1

91 2 0
                                    

VIN's POV:

"Let's break up!" yan lang ang mga salitang sinabi ni Margaux bago siya umalis. Pagod na pagod na talaga ako sa ganitong sitwasyon namin ni Margaux. Lagi na lang kaming nag-aaway. Pero hindi ko siya magawang iwan dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na ganito ang sitwasyon namin, hindi pumasok sa isip ko na makipaghiwalay sa kanya. Kahit na lagi niyang sinasabi na maghiwalay na lang kami dahil hindi na nagwowork-out ang relationship namin, hindi pa rin ako bumibitaw sa kanya.

I decided to go to the bar para maglabas ng stress na nararamdaman ko. Pumunta ako sa paborito kong bar at pumunta sa isang sulok para uminom. Marami ang lumalapit sa akin para makipagsayaw pero wala ako sa mood. Hindi ko na lang sila pinapansin at tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-inom. Ilang oras din akong uminom at nanunuod lang ako sa mga taong nasa paligid.

Lasing na lasing na talaga ako and I decided to call my girlfriend para maayos na namin itong gulong ito. Ayaw ko makipagbreak sa kanya. Kinuha ko ang phone ko from my pocket and look for my girlfriend's name from the contacts.

*scroll scroll*

Nahihilo na talaga ako pero pinilit kong hanapin ang pangalan ng girlfriend ko. I need to talk to her.

*scroll scroll scroll*

*Mama

.

.

.

.

*Manny

.

.

.

.

*Margaux

Ayun at nakita ko din ang pangalan niya. I pressed call at pumikit na ako... Nakailang ring din bago niya sinagot ang tawag ko.

"Hello? Oh napatawag ka? May problema ba?" sabi niya on the other line.

"Hik- Mahal ko, mag-usap tayo hik- Ayusin natin to... please pumunta ka hik- dito sa paborito hik- kong bar"

"Hoy! Lasing ka na!" na halatang galit ang boses

"Hik- Hihintayin kita..." at tuluyan na akong nakatulog

---*---*---

LEI's POV:

Madaling araw na. Nakahiga na ako sa aking kama. Pumikit na ako para makatulog na ng biglang tumunog ang phone ko na nasa bedside table ko. Sino naman kaya ang tatawag sa ganitong dis orasng gabi? Tinatamad akong bumangon at kinuha ang phone ko.

*Ervin calling...

Kinusot ko ang mata ko dahil akala ko namamalikmata lang ako.

*Ervin calling...

Bakit naman tumatawag ito sa ganitong oras ng gabi. Sinagot ko na lang.

"Hello? Oh napatawag ka? May problema ba?" sabi ko ng may pagtataka.

"Hik- Mahal ko, mag-usap tayo hik- Ayusin natin to... please pumunta ka hik- dito sa paborito hik- kong bar"

Ano kayang problema nito at tinawag akong mahal ko? At pinapapunta pa niya ako sa paborito niyang bar. Pero halata sa kanya na lasing na siya.

"Hoy! Lasing ka na!" nagagalit na ang boses ko dahil pinagtitripan na naman ako ng bestfriend ko. Hay naku...

"Hik- Hihintayin kita..." sabi niya. At talagang pinagtitripan ako nito hah. Hihintayin talaga daw ako...

"Hoy Ervin! Tigil-tigilan mo yang pangtitrip mo sa akin. Matulog ka na nga! Gabing-gabi na oh!"

Hinintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig na boses.

"Hoy! Sumagot ka nga!" mas lalong nagalit ang boses ko

Wala pa ring sumasagot.

"Hoooooy!" sinisigawan ko na siya pero wala pa rin talagang sumagot. Nainis ako sa kanya kaya tinapos ko na ang tawag. Nilagay ko ulit ang phone ko sa aking bedside table at humiga na.

Pinagtitripan ka lang nun Lei. Wag mo na siyang isipin at matulog ka na. Bukas mo na lang siya pagalitan dahil magkikita naman kayo bukas. Yun na lang ang mga pumasok sa isip ko. Oo, pinagtitripan lang niya ako. Knowing my best friend, mahilig talaga siyang mangtrip ng tao, lalong lalo na ako.

Pumikit na ako para matulog.

Hik- Mahal ko, mag-usap tayo hik- Ayusin natin to... please pumunta ka hik- dito sa paborito hik- kong bar.

Bakit iyon pa rin ang naririnig ko? Please pumunta ka hik- dito sa paborito hik- kong bar...

Tinakpan ko ng unan ang tenga ko dahil parang may naririnig pa rin akong nagsasalita.

Hik- Hihintayin kita...

Hik- Hihintayin kita...

Hik- Hihintayin kita...

Hik- Hihintayin kita...

Hihintayin kita...

Bumangon ako at umupo muna. Nakakakonsensya naman siya. Baka kailangan niya nga ng tulong? Pero paano kung napagtripan lang niya ako. Hay naku ewan. Tumayo na ako at nagbihis. Binilisan ko na ang galaw ko para makapunta na agad ako doon. Kinuha ko na din ang wallet ko at lumabas na ako ng bahay. Pupuntahan ko siya. Nag-aalala talaga ako. Kung pinagtitripan man niya ako, gaganti na lang ako sa kanya kinabukasan sa school. Iuuntog ko talaga ang ulo niya kapag napagtripan lang niya ako.

---*---*---

(A/N): Margaux- pronounced as Mar-gow

Let Me Make It RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon