Ponciano's Pov
Pag ka uwi ng dyosang Posh niyo sa mansioness niya ay may nadatnan siya boylet na bisita ng kanyang fader dear. Nakita kong naguusap sila ng masinsinan. Nakita ako ng aking pudrabells at pinakilala ako sa mga bisita niya.
"Heto na pala ang anak ko siya ngapala kumpare heto si Ponciano ang ikalawang anak ko."pakilala sa akin ni pudrabells.
Ngumiti lang ng bongga ang dyosang Posh niyo. Nakita ko namang pilyong ngumiti yung kasama nung kumpare ni pudrabells. Gwapo sana kaso mukhang mapangasar! Dyusko feslak pa lang confirm na no?!
"Haha Ponciano? Seryoso? Bagong bago hahahaha"malakas na pangasar nung anak siguro ng kumpare ni fader dear.
Aba! Itong mukhang kulugo na itey sinusubukan ata ang kagandahan ng feslak ko ah? Tampalin ko ng hair band kong may flowers eh! Sa imbyerna ng dyosa niyo ay pumasok ako sa kwarto para magbihis at lumabas din ako kaagad ng bahay sabay diretso sa likod bahay. Imbyerna ang aura sa bahay, umupo ako sa upuan sa ilalim ng puno ng mangga.
Na sight ng biyutipul eyes kong naka sandal si kuyang kulugo sa poste sa tapat ko. Hindi ko nalang siya pinansin maimbyerna lang aketch lalo.
"Hi PONCIANO hahaha"sabi niya na binigyan diin pa yung biyutipul name ko.
"Ano bang problema mo?" Mayabang kong sabi nako mga atey dapat machones ang kembot ko.
"Wala naman easyhan mo lang Ponpon" sabi niya
My ghad Ponpon? San niya naman nakuha ang ugly namesung na iyon? Konti nalang talaga tatampalin ko na to eh.
"Ako nga pala Gian"Sabi niya tapos nilahad niya ang kamay niya
Syempre ang dyosa niyo pa arte-arte effect di ako Nakipag shake hands! Mamaya May virus mahaba pa ang flawless hands ko.
"Salita naman diyan"pangungulit ni Gian
"Ano bang kailangan mo sakin?"tanong ko
"Wala naman gusto ko lang makipag kilala kaya tropa na tayo simula ngayon haha"sabi ni Gian
"Ewan ko sayo humanap ka ng kausap mo"sagot ko
"Ang ganda nung sapatos na gamit mo kanina pero ito medyo kulang eh"sabi ni Gian sabay turo sa biyutipul oh so flawless na feslak ko.
"Yung mukha ko talaga ang kulang ah? Pero ikaw ang gwapo mo! Yung mukha mo diether!"sagot ko.
"DIETHER OCAMPO?"tanong ni Gian
"DIETHER-GENT BAR!"sagot ko
"Gara mo naman Ponpon!"sabi ni Gian
"Oh bakit?"tanong ko
"Wala-wala"Sabi ni Gian
Tumahimik na ulit ang paligid hay buti naman pagoda ang dyosang Posh niyo. Si Baby Kevin kasi eh pinagod ako hahahaha.
Maya-maya pa ay biglang naglakad na paalis si Kulugong Gian. Pero bago siya umexit ng bongga ay humarap siya at nagsalita.
"Astig ang makilala ka Ponce kitakits tayo bukas Ponpon" Sabi ni Gian sabay ngiti
"Kung pwede wag kana bumalik" Sabi ko
Maya-maya pa ay bumalik na ako sa mansioness ko. Tumabi ako sa aking pudrabells dahil ang aking curious brain cells ay di mapakali.
"Tay sinetch este sino yung mga bisita mo kanina?" tanong ko
"Yon ba?"sagot ni pudrabells
"Ay hindi tay yung kalabaw sa kapitbahay ang tinutukoy ko hehe joke lang"sagot ko
"Yon ay si Kumpadre ko at ang anak niya. Napadalaw sila rito dahil nakikiusap na dito raw muna tumira yong anak niya si Gian dahil mas malapit raw rito ang paaralang pinapasukan nito."Kwento ni pudrabells
"Pumayag kayo?"Tanong ko
"Eh ang sabi ng inay mo wala namang problema sakanya kaya pumayag kami. Kaya simula bukas dito na siya titira"Sagot ni pudrabells
Say whaaat?! Dyusmiyo marimar! Ang lifelalu ko magiging bongang imbyerna araw-araw! Simulan ko na kaya mag nobena para sa aking kaligtasan? Baka to the highest level ang wringkles ko nitey pag nandito na si Boy Kulugo! I can't take this! Mygulay!
"Ah ganon po ba? Sige po"Sabi ko
Gumorachi ako sa kwarto ko dahil feeling ko lantang vegetable ako, humiga ako at pumikit. Inaantok ako kaya matutulog na muna ang dyosang Posh niyo. Ang mga dyosa ay kailangan ng biyuti rest.
Nagising ako ng magring ang phone ko. Agad kong sinagot at hindi na tinignan kung sino ang tumatawag.
HELLO...-Bungad ko
UHH HELLO PONCE-Masayang bati ng nasa kabilang linya
BABY--ESTE KEVIN? BAT KA NAPATAWAG PRE?-Tanong ko
WALA GUSTO KO LANG MAG THANK YOU SA GALA KANINA-Sagot ni Baby Kevin ko
AH WALA YON BASTA IKAW-Sagot ko
AH MAY GINAGAWA KA BA NGAYON?-Tanong ni Baby Kevin ko
WA-WALA ACTUALLY KAKAGISING KO LANG-Sagot ko
MUKHANG NAGISING ATA KITA SENSIYA NA-Malungkot na sabi ni Baby Kevin
NAKO HINDI BUTI NGA GINISING MO KO DAHIL MAY GAGAWIN PALA AKO-Sagot ko
AH GANON BA?-Tanong ni Baby Kevin
OO-Sagot ko
NGAPALA PONCE MAY SWIMMING KAMING MAGPIPINSAN ANO SANA...-Sabi ni Baby Kevin
ANO?-Tanong ko
PWEDE KA BANG SUMAMA SAKIN? WALA IKAW KASI NAISIP KO AGAD NA PWEDE ISAMA-Sabi ni Baby Kevin
Shet chapter 2 na ng lovestory namin ni baby Kevin! Ang haba ng hair ko mas mahaba sa hairlalu ng kabayo! Kembot dito kemberlu doon BONGGA!
AH SIGE KELAN BA?-Tanong ko
NEXT WEEK-Sabi ni Baby Kevin
AH SURE-Sagot ko
YES! SABI MO YAN AH? SO PANO KITA NALANG TAYO NEXT WEEK?-Masayang sabi ni Baby Kevin
SIGE HAHAHA-Sagot ko
OKAY BYE HAHA-Sabi niya
Pinatay na niya ang tawag. Dyusko naloka ang dyosang Posh niyo! Iba na talaga ang dyosa konting kembot lang pinagkakaguluhan na.
Nako pano na itey? Mang hiram kaya ako kina Bebang at Aruray ng Swimsuit? Mag two-piece kaya aketch? Ang sexy ko naman ata masyado don baka matalbugan ko pa ang mga baklush at lahat ng tao doon. Magjacket at pajama nalang aketch para head turner ang dyosa niyo. Sige nga sa beach naka jacket at pajama ka summer na summer tignan lang naten kung di ka maging head turner! Bonggaycious ang entrance non!
(END OF CHAPTER 6)
Hahaha pasensiya na kagagaling ko lang sa break up eh next week ulit mga ponies ko :)
BINABASA MO ANG
Ang Pagda-dalaga ni Ponciano makamandag.
HumorLahat ng tao sa mundo may karapatan lumigaya. Hindi hadlang ang katauhan basta kaligayahan ay nadarama. Halina't ating subaybayan ang kwento ng buhay ni Ponciano Makamandag.