207

255 2 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

Malalim na ang gabi ngunnit tila di makatulog si Alas. Ang mga kasama niya sa loob ng tent ay tulog na at siya na lang ang hindi.

Bumangon sya at lumabas ng tent. Maliwanag ang buwan gayudin ang apoy na hinayaan na nilang naroon matapos maglaro.

Lumakad siya palayo at pinuntahan ang ilog malapit doon na siyang itinuro kanina ni Eya.

Nang naroo na siya ang nagulat siya nang makarinig ito ng pagpatak ng bato sa tubig.

"Pota, may maligno pa yata dito"

"Anong ginagawa mo dito?"

"PUTANGINA!!" gulat na sabi nito nnang biglang may umimik.

Nakita niya ang isang bulto na tumayo at lumapit sa kanya.

"Eya.."

"Hindi ka din ba makatulog?" umiling si Alas bilang sagot.

"Hmm, I see."

"Eh ikaw? Bakit nandito ka? Kung ano-ano pang binabato mo. Pano kung may engkanto pala dito tapos matamaan mo."

"Edi wow sa imagination mo." natatawang sabi ni Eya.

Naupo ito sa bato na nasa gilid nila kay sumunod din si Alas. Tumingala sila pareho at pinagmasdan ang mga tala at buwan

"Ang araw at ang buwan na ang nagsasabing ako'y sayo lamang, at ikaw ay para sakin lamang..Parang panaginip lamang" pagkanta ni Eya.

Napalunok si Alas nang maramdaman nito ang biglaan ding pagbilis ng tibok ng puso niya at pagiinit ng mukha niya.

"Ang araw at ang buwan, sila yung magjowa" nakangiting sabi ni Eya.

"Huh? Sinasabi mo?"

"Yung buwan, kahit gaano kadami nang tala na nakakasama niya sa gabi may iisa pa ding nakalaan para sa kanya. Na kahit magkalayo sila, at magkaiba ng oras..dadating pa din ang panahon na magtatagpo sila. They're are still meant to meet kahit once in a while lang. Eclipse kung tawagin. At once na nagtagpo sila, namamangha lahat. Ang ganda nila tingnan. Nakakamangha nang sobra."

"Tss. Mahilig ka siguro magbasa ng romance novels no?"

"Bakit pa? Eh mismong istorya nga namin ni Ethan, pang-novela na." natatawang sambit nito.

Pumulot siya nang bato at ihinagis sa ilog.

"Tigilan mo nga yan. Maeengkanto talaga tayo dito." lumakas ang tawa ni Eya.

"Sure, sure. Haha!"

Saglit silang natahimik ngunit binasag ni Eya ang katahimikang bumalot sa kanilang dalawa.

"Sabi nila, mas romantic daw kung aamin ka sa isang tao tapos gabi at maliwanag ang buwan. Kasi yung buwan daw, cold yet romantic. But I don't think so."

"Bitter ka lang e. Gabi din nunf nagconfess si Ethan sayo e."

"Asa ka."

"HAHAHAHA!"

"For me, mas romantic kapag sabay na nasaksihan ng araw at buwan yung simula nang love story nyo."

"You mean, mas gusto mo magconfess kapag may eclipse?"

"Hmm. Kasabay ng pagtatagpo ng araw at buwan ang pagiisa nang nararamdaman niyo. Ayun ang romantic."

"Hays.. daming alam."

"Change topic na nga. Pangit mo naman kabonding e."

"Sorry naman. Hindi kasi ako sanay na ganan ka kacorny. Madalas kasi tinatarayan mo lang ako."

"Wala ako sa mood magtaray sayo e. Napaisip kasi ako sa nanngyari kanina."

"Alin? Yung kay Celeste at Han? Or yung sinabi ni Ethan sa 2 truths, 1 lie."

"Yung kay Ethan."

"Hmm."

"Nag-guilty ako. I've caused his first heartbreak---"

"Hindi ba dapat, si Ara ang mas maguilty? Kasi sinet up niya kayo?"

"Pero sana sinabi ko. Tinatago ko parin sa kanya ang totoo kaya mas lalo siyang nasasaktan. At mas masasaktan pa kapag nalaman na niya ang totoo. Gusto ko nang sabihin sa kanya lahat pero nagaalinlangan ako kasi kaibigan ko din si Ara. Masyadong magulo sitwasyon namin e."

"Then tell Ara to do it. You don't have to feel obliged na sabihin kay Ethan ang rason kasi it wasn't your choice to keep it from him. You have no choice kaya you just have to do it for the sake of you and Ara's friendship." seryosong sabi ni Alas dito

"Si Ara ang nagsimula ng gulo, edi dapat siya din ang umayos."

Eya sighed.

"Thanks."

"For what?"

"For listening. Tara na matulog. Inaantok na ako."

Alas smiled secretly.

"Tara."

My moon..


PUBLIC vs. PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon