202

308 2 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

Mabilis na lumipas ang oras. They already ate dinner which is cooked by Alas, Han, Liam, Ella and Iris. At dahil may mga drinks silang dala, nagstart na din silang mag-inom habang nakapalibot sa ginawa nilang bonfire.

"Dapat may mallows din." Luna pouted

"Choosy ka ah." biro ni Baste

"Ang boring..." sabi ni Keith.

"Akala ko ba maglalaro tayo ng 2 truths, 1 lie?" Gabby asked.

"Uy bet ko yan!" sang-ayon ni Ella

"Boy muna bago girls ha! Baste, ikaw muna."

"Talagang si Baste ang inuna? Crush na crush?" pang-aasar ni Austin.

"Okay.. uhm.. May crush ako sa isang JYPU student; I love playing basketball; Member ako ng gang." -Baste.

"Oh, sinong manghuhula ng lie don. Bawal kaming friends niya ah!" sabi ni Kat

"Si Gabby!" turo ni Liam.

"Leche ka Liam. Trip mo talaga ako no?" bulong ni Gabby.

"Uhm.. I think the first one was a lie." sagot ni Gabby. Natawa. ang mga kaibigan ni Baste.

"WRONG!!! May crush talaga sya sa isang student sa JYPU. Recently lang" natatawang sabi ni Lucas. Baste smiled.

"I'm not a member of a gang. And Lucas is right. May crush ako... sayo" Baste winked at her and Gabby can feel the sudden heat on her cheeks.

she's blushing.

"hay nako! buti pa si Baste, may balls" parinig ni Keith.

"Oh si Han na next." nakangising sabi ni Eya.

Napansin agad ni Han ang ngisi na naglalaro sa mga labi ni Eya. Alam niyang tungkol na naman ito sa sinasabi niyang plot twist ng buhay niya.

"Okay, my turn. I still like Eya; Childhood friend ko si Celeste; I love singing."

"HA? CHILDHOOD FRIEND MO SI CELESTE??" Gulat na tanong ng mga kaibigan nila. Except Eya and Celeste.

Celeste rolled her eyes.

Wala na akong childhood friend. Kinalimutan na kita.

she thought

"Yes.. She's one of my bestfriend. Bukod kay Eya, sya lang ang babaeng friend ko."

"Tss." -Celeste

"So ibig sabihin... ang lie don sa mga sinabi mo is yung gusto mo pa si Eya??" Tanong ni Blythe

"Yes. Maybe Eya's right. Infatuation nga lang siguro--"

"Kaya wag nyo nang ipilit si Han sakin. Kasi may sarili siyang plot twist" biro ni Eya.

"Shut up." -Han

Natawa naman si Eya.

"Okay next is Liam."

Nagpatuloy ang gaanong laro nila hanggang sa makarating iyon kay Ethan. Ang totoo ay kinakabahan si Eya sa maririnig niya mula dito.

"I prefer dogs than cats; Playing computer games is my hobby; Eya is my first love"

"Ako manghula!" sabi ni Alas. Since katabi siya ni Eya, nakatanggap aiya ng kurot mula dito.

"Madaya yan si Alas. Katabi si Eya, may alam yan for sure." sabi ni Hunt

"Oy wala ah! manghuhula lang ako e"

" Go, Alas."

"The first one was a lie. Mukhang cat person ka e." Ethan smiled.

"Yeah, you're right."

"So si Eya first love mo?" Luna asked

"First love, first girlfriend, first kiss, first heartbreak. Si Eya lahat." sagot ni Ethan.

On the other side, there's Ara who's feeling guilty as of the moment. If it wasn't because of her selfishness, Ethan, the man she love the most, wouldn't experience his first heartbreak.

"Haba naman pala ng hair, mars!"biro ni Kat kay Eya. Eya just faked a smile.

"Dami ko namang kaagaw sayo, baby" pabirong bulong ni Alas sa kaniya.

"Shut the fuck up." natawa naman sa kanya ang binata.

The game continues. Maya-maya pa ay turn na ni Alas.

"I never had a crush; I learned how to cook when I was 10; I prefer rainy days than summer."

"Ako manghuhula." sabi ni Eya.

"Go on, baby" nakangising sabi ni Alas

"The first one was a lie."

"At bakit"

Nagtama ang paningin ni Alas at Eya. Ni hindi na nga yata nila napapansin na sila ang pinapanood ng lahat.

Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't-isa habang ang mga mata nila ay tila may sarili ding pinaguusapan.

"Kasi crush mo ko." confident na sabi ni Eya. Alas booped her nose.

"Asa ka muna ngayon, baby."

"EHEMMM! maglalaro pa ba tayo o maglalandian nalang kayo?" tanong ni Baste.

"Can I go inside the tent? Inaantok na kasi ako e." paalam ni Ethan..

Nagkatinginan sina Gabby at ang mga kaibigan niya.

Ethan's jealous.

"Hanggang kay Alas muna tayo. Yung mga inaantok, matulog na." sabi ni Ara bago siya tumayo at dumiretso sa loob ng tent.


PUBLIC vs. PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon