VIN's POV:
Nakatulog na pala ako kahihintay sa girlfriend ko. Nagising ako dahil may tatlong lalaking gusto akong paalisin sa pwesto ko. Ito ang alam ni Margaux na paborito kong pwesto sa bar na ito. Baka bigla na siyang dumating. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi ako masyadong makatingin sa kanila. Umiikot ang paningin ko sa dami ng nainom ko.
Tinignan ko lang sila at hindi ako umalis sa kinaroroonan ko. Bakit naman ako aalis? Nauna ako dito. Humanap na lang sila ng ibang pwesto total malawak ang bar. Marami pa silang pwedeng maupuuan.
"Pare, pwede bang umalis ka na diyan. Pwesto namin yan eh. Regular costumer kami ng bar na ito at alam na alam nila na dito kami pumipwesto" sabi ng isang lalaking mas lalong lumapit sa akin.
"Bakit naman ako aalis dito? Nauna na ako dito at humanap na lang kayo ng ibang mauupuan" sabi ko at tinawag ang isang waiter para naman makapag-order pa ng iinumin.
"Pare, ayaw namin ng away. Ihahanapan ka na lang namin ng mauupuan mo" balik niya sa akin.
Kahit na masakit ang ulo ko ay tinignan ko pa rin siya ng masama. "Sinabing ayaw ko eh! Kayo ang humanap ng iba!"
Bigla silang lumapit na tatlo at nagulat ako sa pagsuntok ng isa sa kanila. Napahawak ako sa labi ko at nakita ko ang dugo. Nagising na ako at tumayo. Tumingin ako ng nakakaloko at sinuntok ng malakas ang lalaking sumuntok sa akin. Doon na nagsimula ang away namin.
---*---*---
LEI's POV:
Nakarating naman agad ako sa bar na sinabi ni Ervin. Bigla akong natigilan sa harap ng bar. Bigla kong naisip na baka pinagtitripan lang ako nito. Hindi na dapat ako tumuloy dito. Tumalikod ako at lumakad ng ilang hakbang. Sasakay na dapat ako ulit pero napahinto na naman ako. Naisip ko nandito na din naman ako eh di ituloy ko na. Tumingin ako sa aking relo at nakita kong pasado ala-una na pala. Bubugbugin ko na lang siya mamaya sa school kapag hindi totoo ang mga sinasabi niya kanina. Lumakad na ulit ako palapit sa pintuan ng bar at bumuntong hininga muna bago pumasok.
Pagpasok ko, nakita ko agad ang mga nagsasayawan sa dance floor. Nauubo din ako dahil mausok sa loob pero hindi ko na lang inintindi iyon. Kailangan kong mahanap ang pakay ko dito. Hinanap ko si Ervin pero hindi ko siya makita. Ngayon alam ko na, niloloko lang niya talaga ako. Bumuntong hininga ulit ako at akmang lalabas na sana sa bar ng bigla akong nakarinig ng nag-aaway sa bandang likuran. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko doon. Nakita ko na lang si Ervin na nakikipag-away sa tatlong lalaki. Sinuntok ng malakas si Ervin dahilan para matumba siya at mawalan ng malay. Huli na ng dumating ang mga bouncer. Lumapit ako sa kanila.
"Kayo po ba ang girlfriend nitong lalaking ito?" sabi agad ng isang bouncer sa akin
Hindi na ako nakasagot at mas lalong lumapit kay Ervin. Napaluhod ako at tinignan siyang mabuti. Sobrang nakakaawa ang itsura niya. Duguan din ang mukha niya.
"Dadalhin na po namin siya sa labas para po maiuwi niyo na siya" sabi din ng isang bouncer at binuhat na agad si Ervin palabas. Tumayo na ako at sumunod na lang. Iniwan na kami sa labas ng bar.
Ano ba problema nito at naglasing ng sobra. "He's so wasted. Tss" yan na lang ang nasabi ko.
Pumunta na ako para mag-abang ng masasakyan. May huminto ng taxi sa harap ko. Nagpatulong muna ako kay Manong driver para maisakay sa taxi si Ervin. Bumaba naman siya agad at tinulungan ako na buhatin si Ervin. Napakabigat nitong lalaking ito. Hay! Pumasok na din ako sa sasakyan.
"Ahmm manong, sa Pines Village po" at nakita ko naman na tumango na ang driver. Nagsimula na siyang magmaneho papunta sa bahay ni Ervin.
Nasa biyahe na kami ng biglang magsalita si Ervin.
"Margaux... Please... Margaux..." sabi niya.
Kaya naman pala ito uminom eh. Nag-away na naman siguro sila ng girlfriend niyang si Margaux. Hindi na ako magtataka kung mag-away man sila. Ganito naman lagi ang problema nitong si Ervin eh. Kapag nasa school na, ito lagi ang mga sinasabi niya sa akin. Nakakasawa na nga rin dahil paulit ulit na lang. Madami namang kaibigan si Ervin pero sa akin talaga niya sinasabi ang problema niya kay Margaux.
Naisip ko na hindi naman talaga ako ang tinatawagan ni Ervin kanina. Nagkamali lang siya ng napindot dahil naalala ko ang mga sinabi niya kanina. "Hik- Mahal ko, mag-usap tayo hik- Ayusin natin to... please pumunta ka hik- dito sa paborito hik- kong bar" Mahal ko daw oh eh hindi naman ako yun. Bestfriend niya ako at hindi ang mahal niya. Bitter na naman ako!
Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa bahay ni Ervin. May sarili na talagang bahay si Ervin. Silang tatlong magkakapatid ay binigyan ng tig-iisang bahay ng kanilang mga magulang. Nagpatulong na lang ulit ako kay Manong para buhatin siya hanggang sa pintuan ng kanyang bahay. Pagkatapos ay nagbigay pa ako ng tip kay manong sa pagtulong niya sa akin.
Kinalkal ko ang bag ni Ervin para hanapin ang susi ng bahay. Hinalughog ko ang buong bag niya pero wala talaga. Nahiya ako bigla ng napatingin ako sa bulsa niya. Tinignan ko lang iyon ng matagal at hindi ako makagalaw. Nagface palm ako.
Lumuhod na ako at pumikit habang pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng pants ni Ervin. Hiyang hiya talaga ako ngayon sa ginagawa ko pero kailangan naming makapasok ng bahay. Kinapa ko pa at nakuha ko na ang susi ng bahay niya. Binuksan ko agad ang pintuan ng bahay niya. Pumasok muna ako at nilapag ang mga bag namin. Binalikan ko siya sa labas at inisip kung paano ko siya maiaakyat sa kwarto niya.
"Siraulo ka talagang lalaki ka. Problema ko pa ngayon ang lahat ng ito!" sabi ko sa kanya habang sinusubukan siyang hilain.
Ginamit ko ang buong lakas ko para mahila siya papasok ng bahay at paakyat na din sa kwarto niya. Sobrang bigat talaga nitong lalaking ito. Huhuhu kawawa naman ang payat kong katawan. Ilang hila pa at nailapag ko na din siya sa kama niya pero natumba ako sa harap niya dahilan para matitigan ko ang gwapo niyang mukha. Namula ako bigla habang tinititigan ang gwapo niyang mukha. Nagulat na lang ako ng unti-unting bumukas ang kanyang mga mata dahilan para mahulog ako sa kama niya.
"Margaux... dumating ka...niligtas mo ako sa mga bumugbog sa akin kanina" at umuubo pa siya habang sinasabi iyon.
Tumayo ako agad at hinarap siya. "Hindi ako si Mar-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinatak at hinalikan.
Waaaah! Kinuha na niya ang first kiss ko! Bwisit ka talagang lalaki ka!
Tinulak ko siya at biglang sinampal. "Bwisit ka! Walang hiya ka talaga! Arrrghh! Haaay!"
Hinatak niya ulit ako at niyakap naman. "I'm sorry mahal ko, Margaux baby, wag ka ng magalit sa akin. Babawi ako sayo. Mahal na mahal kita baby!"
Nakayakap pa rin siya sa akin. "Hindi nga ako si Margaux! Vin tumigil ka!"
Ngumiti lang siya sa akin "Ikaw talaga baby! Mapagbiro ka talaga!" at hinalikan ulit ako. Sinubukan kong makaalis sa pagkakayakap niya at iniiwasan ko din ang labi niya pero hindi ako makagalaw sa lakas ng grip niya sa akin.
Naiinis na talaga ako sa lalaking ito! Bwisit na talaga ako sa kanya! Hayy naku!
BINABASA MO ANG
Let Me Make It Right
RomanceBest Friends to Parents... Parents to Enemies... Enemies to Lovers... They were the best of friends. After a while, they found out that they are going to be parents. They lived happily until there came a time that they already hate each other. Cupid...