Chapter 4

37 2 0
                                    

Ponciano's Pov

Nagflylalu na ako ng bongga para bumili ng suka pwede naman kasi yung suka sa kili-kili ni mudra, ayaw pa ata maganda nga yon at home made suka at paniguradong pinaghirapan niyang gawin yung suka niya sa kili-kili. Pero syempre joke lang yon I love my mudra kaya mas mataas pa sa high heels kong primadona.

"Aling diding pabili ho ng suka yung pinaka-mura po kung wala naman po yung sa kili-kili niyo nalang basta po libre na yan"sabi ko

"Eto talagang si Ponciano panay ang biro! Oh eto ang suka 10 piso lang"sabi ni aling diding

"Hehehe salamat ho aling diding"sabi ko sabay alis na pauwi

Papauwi na ako ng madaanan ang mga tambay sa kanto. Dyusko wala namang bakery dito pero bakit overload sa dami ang mga pandesal hindi keri ng beautiful eyes ko! Parang gusto ko tuloy dito na tumira sa kalsada ay kahit nerbyosin ako magkakape ako araw-araw sa dami ng pandesal dito. Hay nako akoy lalarga na nga at baka lumuwa na tong mata ko sa sobrang kabusugan.

Ano ba yan! Pauwi na ako pero wala parin akong pang-load! Mangutang kaya ako kina bisugo at berdugo este kina aruray at bebang? Tama papautangin ako ng mga yon laging panalo sa binggohan ang dalawang iyon eh. Agad akong pumunta sa binggohan at dun ko nga nakita silang dalawa.

"Bisugo! Este Aruray!"tawag ko sabay lapit sakanila

"Ano ba yon Ponciano?!"inis na tumingin sakin si aruray

Pano ba to? Ah bahala na dito nakasalalay ang love story niyo ni baby Kevin kaya pag husayan mo!

"Ah eh pautang ng bente ayaw ako bigyan ni nanay kaya pautang babayaran ko sa susunod na laro namin nila kuya"sabi ko

"Yon lang ba? Akala ko naman napagisip-isip mo na, na liligawan mo nalang ako"singit ni Bebang

"Sabi ko naman sayo Bebang kung type mo ang kagwapuhan ko edi ikaw manligaw, pautang na please?"sabi ko

Pag nagpacute ako dito baka naman isipin neto motibo ko yun at baka umasa sakin tong si Bebang mahirap na. Mga katulad ko pa namang babae eh madali mag assume lalo na pag may pinakitang motibo samin ang mga boylet. Ansabeee?!

"Che wag na uy, oh eto bente bayaran mo yan ah?"sabi ni Bebang

Yes! Magdiwang sa wakas masisimulan ko na ang love story namin ng aking prince charming na si baby Kevin. Kikiligin ang lahat ng libagers ko sa aking precious body! Hahaha

"Salamat Bebs(short for Bebang) the best ka talaga eh! Una na ako ah?"sabi ko sabay alis.

Agad na akong nagflylau pabalik sa tindahan ni aling Diding at nagpaload. Bumalik na ako agad sa bahay tapos pumasok sa kwarto para itext ang baby Kevin ko. Ay shet kilig pempems.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To: Baby ko :'>
Hi din pre.
Sent....
========
From: Baby ko :'>
Hahaha so musta? Wag nang pre kahit kev. nalang :)
========
To: Baby ko :'>
Ah eto ayos naman, ah sige kev. Hahaha
Sent...
========
From: Baby ko :'>
May girlfriend ka ba Ponce? :)
========
To: Bby ko :'>
Ah wala eh hahaha ikaw ba may gf kana? :)
Sent....
(Eto na ang bonggang time para itanong ko yan hay sana waley para pwede pa kami ni baby Kevin ko. Ahaha)
========
From: Baby ko :'>
Wala single ako may nagugustuhan kasi ako kaso parang di pwede. </3
(Hmm sinetch naman kaya itey girlalu na nakakuha ng atensyoness ng Baby kevin ko? Di kaya si Dina na tarsier na mukhang ipis ay nako pag yon talaga baka magbigti ang dyosang posh isipin niyo yung beauty ko tinalo ng isang tarsier na mukhang ipis aba!)
========
To: Baby ko :'>
Ang saya naman wala kang gf tas wala akong gf baka destiny tayo pre hahaha jk lang pero seryoso bat naman di kayo pwede nung nagugustuhan mo?
Sent.....
=======
From: Baby ko :'>
Hahaha ponce talaga oh! Baka nga destiny tayo :) Wala yon ponce next time ko nalang sasabihin sayo kung bakit. Hahaha
=======
To: Baby ko :'>
Haha sira, okay. :)
Sent...
=======
From: Baby ko :'>
Ponce may tanong ako.
=======
To: Baby ko :'>
Ano yon?
Sent...
=======
From: Baby ko :'>
Pwede ka ba maaya gumala? Bale minsan pag bored tayo tapos manchicks tayong dalawa.
=======
To: Baby ko :'>
Oo naman basta panchichicks okay ako diyan.
Sent...
(Sheyt itey na ba? Nagsisimula na ang bonggang lovestory ko? Inaaya ako magdate ni Baby kevin kaso may kasamang chicks imbyerna. Pero atleast magda-date kami di na ako makapaghintay yieeeeee)
=======
From: Baby ko :'>
Talaga? Yun oh! So pano text nalang kita sa susunod na sabado? :)
=======
To: Baby ko :'>
Sige :)
Sent...
=======
From: Baby ko :'>
Ponce text nalang kita maya may gagawin lang ako. :)
=======
To: Baby ko :'>
Sige pre take your time. :)
Sent...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard ng kama ko, oha sosyal kami may headboard kami yun nga lang karton lang yung hearboard ko atleast may headboard. Napangiti nalang ako bigla abay ewan ko ba at akoy kilig na kilig sa baby Kevin ko.

"Ponce!"tawag sakin ni kuya mula sa labas

Dali-dali naman ako nagflylalu palabas ng kwarto at paglabas ko nakita ko siyang kasama ang bunso naming kapatid na si Haru short for HARU JUSKO MAKAMANDAG. Sa aming magkakapatid si Haru talaga ang may pinaka-bongga ang pangalan pag naiinis ka at di mo alam gagawin pwede mong sabihin ang kanyang pangalan 'haru jusko ang buhay na to puro problema' napaka-useful diba?

"Ponce nagtatanong si Haru di ko alam isasagot ko."sabi sakin ni kuya

Tumabi naman ako sa kanila at ngayon nasa gitna namin si Haru.

"Batang to! Ano ba yong tinatanong mo Haru?"tanong ko

"Kasi po may manong na nagtanong saakin kanina po sabi po kung matalino daw po ako dapat daw po masasagot ko po yung tanong niya."sabi ni Haru

"Eh ano ba yung tanong?"tanong ko

"Saan daw po mas masarap matulog sa pansitan po o sa kangkongan? Di ko naman po nasagot kasi di ko po alam."sabi ni haru

"Yan din yung gusto ko ipasagot sayo Ponce!"singit ni kuya

"Yun lang ba? Madali lang yan!"sabi ko

"Ano yung sagot?"tanong ni Kuya

"Edi dun ako sa pansitan! Mas masarap matulog don kasi pag-gising mo may almusal ka pa!"sagot ko

Binatukan naman ako ni kuya. Aba ang kafal ng peslak neto ni kuya ako na nga ang tumulomg na ispluk pa ang headlalu ko ng bongga pano pag nagkaamnesia ako? Ano na mangyayari sa lovelife ko kasama ang baby Kevin ko? Huhuhu pag ako nabwisit ditey kay Kuya soplakin ko sa mukha tong kuya ko ng louise vitton ko eh. Nako nako talaga.

"Kuya ponce naman po eh!"sabi ni Haru

"Seryoso ako don Haru! Yon talaga dapat mong isagot don!"nakangiti kong sabi.

"Nako Haru malakas na ang tililing niyan tara dun tayo sa labas libre nalang kita"sabi ni kuya tapos ay umalis na sila at ako naiwan.

"Sige ako na magisa! Ako na walang lovelife! Ako na walang kasama!"sigaw ko sakanila

"Hoy sinisigaw mo dyan? Anong walang kasama eh nanito naman ako sa bahay!"sabi ni mudra

Naman to si mudrabells oh! Ang ganda na ng acting ko don eh tapos umeksena naman ng bongga! Maliligo na nga ako at hagardo versoza na ang dyosang Posh niyo. Tanggalin ko narin ang mga libagers ko na singkapal ng libro ni einstein.
(END OF CHAPTER 4)

Ang Pagda-dalaga ni Ponciano makamandag.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon