256

216 3 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

tw // mentions of death, trauma

"Bakit naiisipan mo lumabas?" tanong ni Alas.

"Sabihin mo kasi kung ayaw mo. Hindi yung puro ka tanong dyan." mataray na sagot ni Eya sa kanya.

"Hindi sa ayaw ko. Nagtataka lang talaga ako. Tsaka nagkita tayo kahapon diba?"

"I just wanna see you again. Masama ba?" hindi naman nakaimik si Alas.

"Kwentuhan mo ko." nagulat naman si Alas

"About?"

"About yourself. Kung pwede."

"Hmm. Wala namang masyadong ganap sa sarili ko e. Maliban nalang sa kung gaano kahalaga yung resto namin for us."

"Ay oo nga pala! Diba may kapatid ka? Bakit parang hindi ko siya nakikita?" saglit na natahimik si Alas. Mukhang nagets naman ni Eya.

"May problema ba? May mali ba sa tanong ko?"

"The resto. It was Papa's dream. Bata palang ako, may karinderya na kami. Tapos sabi ni Papa, magiipon daw siya para yung karinderya na yon maging restaurant. But unfortunately, an accident happened and took his life bago pa man niya makamit yung biggesy dream niya. I was 7 years old that time tapos yung kapatid ko 4 years old lang nun." agad na bumagasak ang balikat ni Alas.

"Sorry."

"Nagkatrauma ako nun. Masyado pa akong bata para mawalan ng tatay na sobrang malapit sakin. Nakita ko kung paano nagsumikap si Mama para lang maituloy yung matagal nang pinapangarap ni Papa. Kahit man lang yon, matupad. Nagtatrabaho si Mama dati kahit na deep inside, wasak na wasak siya knowing na hindi na babalik pa si Papa. Na wala na si Papa. 8 years later. Fifteen na ako. May resto na. Unti-unti nang nagiging succesful and seeing my mom happy and contented with that, sobrang sarap sa feeling. Yung resto na yun, it always reminds me of my Dad. Sinimulan kong pag-aralan yung paraan ng pagluluto niya dati."

Nagulat si Eya nang may bumagsak na luha sa mga mata ni Alas.

"Akala ko okay na. Akala ko yung mga susunod na araw, masaya na. Akala ko, never ko na ulit makikita si Mama na umiiyak. But we found out na may Leukemia si Missy. Twelve lang siya nun nung madiagnose siya. Buong therapy niya, umaasa kami na gagaling siya. Ilang years din siyang naghirap. And when she turned sixteen and I was 19, she gave up and left us. Yung trauma na naranasan ko kay Papa dati, unti-unting bumalik. Sobrang sakit." Sunod-sunod ang naging pag-agos ng luha ni Alas.

Agad na tumayo si Eya sa kinauupuan niya at nilapitan si Alas at pinunasan ang mga luha nito.

"Sorry. Hindi na dapat ako nagtanong."

"It's fine. Okay na naman ako. Medyo masakit lang talaga balikan. Ikaw ba---" naputol ang sasabihin niya nang magring ang phone ni Eya

"Sagutin ko lang to." paalam ni Eya at lumayo ng kaunti para sagutin ang tawag.

Habang nagiintay si Alas ay hindi niya mapigilang mapangiti.

She's worried.

Maya-maya pa ay bumalik si Eya at hinarap si Alas.

"Sino daw yun?" tanong ni Alas.

"Calvin. He wants to meet me daw."

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Alas.

"Oh. Tapos na naman tayo kumain e. You should meet him Baka importante yun." sabi ni Alas.

"Yeah. Pinapabalik na kasi siya ni Tita sa States sa isang araw. Dapat next week pa kayo may important matters daw. So he wants to spend this day with me again. Tapos bukas si Kuya naman."

"He seems so close with your brother."

"Yeah. Sobra."

"Hm, wala ka bang balak sagutin si Calvin?" natawa nalang si Eya sa tanong ni Alas.

seloso.

"Tawa, tch. Sige na, ihahatid kita kung saan kayo magkikita nung manliligaw mo."

Tumayo na sila pareho at saka umalis. Nang makarating sila sa location ay hindi muna bumaba si Eya.

"Hmm, hindi ka pa bababa?" tanong ni Alas. Ngumiti si Eya sa kanya.

"Wag mo kong ngiti----"

"Ang cute mo talaga magselos e noh? Pasimple lang pero halatang-halata."

"S-Sinasabi mo?"

"Alas, wala kang dapat ikaselos kay Calvin. At wala akong balak sagutin si Calvin kasi pinsan ko siya."

Nagulat si Alas.

"Pin---" hindi natuloy ang sasabihin niya

"Baba na ako ha! Bye!"

Lumabas ng kotse at naiwang tulala sa loob si Alas habang hawak ang kanang pisngi niya.

Did she just kissed me?

PUBLIC vs. PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon