo~ dadalhin hanggang langit ay manibago, ang lahat ng itoy pinangako mooooo~ dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap koooo~"kanta ni Aruray
"Infairness Bisugo ang ganda ng boses mo ah?"sabi ko habang pumapalakpak
"Talaga? Salamat!"sabi ni Aruray sabay ngiti
"Sa sobrang ganda ng boses mo bat di natin itape yang bunganga mo? Hehehe joke lang"biro ko
Sinamaan niya naman ako ng tingin, mga tao naman ditey oh? Masyadong hot pero syempre ang dyosa ay hotter! Bongga!
"Dadalhin lang pala ng pangiiiit ang pangarap koooo~"kanta ko tapos mas lalo niya akong sinamaan ng tingin
"Ay ngapala Bebs eto na yung baynti na pinautang mo saakin."sabi ko sabay bigay ng bente kay Bebang
"Salamat sa bayad!"sabi ni Bebs ng nakangiti.
Tapos nagkantahan na ulit kami eto naman si Bebs di mo alam kung natatae o kung ano eh pahinto-hinto kung kumanta.
"Bebang para kang regla patak-patak ka kung kumanta"pangasar ko
"Che!"inis niyang sabi.
Beep... Beep...
Ay may nagtext sinetch naman kaya itey? Pagtingin ko si baby Kevin.
-----------------
From: Baby Kevin :'>
Hi Ponce! Gala tayo? Pwede ka ba? Sama ka sakin kita tayo sa tindahan ni aling Doray. :)
-----------------

BINABASA MO ANG
Ang Pagda-dalaga ni Ponciano makamandag.
HumorLahat ng tao sa mundo may karapatan lumigaya. Hindi hadlang ang katauhan basta kaligayahan ay nadarama. Halina't ating subaybayan ang kwento ng buhay ni Ponciano Makamandag.