023

295 38 8
                                    

FAYE

Nagising nalang ako sa kama ko na sobrang pinapawisan. Teka, panaginip lang?

Linibot ko ang paningin ko at hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko ito sa tabi ko ay agad ko itong kinuha at sinubukang i-on.

Deadbat na kaya kinuha ko ang charger ko sa nightstand at chinarge ang cellphone.

Tsk. Mabuti nalang talaga panaginip lang iyon.

Pero parang hindi eh.

Sabi nila, sa oras na magising ka, agad mong makakalimutan ang panaginip mo. Dreams fade away when you wake up.

It was too vivid. Every single detail lingers in my mind. The strange application. The girl. Three masked psychos. Explosives scattered on the floor. A huge explosion. Death.

"Mabuti naman panaginip lang," I whispered to myself and sighed in relief.

Maglalakad na sana ako papunta sa CR pero napahinto ako nang makita ang wall clock. Napakurap ako nang dalawang beses.

"Pakshet late na ako!" tarantang sigaw ko saka tumakbo papunta sa CR para maligo.

8:30 am na at 9:00 flag ceremony!

Dali-dali akong naligo. 'Yung 15 minutes kong ligo sa araw-araw, naging 5 minutes nalang!

Nang matapos na maligo, agad ko nang sinuot ang uniform ko. Gray blouse, black skirt ending an inch above my knee, black coat with a gray lotus logo, and my leather shoes with short heels.

Hindi na ako nag-abalang magpatuyo ng buhok kasi ilang minuto nalang male-late na ako.

Kumuha ako ng isang pirasong tinapay at kinain iyon habang pabalik sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. 16% palang iyon pero kinuha ko nalang.

Nang handa na umalis ay lumabas na ako sa condo unit ko.

Dito ako nakatira kasi palaging busy ang mga magulang ko sa trabaho nila. Ayoko namang tumira sa mansion kasi sobrang lungkot dahil sa malaking space. Ka-close ko naman lahat na helpers doon─ lalo na sila Nanay Imelda at Tatay Percival kasi parang magulang ko na siya─ pero ayoko talaga tumira doon. That mansion feels like hell.

I requested for a condo unit para may sarili akong space. Ibinigay naman nila iyon agad. They're filthy rich, for pete's sake. Siguro nga piso lang ang halaga nitong condo unit para sa kanila.

Sinarado ko ang pinto at tumakbo papunta sa elevator. Nang makababa na, agad akong tumakbo papalabas.

Nagulat ako nang makita si Robin na nakasakay sa motor niya at tila ba hinihintay ako.

Robin is my bestfriend since first year college hanggang ngayon na third year college. Nakita ko kasi siyang nakahandusay sa kalsada nung pauwi ako sa condo ko. Gabing-gabi na no'n at konti nalang ang dumadaan na tao.

Agad ko siyang nilapitan kasi baka mamaya bangkay na pala siya. Nakita kong nag-taas baba ang dibdib niya, senyales na humihinga pa siya. Amoy alak din siya kasi naglasing siya.

Kinapa ko 'yung bulsa niya at kinuha 'yung cellphone niya. Balak ko sana tawagin ang nasa contacts niya kaso bigo ako kasi deadbat siya. May wallet din doon at binuksan ko kasi baka may address doon na nakalagay pero nalukot na bente pesos tapos ilang barya lang ang nakita ko.

I had no other choice but to bring him in my unit. Nagpatulong pa ako sa guwardya para makarga siya. Nakakainis nga dahil makahulugan ang tingin nila sa akin. Parang iniisip nila na mamanyakin ko siya or something.

Nang gumising siya kinabukasan, saka lang siya nag-kwento sa akin. Namatay daw 'yung nanay niya dahil sa breast cancer kaya naglasing siya. 'Yung tatay niya naman, nilalabanan ang lung cancer. Ang nagpapaaral sa kaniya ngayon ay ang tita niya na kapatid ng tatay niya.

He needed someone to lean on that time so I listened to his rants about life. Hanggang sa magtuloy-tuloy na at naging magkaibigan kami.

"Faye!"

Nabalik ako sa ulirat nang tawagin niya ako. Late na nga pala ako!

"Robin! Bakit ka nandito?" Lumapit ako sa kaniya.

"Ano sa tingin mo? Edi ihahatid ka! Ulol late na tayo!" sabi niya. Napailing nalang ako at sumakay nalang sa motor niya. Kinuha niya 'yung extra na helmet na naka-hang sa hawakan ng motor at ibinigay sa akin. Agad ko din naman itong sinuot.

Nakarating kami sa school nang 15 minutes late. Hinintay pa naming matapos ang flag ceremony bago makapasok. Mabuti nalang talaga at absent 'yung student formator na nagbibigay ng sanctions sa late kaya wala akong natanggap na sanction.

Sabay kaming naglakad ni Robin sa hallway pero napatigil ako nang magsalita siya.

"Ano na ang plano natin doon sa app?" tanong niya.

Napakurap ako dahil sa tanong niya.

Sana hindi iyon totoo.

"Anong app ba?" tanong ko, tahimik na nagdadasal na sana hindi totoo 'yung copycat.

"'Yung sinend mo sa akin kagabi! Copycat ata iyon," sagot niya kaya tila ba nasakluban ako ng langit at lupa.

Putangina.

Kaya pala parang totoo, kasi hindi iyon panaginip.

I immediately fished my phone from my bag to confirm everything. Nang mabuksan iyon, nanlumo nalang ako nang makita 'yung icon nung app.

Copycat: Track Your Plagiarists!

"Fuck," bulong ko sa sarili ko.

Parang nanghina ako. Napahawak ako sa sentido ko at minasahe ito nang marahan.

"Faye," nag-aalalang tawag ni Robin sa akin. I glanced at him and gave him a small smile.

"Mauuna na ako. May klase pa ako," sabi ko nalang at tinalikuran na siya para pumunta na sa classroom ko.

Damn. Bakit kasi nangyari pa lahat nang 'to?

copycatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon