065

95 12 0
                                    

RAVEN

"Buksan mo ang pinto, Vishnu!"

Narinig kong sigaw ni Sheena mula sa labas kasabay ng pagkalabog ng pinto. Napaawang ang labi ko.

Ilang sandali pa'y bumagsak na ang pinto dahil sinipa ito ng isang pulis. Pumasok sila kasama sina Sheena, Marco, at Kishi.

Nakatingin lang ako kay Sheena at gano'n din siya sa akin. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala niya sa akin.

A lone tear escaped my left eye. Why is she here? Why is she saving me? I don't deserve it. I deserve to be hated.

She smiled at me as if she's saying that everything will be alright. I looked away, trying to hide the tears pooling up my eyes. The fact that she still chose to save me after everything I did says a lot about her─ she's an angel and I don't deserve her. I'm sorry for everything, Sheena.

"Sumuko ka na, Vishnu!" sigaw ni Kishi at itinutok ang baril kay Vishnu.

Humarap si Vishnu sa kaniya at hinatak niya ang buhok ko at pinilit akong patayuin. Ipinulupot niya ang braso niya sa leeg ko at itinutok ang baril sa ulo ko.

"Ibaba niyo ang baril niyo o papasabugin ko ang ulo ng babaeng 'to?!" sigaw ni Vishnu sa kanila at mas hinigpitan pa ang pagkakapit sa leeg ko kaya nahihirapan na akong huminga.

"Tama na!" umiiyak na sigaw ni Faye na nakagapos sa sahig.

Unti-unting binaba ng mga pulis ang mga baril nila pero nagulat nalang ako nang biglang inagaw ni Sheena ang baril mula kay Kishi.

"Huwag mong saktan si Raven!" mabilis niyang itinutok ang baril kay Vishnu at walang sabi-sabi niyang pinutok ito. Naramdaman ko ang pagluwag ng braso ni Vishnu. Siniko ko siya at sinipa hanggang sa matumba na siya sa sahig. Nakahawak siya ngayon sa tiyan niya kung saan nabaril siya ni Sheena.

"Raven!" Tumakbo papalapit si Sheena.

My tears have made their escape. I cried my heart out.

"I'm sorry, Sheena.." Pinunasan ko ang mga luha ko pero tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos nila.

"Sorry dahil inakusahan kita kahit wala naman akong ebidensya. I'm so sorry." Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko.

"Shhh wala kang kasalanan." Umiiyak na rin siya kaya mas lalo akong naiyak. "The picture.. It's from Vishnu.. Nakita ko iyon na nakalagay sa kwarto ko.. Nag-imbestiga ako dahil alam kong may binabalak siyang masama sa iyo.. Sa inyo ni Faye," pagpapaliwanag niya, paputol-putol dahil sa mga hikbi niya.

"Sorry hindi ko nasabi," umiiyak na sabi niya.

Mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil pinagbintangan ko siyang masama.

I closed my eyes shut and continued to cry. I'm so lucky to have Sheena.

copycatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon