Ponciano's Pov
Kinabukasan...
"Ponciano! Gising na!"sigaw ng mudrabells ko
Pero dahil inaantok pa ang dyosang Posh niyo hindi na muna aketch dumilat at matutulog pa ako. Napasin kong may dumudut-dut sa pisnge ko kaya napadilat ako inaasahan kong si Haru ang gumagawa non pero hindi si Haru kundi si KULUGONG GIAN!
"AAAAAAHHHHHH!"napasigaw ako
At nagdilim na ang paningin ko...
"Nak.."isang boses na gumigising sa diwa ko.
dumilat ako para makita ko at nasight ng byutipul eyes ko si pudrabellss.
"Kumusta pakiramdam mo?"Tanong ni pudrabellss
"A-ayos naman po"Sagot ko
Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa kwarto ko sina mudra, kuya,Haru at si kulugong GIAN na dahilan kung bakit nahimatay ako.
Napansin kong ngumiti siya ng mapangasar. Kulugo talaga ang sarap pakuluan. Nako eto na ang simula ng kalbaryo ni dyosang Posh bakit kasi kailangan ng eksena sa istorya ng buhay ko.
"Yan pa si Ponce mas malakas pa yan sa kalabaw kaya tara na sa labas tay!"Sabat ni Kuya
Isa pa tong utol ko dyusko kung ako kalabaw kuya ikaw kuto! Sarap mong tirisin.
"Dito ka muna Gian at sa labas na muna kami."Mahinahon na sabi ni mudra
Oh no! Bakit siya pa? Iparape ko kaya to sa mga baklush kong sisteret para tigilan na ako?
Lumabas na sila mudra, pudra, kuya at haru. Naiwan naman tong kulugong to!
"Ayos ba yung frog prince mo? HAHAHA epic yung itsura mo kanina!"Pang-aasar ni Gian
Ganito kasi nangyari pag dilat ko kanina nakita ko ang mukha niya at kaya ako napasigaw ng bongga dahil itey si Gian nilapit sa mukha ko ang isang buhay na froglet edi itong dyosa niyo humiyaw ng bongga at yon sleeping beauty ang ending.
"Oo sa sobrang ayos gusto kitang bangasan at basagin yang mukha mo."Sabi ko sabay sinamaan siya ng tingin.
"Alam kong di mo magagawa sakin yan Ponpon."Sabi niya sabay ngumiti ulit ng nakakaloko
"Bakit?"Tanong ko
"Ang galing mo palang tumili kanina."Seryoso niyang sabi.
Tinignan ko siyang mabuti at naalala kong di pala sigaw nang lalaki ang nagawa ko kundi tili ng bakla! Hindi itey pwede!
"Yun ang trending ngayon gusto mo gumaya ka pre"Sagot ko
"Magkakasama tayo dito sa kwarto at pinakialaman ko na lahat ng gamit mo."Sabi niya
"ANO?!"Singhal ko
"Joke lang mukhang ayos na ayos kana haha"Mapangasar na sabi niya
"Wala ka bang magawa sa buhay mo at ginugulo mo ako?"Tanong ko
"Oo"Sagot niya
"Pag gus-- ko ang isang tao ginugulo ko. Kaya araw-araw kitang guguluhin"Mahinang sabi niya
Hindi ko naintindihan yung una niyang sinabi at ang naabsorb lang ng brain cells ko ay araw-araw niya akong guguluhin.
"Subukan mo! Bubugbugin kita."Sabi ko
"Hindi mo kayang gawin yan. Hindi lahat ng tao mapapaikot mo sa palad mo Ponce"Seryosong sabi niya
"Labas muna ako."Dagdag niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Ang Pagda-dalaga ni Ponciano makamandag.
HumorLahat ng tao sa mundo may karapatan lumigaya. Hindi hadlang ang katauhan basta kaligayahan ay nadarama. Halina't ating subaybayan ang kwento ng buhay ni Ponciano Makamandag.