Chapter 3

41 4 0
                                    

Ponciano's Pov

Umuwi na kami ni Kuya sa bahay dahil tanghali na rin at oras na para mag-tanghalian. Yung mga ponies ko sa tyan ko naghi-hysterical na sa gutom. Nanood muna kami ni Kuya tapos basketball pa yung palabas sa t.v, hindi na nagsasawa kakatapos nga lang magbasketball pati sa panonood basketball parin? Bat di kaya patirahin to ni mama sa court puro basketball naman ang gusto. Dapat ang mga pinapanood ay miss universe o kaya naman super sireyna yan ganyan dapat mga pinapanood nakakaloka mga tao dito sa bahay.

"Hoy ponciano!" Tawag ni bebang at Aruray

Aba bat kaya nandito tong mga bruha na to? Anyway siya pala si Bebang Berdugo at Aruray Bisugo ang aking mga suitor hahaha syempre joke yon sila ang aking mga kaibigan pwede ding mga manliligaw ko. Lumabas ako kasama sila at naupo sa may likod bahay namin.

"Ponce balita ko may gwapo daw na dumayo kanina?" Tanong ni Bebang

Ang bilis naman kumalat ng balita sa mga to. Basta gwapo talaga malakas sumagap ang anthena ng dalawang teletubbies na to eh.

"Gwapo? Asan ang gwapo don?" Sagot ko

" Nakooo kunwari kapa posh baka nga gwapong gwapo ka rin don eh" panunukso ni Aruray

"Hoy Aruray wag ka nga! Hindi kaya bakla si Ponciano! Diba Ponce?" Tanong ni Bebang

"O-oo naman" Sagot ko

" Ewan ko sainyo baka mamaya ahasin ni ponciano mga boylets natin kasi nga makamandag siya hahaha" hirit pa ni Aruray

Aba konti nalang tatampalin ko na to si Aruray eh, inookray ako ng inookray gusto ata neto matampal ng encyclopedia eh. Buti nga ako ahas lang eh kamusta naman siya BISUGO? Ansabeee diba?

" You can call me anything you want: a snake, a bitch, an other woman. But I will never be a pathetic, boring housewife." Sabi ko

Oha ang galing ng dyosang posh niyo, gayang-gayang si anne curtis actually ako talaga si anne kutis eh echos.

"Ayan nanaman po tayo sa mga linyang anne curtis" Sabi ni Aruray tapos iniwan na nila ako at umalis.

Kita mo yung mga echoserang froglet na yon. Bastusing bata kinakausap ko pa eh umeskemberlu na ng bongga di manlang nagbigay pugay sa dyosang posh bago umalis. Edi wow!

" Ponciano tawag ni mama!"sigaw ni Kuya

Pumasok na ako dahil tinatawag na ako ng fairy mother ko. Pag pasok ko nadatnan ko si kuya na nakaupo parin at nanonood ng super sireyna. Aba bongga! Makikinuod nga din ako, ang daming mga sisteret ang sumali at bongga ng mga gown. Mas bonggaycious siguro yan kung ako magsusuot diba? Mas lalabas ang kagandahan ng dyosang posh niyo pag-ganon.

Ay I forgot kinuha pala ni baby Kevin ko ang aking precious number. Asan na ba ang Iphone 3210 ko at ng matignan ko kung nagtext ang baby Kevin ko. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang cp ko, pagtingin ko may 1 message ang dyosang posh niyo. Baka si baby Kevin na to ay keleg ang anes ko.

Pag-bukas ko...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
From: 09*********
NhOThICE: Lhast Marchz/5/2015 U'r sim#Had Whon. A tothal of! (Php650,000.00)+1Lhaptopxzz 3rd wHiNneR fHrOm: PCCNS COM DTI-NCR#9233, S'2015. To cLaIm U'r Prize! Plzx col me. I'm ATTY: MhIGuEl G LhOPeZx. Thanksxz U.

06 Mar. 2015 10:02 AM
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Agad akong pumunta sa sala ang nagta-ta-talon at humihiyaw.

" Whoooooooooo! Mama! Kuya! May good news at bad news ako! Ang sayaaaaa!" Masayang sigaw ko sakanila

"Ponciano ang ingay mo!"Sigaw ni kuya

"Ano ba yon anak?"Sabi ni mudra

"May good news at bad news ako mama! Ano gusto mo unahin?"masaya kong tanong

"Oh areng good news muna" Nakangiting sabi ni mudra

"Makinig kayo bilis. Good news! May nagtext sakin at nanalo daw ako ng 650,000.00 at may kasamang laptop mama!" Tumatalon-talon kong sabi

"Talaga anak?! Yayaman na tayo sa wakas!" Yakap sakin ni mama

"Oh eh ano yung bad news tnong ni kuya?" Tanong ni kuya na nakatingin lang sakin at mukhang di naniniwala.

"Ang bad news ay..." Sabi ko

"Ay?"Sabi ni kuya at mudra

"Ang bad news ay jejemon yung nagtext at na modus operandi tayo ng dugo-dugo gang"Sabi ko at humagalpak ng tawa

"Bwisit ka Ponciano! Manang-mana ka sa tatay mong lasenggero! Lumayas ka nga sa harapan ko at baka di kita matantya!" Sigaw sakin ni mudra

" sabi ko na jino-joke time lang tayo niyan ni Ponce eh!" Sabi sakin ni Kuya

Hahahahahaha eh kasi naman dyusko kahit ako di ako maniniwala. Sa iyo ga ay mayroon magtext tapos sabihin ga sa iyo na ikaw ga ay nanalo tapos jeje pa ang text. Bongga diba? 2015 na jeje parin mag evolve naman sana sila. Pag nagevolve sila mga itsurang wavafet. Tsura netong mga manloloko na to di pa itinodo ang panloloko gogorachi nalang palpak pa. Kasura sarap tampalin ng kaldero.

(Beep... Beep...)

Ay may nagtext, sinetch naman kaya itey?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
From: 09*********

Hi Ponce! Kev pala to, save mo nalang. :)

06 Mar. 2015 1:15 PM
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oh em gays!? True ba itech? Nagtext na ang aking baby Kevin? Iba talaga ang dyosa, shet ang haba ng hairlalu ko mas mahaba pa sa blonde hair ni rapunzel! Kinikilig nanaman ang mga ingrown ko sa paa hihihihi. Tinabihan ko si kuya sa sofa para hingin yung 40 pesos ko kasi nga panalo kami kanina.

"Kuya asan na 4o ko?" Sabi ko

Nakakunot noo si kuyang tumingin sakin.

" 40? Eh wala ka namang ginawa kanina natulog ka lang habang naglalaro kami" Sabi ni kuya

Aba dudugasan pa ata ako ng magaling kong kuya pero hindi ako yata ang dyosang Posh niyo. At hindi tayo papatalo hehehe

" oh eh yung bente ko nalang?" Sabi ko

Nakakunot noo nanaman siyang tumingin sakin.

"Bente? Wala naibayad ko na kila aling diding may utang akong bente don eh" Sabi niya

Langya naman oh pano ko makakatext yung baby Kevin ko kung wala naman akong mahuhuthot sa kuya kong to. Alam ko na ay bongga dun ako kay mudrabells hihingi! Ang smart ko talaga parang sim ko lang.

"Ponciano!" Tawag ni mudra

"Bakit po?" Sabi ko sabay punta sa kusina

"Eto 50 bili kang suka para matapos na tong adobo at makakain na tayo" Sabi niya sabay abot sakin ng 50

Oh yesh makakapahpgload na ang dyosa para maitext ang baby Kevin ng buhay niya. Kailangan kong igora na to ng todo-todo para sa aking bonggaycious lovelife!

"Ah mama pahingi akong bente pangload lang itetext ko yung fafabol este chicks ko hehe" sabi ko

"Anong chicks? Wala ka pa ngang natatapos chicks na yang inaatupag mo! Hala sige bumili na roon at akoy nagugutom na" sermon ni mudra

Eto naman si mudra panload lang dami pang sinabi. Pwede naman sabihing hindi nahiya pa sa kagandahan ko. Hay pano kaya ako makakakuha ng panload?

A. Magpapaload ako galing sa sukli ng pambili ng suka
B. Mangangalakal ako
C. Manahimik sa isang tabi at kalimutan na si baby Kevin

Ay hindi di ako papayag! I'm not gonna give up without putting up a god damn fight! Oha bongga talaga ang mga linyahan ng inyong lingkod na si anne curtis, sing bongga ng short kong may feathers!
(END OF CHAPTER 3)

Ang Pagda-dalaga ni Ponciano makamandag.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon