221

251 2 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

Alas and Eya were peacefully eating ice cream. Nagkukwentuhan din sila saglit tapos matatahimik ulit.

May awkward tension sa pagitan nila at aware sila don. Pero mas awkward lang talaga kumilos si Eya.

Dahil na din siguro sa nangyari kanina.

"That guy keep looking at you." biglang sabi ni Alas at inginuso ang bandang likuran niya.

Tumigil naman siya sa pagsubo ng ice cream at lumingon sa likod. Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino yon.

"What the fuck?" gulat na sabi niya.

"Kilala mo?" tanong ni Alas.

Tumayo ang lalaking tinutukoy ni Alas at ang kasama pa nitong lalaki at lumapit sa pwesto nila.

"Eya!" masayang bati nito.

"Akala ko may presentation kayo?" tanong nung kasama at nilingon si Alas.

"Alas, this is my brother. Astreo Chou. Rio nalang." Ngumiti si Rio kay Alas at nakipagshake hands. 

"Nice to meet you. Nakwento ka sakin ni Eya before. May gagawin sana kayo pero ikaw nalang gumawa kasi nalaman mong birthday ko." ngumiti naman si Alas at pasimpleng sinulyapan yung lalaki na kanina pang tumitingin kay Eya.

"Ah yeah."

"Thank you ha. Miss na miss ko na din kasi to e." at inakbayan si Eya. Umirap naman ito at nilingon ang kasama ng Kuya niya.

"Kelan ka pa bumalik?" tanong niya.

"Eto naman, parang di ako namiss. Where's my hug?" nakangiting sabi nito.  Napairap nang matindi si Eya bago tuluyang niyakap ito. Naghiwalay sila nang tumikhim si Alas.

"Ahh this is Calvin, my----"

"Calvin Cha, Eya's suitor."

PUBLIC vs. PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon