Vin's POV
Kanina pa ako nandito sa loob ng kotse ko. Pinagmamasdan ko pa rin si Lei. Nakita kong pumasok sa loob ng bahay si Ate Lavender. Kita ko naman dito ang ginagawa nila dahil nakaupo sila ngayon sa sala ng bahay ni Lei.
Busy sa pagkain ngayon ang bestfriend ko. Sarap na sarap sa dala ni Ate Lavender. Mabuti naman yan para mabawasan naman yung sama ng pakiramdam niya. Nag-aalala din kasi ako ng sobra sa kanya.
Rinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot ng hindi tumitingin sa caller ID.
"Hello?"
[Hello baby, where are you? I've been looking for you. We're done with our practice] biglang sabi ng caller. Girlfriend ko pala ang tumatawag. Akala ko naman magtatagalan pa siya dahil may practice sila ngayon. Gusto ko pa naman munang bantayan ang best friend ko.
"Oh sorry baby, may dinaanan lang ako saglit. Pero antayin mo ako diyan. I'm coming" sagot ko na lang sa kanya.
[Make it fast! I don't like waiting!] and she hang up.
Ayaw ko pa sanang umalis pero nagmamadali na akong papuntahin ni Margaux sa school. Kukumustahin ko na lang si Lei bukas.
Inayos ko amg sarili ko at pinaandar ko na ang kotse ko. Pupuntahan ko na lang muna si Margaux.
Lei's POV
Sarap na sarap talaga ako dito sa dala ni Ate Vans. Thankful ako na kahit wala akong biological sister, nandyan siya para tulungan ako sa lahat ng bagay. She became my sister at the same time mother through the years.
"After mong kumain diyan ay magpahinga ka saglit and afterwhich ay kailangan mo ng subukan ito" at pinakita niya ang mga hawak niyang pregnancy test kits. Bigla naman akong nanlumo pagkakita ko nun. Paano kung tama ang hinala namin? Paano kung... buntis nga ako?
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya at agad naman akong naiyak. Maling mali ang ginawa ko noon.
"Wag ka ngang umiyak. Kung sakaling buntis ka man, hindi kita pababayaan. Hindi ka namin pababayaan ng mga kuya mo. Mahal na mahal ka namin okay?" muling sabi si Ate Vans. Mas lalo lang akong naiyak. Tama siya, marami ang nagmamahal sa akin. Kaya ko to.
Kinuha ko sa kanya ang mga pregnancy test kits na hawak niya. Tinitigan ko ang mga iyon bago tuluyang pumasok sa banyo.
Sinunod ko ang mga instruction na naroon. Kumuha na ako ng sample urine at isa isang pinatakan ang tatlong PT kits.
Nilapag ko lahat sa lababo at pumikit muna ako. Ang sabi sa instruction ay maghintay ng 3-4 minutes eh.
Iminulat ko ang mga mata ko at napapikit ulit sa nakita ko. Siguro ay namalik mata lang ako. Noong iminulat ko ulit at tumingin sa mga PT, doon na ako napaupo sa loob ng banyo.
Pumasok agad si Ate Vans dahil siguro ay narinig niya akong umiiyak. Tinignan niya ang mga PT kits at niyakap ako bigla.
"Please baby Lei don't cry, sabi ko nga sayo, nandito kami para sayo"
Napaiyak na lang ako. Lahat ng PT kits,pare-pareho lang ang resulta. Each of the PT kits showed two lines...
![](https://img.wattpad.com/cover/31131743-288-k796252.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me Make It Right
RomanceBest Friends to Parents... Parents to Enemies... Enemies to Lovers... They were the best of friends. After a while, they found out that they are going to be parents. They lived happily until there came a time that they already hate each other. Cupid...