Vin's POV
Nakayakap ako sa kanya at naramdaman ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Umangat na ako at pinaupo ko siya at sinimulan ni siyang pakainin. Nagkwento ako ng mga nakakatawang nangyari sa akin noong mga nakaraang araw at ayun, narinig ko ang mga tawa niya. Madali lang naman pasayahin itong bestfriend ko eh. Nakakagaan pala sa pakiramdam na napapatawa ko siya ngayon. Ang saya lang namin. Malaki ang ngiti ko habang pinapakain ko siya pero biglang naglaho iyon ng may napansin akong kakaiba malapit sa bedside table niya. Kumunot ang noo ko at sa tingin ko'y napansin na din niya kaya bigla ay nagtanong na siya.
"B-bes, may problema ba?" tanong niya.
Nakatingin pa rin ako sa bagay na iyon at hindi siya sinagot. Napansin kong napatingin din siya dun at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Ano iyon?" tanong ko habang nakaturo sa bagay na kanina ko pa tinititigan.
Napalunok siya at kung saan saan tumingin. Nilapag ko muna ang pagkain niya at lumapit doon. Nanlaki ang aking mata ng makita ng malapitan kung ano iyon. Hindi maaari ito...
Lei's POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko naitago ng maayos ang PT kit na ginamit ko. Ngayon ay nasa harapan na niya mismo ang PT kit. Walang gustong magsalita sa amin. Nanatili akong nakayuko habang siya ay nakatitig doon.
"B-bakit ka may ganito?" tanong niya sa akin. Nakita kong hinawakan na niya iyon.
Napapikit ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o magdadahilan ako.
"Bes" kalmado ngunit may diin na tawag niya sa akin.
Unti unti kong iniangat ang mukha ko at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Doon ako mas lalong natakot.
Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina na hawak pa rin iyon. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Bes, bakit ka may ganito?" tanong niya ulit. Hinawakan na niya ang baba ko para naman hindi ko na maiuwas ang mukha ko. Napalunok ako. Kailangan ko na talagang sabihin. Bahala na kung tatanggapin niya ako, kami o hindi.
"G-ginamit k-ko" sagot ko naman.
Bigla namang kumunot ang noo niya pero agad ding bumalik sa pagiging seryoso.
Matagal siyang tumingin sa akin bago muling nagsalita.
"Ano ang resulta?" biglang tanong niya. Nawala na kasi yung mga linya sa PT kit. Hindi ko inaasahan na yun ang itatanong niya pero sasagutin ko parin.
Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Positive" diretsong sabi ko sabay ng aking pagyuko. Natatakot akong makita ang magiging reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Let Me Make It Right
RomanceBest Friends to Parents... Parents to Enemies... Enemies to Lovers... They were the best of friends. After a while, they found out that they are going to be parents. They lived happily until there came a time that they already hate each other. Cupid...