213

238 4 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

"We're very satisfied with the presentation. Lalo na kay Astraea at Alastair. You all delivered it well."

"Thank you po, Mr. Park." sabay-sabay nilang sabi.

"Uhm, hopefully wala nang gulo sainyo. Or else, magkapresentation ulit kayo"

"Eh Mr. Han, kulang na nga lang tanungin na nila kami ng 'Why did you conduct this study' e!" reklamo ni Lucas.

Natawa pareho ang Dean sa sinabi nito.

"Hmm, pwede din naman na sila ang kuning panelists pag nagkaroon kayo ng thesis defense. Gusto niyo ba?"

Lahat sila ay umangal.

"Ms. Chou and Mr. Kim, sobrang nagalingan sainyo kanina yung mga professors na nagtanong sainyo."

"Dapat lang." nakangising tugon ni Eya dahilan para mapailing sila.

Mukha nakalimutan na yata nilang masyadong bilib sa sarili si Eya.

"Yun lang naman ang gusto naming sabihin sainyo. Congrats sainyo."

"Thank you po."

"You can go home now. Magpahinga kayo at may klase din kayo bukas." -Mr. Park

"Magiingat kayo. Congrats ulit, students." -Mr. Han

Nagpaalam sila nang maayos sa dalawa bago lumabas ng room.

Tahimik lang na naglalakad si Eya nang maramdaman niyang may humila sa kaniya.

"Ano b--"

"Tara, may pupuntahan tayo." nakangiting sabi ni Alas at mabilis siyang hinila paalis.

Narinig pa nila ang panunukso ng mga kaibigan dahil nauna sila sa mga ito at magkahawak pa ang mga kamay nila.

Tahimik lang na nagpahila si Eya kay Alas ngunit hindi tahimik at hindi kalmado ang puso niya. Mabilis ang pagtibok nito at ramdam niya nag pagiinit ng pisngi niya.

Hindi na bago kay Eya ang ganitong pakiramdam pero feeling niya, first time lahat.

Putangina Alas, kasalanan mo 'to.

PUBLIC vs. PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon