027

180 31 13
                                    

FAYE

"Uy gago ka bakit mo pinindot?!"

"Putangina legit pala?! Akala ko nag-iimbento ka lang ng kwento!"

"Gago sabing huwag mo pindutin!"

"Tangina hindi ko sinasadya, okay?!"

"Lagot ka kay Faye nito!"

Narinig ko ang pagbabangayan nila habang papalapit ako.

"Oh, balita?" bungad ko sa kanila.

Parang hindi sila mapakali. Kinabahan tuloy ako.

Nakita ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong nakuha.

"Sorry talaga, Faye! Akala ko hindi totoo!" sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

Binuksan ko 'yung app at nagulat nalang ako nang malaman ang tinutukoy nila.

▂▂▂▂▂▂

Niceu! bhOwzS_mAp4gm4h4L_j3$$ic4
is now being tracked and hunted. ٩(๑❛ᴗ❛๑)۶

▂▂▂▂▂▂

We're now tracking the copycat.
Estimated time is 6 minutes.

▂▂▂▂▂▂

"Oh my god," napasapo ako sa noo ko.

"Puta sorry talaga, Faye!" walang tigil sa paghingi ng tawad si Kishi sa akin.

"Ano ang nilagay niyo sa weapon?" tanong ko.

"Gun," si Robin na ang sumagot.

"Gun?!" gulat kong sigaw. "Shit," bulong ko sa sarili ko.

Natahimik kaming tatlo at hinintay na ang app.

Hanggang sa tumunog ang cellphone ko, hudyat na may namatay na naman.

Nagkatinginan kaming tatlo bago ko kinuha ang cellphone ko. Tumayo sila at tumabi sa akin para makita ang update nung app.

▂▂▂▂▂▂

NOTIFICATIONS

Congratulations on your successful hunt! bhOwzS_mAp4gm4h4L_j3$$ic4 is now eliminated.

bhOwzS_mAp4gm4h4L_j3$$ic4.mp4
00:00 - 7:16

▂▂▂▂▂▂

Sinimulan kong i-play 'yung video at nagulat nalang ako nang makita kung sino iyon.

"Putangina 'yan 'yung Jessica 'di ba? 'Yung pabibo mong blockmate?" tanong ni Robin kaya tumango ako nang hindi inaalis ang tingin sa video.

Naglalakad si Jessica sa madilim na eskinita. Malapit na kasi gumabi kaya padilim nang padilim na ang paligid.

May tatlong taong nakamaskara ang nakasunod sa kaniya. Bale apat sila kasi may camera man.

Biglang napahinto si Jessica kaya napahinto rin 'yung mga mamamatay-tao.

Dahan-dahang lumingon si Jessica sa likod. Nakita ko rin ang panginginig ng mga kamay niya.

Nang makalingon siya sa likod ay agad na itinutok nung isang nakamaskara ang baril niya.

"Taas ang kamay!" sigaw niya kaya nanginginig na sinunod iyon ni Jessica.

"At iwagayway!" dagdag nung may baril kaya sinunod iyon ni Jessica dahil sa takot.

"Gago!" humalakhak si Kishi kaya tinapik ko ang braso niya. May mamamatay na tapos tumatawa pa sila diyan.

"Bakit nanggaya ka ng kwento, Jessica?" 'Yung nasa kaliwa ng may baril naman 'yung nagtanong.

Nanlaki ang mata ni Jessica.

"Nanggaya? Duh. Why would I gaya others? I am the best so I don't need to gaya!" sagot ni Jessica kaya tumawa na naman si Kishi.

Tinapik ko ulit ang braso niya at pinanlisikan siya.

"Aba, sumasagot ka pa!" sabi nung may baril at ipinutok ang hawak niyang baril sa langit. Gumawa ito ng malakas na tunog.

"HEEELP! THERE'S A RAPIST IN THE WOOOORLD!" sigaw ni Jessica kaya humagalpak ng tawa si Robin at Kishi.

"Huwag nga kayong tumawa!" sigaw ko pero natawa na rin ako dahil sa tawa nila. Pinause ko muna tuloy 'yung video.

Rapist in the world amputa.

Nang matigil na sila sa pagtawa ay itinuloy ko na ang video.

"Ginagago mo ba ako?!" pasigaw na tanong nung may baril at inasinta iyon kay Jessica.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila ba lalabas na ito sa katawan ko.

Hanggang sa marinig ko ang malakas na putok ng baril. Napaiwas ako ng tingin at ipinikit ko nang mariin ang mga nata ko.

Hindi lang isang putok kundi lampas sampu!

Nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko nalang ang bangkay ni Jessica.

She's on the floor, drenched by her fresh blood.

copycatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon