Vin's POV
Hinayaan ko munang matulog si Lei para naman makabawi siya ng lakas. Gusto ko siyang alagaan para naman kahit papaano ay makabawi ako sa kanya. Kahit na isang buwan na ang nakalipas ay hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari sa amin. Hayyy! Dapat kalimutan ko na iyon. Hindi ko na dapat isipin pa dahil tapos na.
Paakyat na ako dala ang pagkain na niluto ko para kay Lei noong bigla akong mapatingin sa pintuan niya. Ang tagal ko din doon kanina bago ko nabuksan. Ang pinagtataka ko ay bakit birthday ko ang passcode ng bahay niya.
(flashback)
Kanina pa ako nagdodoorbell pero hindi niya ako pinagbubuksan. Bigla akong napatingin sa tabi ng door. High tech pala itong bahay niya, nakapasscode ang lock!
Kailangan kong makapasok kaya naman sinubukan ko ng maglagay ng codes. Six digits ang kailangan kaya naman sinubukan ko ang birthday niya. 091295 pero Error ang lumalabas sa screen. Sumubok pa ako ng combinations pero wala talaga.
Napaupo ako sa harap. Ano ba ang combination ng passcode niya? Tumayo ulit ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at inilagay ko yung birthday ko. 031394. Tinignan ko yung screen at biglang naggreen then the machine said "Accepted". Binuksan ko na ng tuluyan at napatingin ulit sa door. Hindi ko na lang iyon pinansin.
(end of flashback)
Tsaka ko na siya tatanungin. Ang mahalaga ngayon ay gumaling na siya. Nagdala na din ako ng gamot para makainom na din siya nito at nang tuluyan na siyang gumaling.
Noong makarating ako sa kwarto niya ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Inilagay ko muna sa bedside table ang pagkain at tumabi sa kanya. Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Hindi ko naappreciate ito dati pero ngayon, ang ganda ng mukha niya. Napakaswerte ng magiging boyfriend niya.
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na medyo nakatakip sa mukha niya. Doon ko mas lalong nasilayan ang kagandahan niya.
031394- Bakit iyon ang passcode niya? Hindi talaga mawala sa isip ko yun. Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang boyfriend. Birthday ko ba talaga yun? Hayyy.
Habang nag-iisip ako ay bigla na lang nagising si Lei. Sakto lang din naman ang gising niya dahil tanghali na din. Pilit siyang ngumiti kahit nahihirapan.
Ngumiti din ako sa kanya pabalik. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko habang inaalalayan siyang makaupo.
"Medyo ayos na ako. Naaabala na kita masyado." mahinang sabi niya. Ngumiti ako lalo sa kanya.
"Ikaw talaga bes, hindi ka abala para sa akin. Basta aalagaan kita hanggang sa may makasama ka na dito. 'Di kita iiwan okay?"
Napangiti din siya at hinawakan ang kamay ko.
Habang pinapakain ko siya ay bigla na lang nagring ang cellphone ko.
Tumingin muna ako sa kanya. Pilit ang naging ngiti niya sa akin. "Sagutin mo na. Baka importante ang tawag na iyan." biglang sabi niya sa akin. Tinignan ko muna ang cellphone ko. Si Margaux pala ang tumatawag. Pero imbes na sagutin ko ang tawag ay tinanggal ko ang battery at inilapag na sa bedside table ni Lei.
Lei's POV
Nagulat ako sa ginawa ni Vin. Noong napatingin ako sa screen kanina ay nakita ko na agad ang pangalan ng kanyang girlfriend kaya ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya. Ang akala ko ay sasagutin na niya pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagtanggal niya ng battery ng cellphone niya. Nasisiraan na yata siya ng bait.
"Bakit mo tinanggal ang battery. Girlfriend mo yung tumatawag hindi ba?" tanong ko.
"Mangungulit lang ulit siya. Gusto niya na pumunta ako doon sa school at maging alalay na naman niya ako dahil puspusan na ang practice nila ngayon." paliwanag naman niya sa akin.
Base sa sinabi niya ay parang naiinis siya sa girlfriend niya. Maganda yan. Hahaha. May sakit na nga ako pero ganito pa mga sinasabi ko. Ang sama!
"Malay mo naman naglalambing lang yun sayo. Okay lang naman ako dito. Puntahan mo na lang siya." at medyo yumuko ako ng bahagya.
Naramdaman kong lumapit siya ng bahagya sa akin. "Hindi iyon paglalambing bes. Kung minsan kasi nakakainis na din siya. Basta hindi kita iiwan dito." at bigla na lang niya akong niyakap. Natuwa naman ako sa narinig ko. Ang sweet naman ni Daddy Ervin. Sana maging ganito din siya kasweet sa magiging baby namin.
BINABASA MO ANG
Let Me Make It Right
RomanceBest Friends to Parents... Parents to Enemies... Enemies to Lovers... They were the best of friends. After a while, they found out that they are going to be parents. They lived happily until there came a time that they already hate each other. Cupid...