PUBLIC vs. PRIVATE
"Alas, are you mad at me?" tanging iling lang ang naging tugon ni Alas.
Kanina pa sila tahimik dalawa at ngayon lang napagdesisyunan ni Eya na magsalita.
"Iiyak ako kapag di ka nagsalita." banta niya kaya agad na napalingon si Alas sa kanya.
"The engagement is cancelled." nagulat si Alas.
"Bakit?"
"Anong bakit? Gusto mo bang makasal ako kay Han?!"
"Of course not!"
"Tch, kung ayaw mo kong kausapin sabihin mo lang para uuwi nalang ako." nakasimangot na sabi ni Eya.
Agad na nakonsensya si Alas kaya hinawakan niya ang kamay ni Eya at hinagkan.
"I'm sorry. Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko."
Hindi na tumugon si Eya at tumingin nalang sa itaas. Doon niya nakita ang maliwanag na buwan.
"Ang ganda ng buwan.." sambit niya. Tumingala din si Alas para tingan ang buwan. Napangiti pa siya nang maalala ang sinabi ni Eya noong camping nila
"Mas maganda ka dyan." bulong ni Alas. Bahagyang natawa si Eya.
"Tanda mo ba yung sinabi ko sayo tungkol sa relasyon ng araw at buwan?"
"Hmm?" tugon ni Alas.
"If I am the moon, I would do the same. Kahit hindi ko palagi nakakasama yung taong yun, siya pa din ang pipiliin ko. The moon was pretty all by itself, but the sun makes it prettier than it is. And I, being the moon.. I may not shine the brightest with the sun but I know we have charms that can caught everyone's eyes. At kahit magkalayo man, I can still feel the presence because the sun brought shine on me. The sun brought light on me." Nakangiting sabi ni Eya habang nakatingin sa buwan bago tuluyang lingunin si Alas.
"A-Ano bang sinasabi mo?"
"Hindi naman siguro pwedeng maging buwan ako, kung wala yung araw ko diba?"
"O-Oh."
"Alas, be my Sun."
BINABASA MO ANG
PUBLIC vs. PRIVATE
Фанфик"Yang mga taga-private na yan, sobrang arte! Ang tataas ng tingin sa sarili!" "Yang mga taga-public na yan, ang yayabang akala mo naman may maipagmamalaki" A Mintzu Au wherein ang bardagulan ay nauwi sa pagmamahalan