VIN's POV:
Nagkaayos na kami ni Margaux. Pero pagkatapos naming magkaayos ay kami naman ni Lei ang may problema. Lagi niya akong iniiwasan sa mga klase namin. Kahit sa mga group works ay hindi niya ako pinapansin. Lagi ko siyang sinusubukang kausapin pero lagi niyang sinasabi na may gagawin siya. Siguro ay galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari isang buwan na ang nakakaraan.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa amin. Alam ko mali lahat iyon. Hindi ko lubos maisip kung bakit si Margaux ang nakita ko noon at hindi si Lei. Tama nga siguro si Lei, mahal na mahal ko si Margaux kaya kahit si Lei na ang kaharap ko ay si Margaux pa rin ang nakikita ko at iniisip ko. Despite of what happened, I really miss my bestfriend. Pupuntahan ko talaga siya mamaya sa bahay nila para magkausap na kaming dalawa.
"Mr. Samonte and Ms. Lim" bigla akong nabalik sa aking ulirat ng marinig ko ang apelyedo ko from our professor. Hindi na naman ako nakikinig dahil iniisip ko kung paano ko makakausap si Lei. "And that's the last pair for the demonstration on Monday" huling sabi ng prof namin. Anong demonstration yun? Shet naman oh! F*ck!
Tumingin lang ako kay Lei na busy naman sa pagsusulat. "Please proceed to your partners so you could tackle what to do. I have to leave now. I'll just see you on Monday for your demonstration." at lumabas na agad ang professor namin.
Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago ako tuluyang lumapit kay Lei. Paano to? Siya pa naman ang kapartner ko. "Lei bes, tayo ang magkapartner!" nakangiti kong bati sa kanya at tumingin lang siya sa akin. Awkward naman oh! At ako na ang hindi niya kinakausap. Umupo na ako sa tabi niya pero siya ay tuloy pa rin sa kanyang sinusulat. Hindi man lang niya ako kinausap. Mamaya na lang ako magtatanong. Mukhang di rin naman niya ako kakausapin.
"Sasabihin ko na lang sayo bukas ang gagawin. Mag-iisip pa ako ng strategy" sabi niya ng hindi nakatingin sa akin. Nag-aayos na siya ng gamit niya.
"May gagawin ka pa ba? Pwede ba tayo mag-usap?" sinserong tanong ko sa kanya. Tumingin siya akin. Pumayag ka naman oh. Gusto ko magkaayos na tayo!
"Pasensya na pero darating ang mga kuya ko mamayang gabi. Kailangan ko pa mamili para sa kanila" agad naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Sasamahan na lang kita. Ihahatid na lang din kita. Total maaga pa naman eh." pagpupumilit ko naman sa kanya.
Tumingin lang ulit siya pero walang ekspresyon ang mukha niya. "Next time na lang din tayo mag-usap Ervin, masama din kasi ang pakiramdam ko."
Hindi na ako nakipag-argumento. Halata nga sa mukha niya na parang may dinaramdam siya. Pero susundan ko siya. May kakaiba sa mga kinikilos niya netong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin ito. Parang may nanghihila sa akin na sundan siya, kaya yun ang gagawin ko.
Umalis na siya. Hinintay ko na makalayo siya ng konti bago ako nagdecide na sundan siya. Nung makita kong nakasakay na siya ng taxi ay agad naman akong sumakay sa kotse ko.
Mga ilang minuto ko na siyang sinusundan at nakita ko siyang tumigil sa isang botika. Masama nga siguro ang pakiramdam niya pero hindi ako tumigil sa pagsunod sa kanya. Sana hindi tama ang hinala ko.
Sunod niyang pinuntahan ang grocery. Hindi na ako pumasok sa loob at hinintay ko na lamang siya sa parking lot. Kinakabahan talaga ako sa mga kilos niya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na din siya. Patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa makarating siya sa boarding house niya. Tumigil ako dito sa labas kung saan tanaw ko ang ginagawa niya sa may bintana. Magmamasid na lang ako dito.
BINABASA MO ANG
Let Me Make It Right
RomanceBest Friends to Parents... Parents to Enemies... Enemies to Lovers... They were the best of friends. After a while, they found out that they are going to be parents. They lived happily until there came a time that they already hate each other. Cupid...