FAYE
Naiyak ako habang pinapanood sina Raven at Sheena na nag-iiyakan sa lapag. Gusto ko rin mag-sorry kay Raven dahil sa mga nasabi ko sa kaniya. Nadala lang ako sa emosyon kaya hindi ko na naisip ang mararamdaman niya. I'll unblock her kapag maayos na ang lahat.
Umalis na ang ilang mga pulis dahil sabi ni Kishi ay sila nalang ang bahala sa lahat.
Pumunta si Kishi kay Robin at tinulungan siyang alisin ang mga kadenang nakagapos sa kaniya.
"Okay ka lang?" Lumapit sa akin si Marco na hawak ang susi ng lock na kinuha niya sa lamesa.
Tumango ako. Sinumulan niyang i-unlock ang kadena na nakagapos sa mga paa ko. Sunod naman niyang i-unlock ang kadena sa kamay ko. Nakagapos ito sa isang bakal sa pader kaya hindi ako makaalis sa pwesto ko.
Napakunot ang noo ni Marco nang hindi gumana ang susi na hawak niya. May nakakadena pa rin sa aking mga kamay at hindi pa rin ako makaalis.
Akmang babalik siya sa lamesa nang biglang magsalita si Vishnu.
"Ito ba ang hinahanap niyo?!"
Nang dahil sa sigaw niya ay napalingon kami sa kaniya. Itinaas niya ang hawak na susi.
"Sabay-sabay tayong mamatay rito!"
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tinumba niya ang lamesa sa harapan niya kaya natapon ang alak sa sahig. Sunod niyang kinuha ang lighter sa bulsa at sinilaban ang alak. Nang kumalat ang apoy sa paligid ay tinapon niya ang susi roon, hanggang sa mawala ito sa paningin naming lahat.
"Oh my god!" sigaw ni Sheena.
"Faye!" Tumakbo papunta si Robin sa pwesto ko.
Pilit niyang tinanggal ang kadena pero siya'y nabigo.
"M-Masakit, Robin.." Pinigilan ko siya sa ginagawa niya.
"Iwan niyo na 'ko.. Iligtas niyo ang sarili niyo.." Nahihirapan na akong huminga dahil sa kapal ng usok.
"Bobo ka ba?! Bakit ka namin iiwan?!" singhal ni Raven at sinubukan ring baklasin ang nakagapos sa kamay ko pero walang nangyari.
"Walang iwanan, Faye," dagdag ni Kishi na nanghihina na.
"Bilisan niyo na.. Kumakalat na ang apoy.." umiiyak na saad ko.
Nanghihina na silang lahat. Nagiging pabigat lang ako. Umalis na kayo, please.
"Even when the fire gets worse, I'll never leave you. We'll never leave you," he said.
Nilibot niya ang paningin sa paligid at nakita niya ang baril sa bulsa ni Kishi. Inagaw niya ito at binaril ang kadena na nakakabit sa bakal. Natanggal ito kaya pwede na akong makaalis.
"Let's go.. Umalis na tayo."
BINABASA MO ANG
copycat
Mystery / ThrillerFaye, an online writer who unintentionally found a way to track her copycats, has to unravel the mysteries of the strange app, in order to stop the killings and restore peace in Ashmore City.