Vin's POV:
Malapit ng magsimula ang klase namin pero hindi pa dumarating ang best friend ko. Simula noong nakaraang linggo ay medyo late na siyang pumapasok sa klase. Worried ako dahil baka maapektuhan ang standings niya sa klase. Graduating na kami at running for Magna Cum Laude pa siya. Worried ako sa kanya kaya naman nagtext na lang ako sa kanya.
To: Lei
09123456789Good morning bes! Saan ka na? Malapit ng magsimula ang klase natin.
Sent
Tingin ako ng tingin sa pinto baka sakaling dumating na siya. Di rin ako mapakali kasi hindi na naman siya nagreply sa akin.
Magtetext pa sana ulit ako ng nagreply na siya.
From: Lei
09123456789Hindi ako makakapasok ngayon. Nilalagnat ako.
Yun lang ang natanggap ko mula sa kanya pero bigla akong kinabahan kaya naman lumabas muna ako ng room at tinawagan siya.
Sinagot naman niya on the third ring.
[He--llo?] sabi niya on the other line. Halatang may sakit nga siya ngayon.
"Bes, may kasama ka ba ngayon diyan sa bahay niyo?" tanong ko. Alam ko na wala ang mga kuya niya. Sobrang nag-aalala talaga ako para sa kanya.
[*cough-cough-cough* Wa-la akong kasama ngayon. Pakisabi na lang sa mga teachers natin.] nahihirapang sagot niya sa akin.
"Sige bes, pagaling ka hah" sabi ko na lang pero habang sinasabi iyon ay pumasok ulit ako sa room para kunin ang bag ko.
[Salamat] hindi ko na ulit siya narinig na nagsalita pero rinig ko ang maya't maya niyang pag-ubo.
Patakbo na akong pumunta sa parking at hindi ko pa rin binababa ang tawag. Akala siguro niya ay ibinababa ko na ang tawag. Rinig ko pa rin ang mga pag-ubo niya. Kahit ayaw ko pang ibaba ang tawag ay tinapos ko na lang din. Pupunta na din naman ako sa bahay nila eh.
Bago ako pumunta sa kanila ay bumili muna ako ng mga prutas at naggrocery na rin ng ilang pagkain para sa kanya. Dumaan na din ako sa botika para bumili ng gamot.
Lei's POV
Hindi na kinaya ng katawan ko. Nagkasakit ako ngayong araw dahil na rin iyak ako ng iyak kagabi. Pero naisip ko na hindi dapat ako panghinaan ng loob. May buhay na sa sinapupunan ko at kailangan kong magpakatatag para sa kanya. Gagawin ko din ang lahat para lumakas.
Binantayan ako ni Ate Vans magdamag. Ayaw pa sana niya akong iwan kaso kailangan siya sa kompanya nila ngayon. Sinabi ko na lang sa kanya na tatawag ako kapag hindi ko na kaya.
Nagising ako kanina dahil nagtext at tumawag sa akin ang ama ng pinagbubuntis ko.
Makukuha ko na dapat ang tulog ko ng biglang may nagdoorbell. Sa una ay hindi ko muna pinansin iyon dahil akala ko ay nanloloko lang. Dahil kapag si Ate Vans iyon ay papasok na yun agad dahil alam naman niya ang passcode ng bahay ko. Patuloy pa tin ito sa pagdodoorbell. Tumingin muna ako sa kisame ng kwarto ko.
Tumigil na din ang nagdodoorbell at pumikit na ulit ako. Pero hindi ako nakatulog agad. Ilang minuto pa ang lumipas ng may bigla akong narinig na yabag paakyat. Napamulat agad ako. Hindi naman sana ako pinasok ng magnanakaw dito. Wala akong laban lalo na at may sakit ako.
Dahan dahan akong bumangon pero laking gulat ko ng nakita ko si Vin sa harap ko.
"Pasensya ka na kung pumasok na ako. Nagdoorbell ako kanina pero walang nagbukas sa akin kaya hinulaan ko na lang ang passcode mo." biglang sabi niya sa akin.
Shocks! Nahulaan niya ang passcode ko? Paano nangyari yun eh mahirap talaga yung passcode nitong bahay.
"Bakit ka nandito? May pasok tayo diba?" tanong ko sa kanya sabay lingon sa kanyang mukha. Kahit may sakit ako ay di ko pa rin maiwasan ang mamangha at magpantasya sa kanyang napakagwapong mukha. Kung lalaki ang magiging baby namin ay hinihiling ko na sana kamukha niya.
"Hindi na ako papasok. Aalagaan na lang kita dito." nakangiting sabi niya sa akin. Nakita ko na meron siyang dalang grocery at mga prutas.
"Pero may klase tayo. Baka kung ano pa ang gawin ngayon sa school. Ayos lang ako dito." nauubong tanong ko sa kanya.
"Uunahin ko pa iyon kaysa sa sarili kong best friend? Wag ka ng magreklamo dahil aalagan kita dito" sagot pa niya ulit sa akin.
Hindi ako nagpahalata pero sobrang kinilig ako sa sinabi niya. Sa ngayon ay ililihim ko muna ang about sa baby namin. Sasabihin ko na lang sa kanya sa tamang oras.
Inilapag muna ni Vin ang mga dala niyang grocery at prutas. Inalalayan niya akong mahiga. Kahit sa sobrang liit na bagay kagaya nito ay natutuwa na ako. Concern pa rin naman siya sa akin.
I just wish na sana ay hindi na matapos ang araw na ito. Yung aalagaan na lang niya ako. Aalagaan niya kami ng baby namin.
BINABASA MO ANG
Let Me Make It Right
RomanceBest Friends to Parents... Parents to Enemies... Enemies to Lovers... They were the best of friends. After a while, they found out that they are going to be parents. They lived happily until there came a time that they already hate each other. Cupid...