188

334 7 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

Gaya ng napagusapan sa gc nila, nagkita-kita silang lahat sa tapat ng JYP University. Halos lahat yata may dalang sasakyan pero syempre ilan lang don ang gagamitin papunta sa pagcacampingan nila.

"Ang daming sasakyan. Saan natin to iiwan?" tanong ni Baste

"I'll talk to Manong Henry. Pwede naman magpark dito sa parking lot ng JYPU. Wala namang gagalaw ng mga sasakyan natin kasi bantay naman to ng guards." sagot ni Han.

"Sana all bantay-sarado ng mga gwardiya. Sa P.I.C. nga nagkakanakawan pa ng gamit" biro ni Hunt.

'Uy true! Nawala nga yung lapis ko nung isang araw e." Sabat ni Lucas.

"Burara ka kasi sa gamit, Lucas." sabi ni Celeste. Bahagya silang natawa sa pambabara nito sa kaibigan.

"Oh, himala walang kapeng dala si Eya." puna ni Austin. Inirapan siya ni Eya at nilingon si Alas na nasa tabi niya ngayon.

"Kape ko?" tanong niya dito.

"Tsk, oo na. Magpalpitate ka sana." sumakay si alas sa kotse niya. at umalis. Paniguradong pupunta yon sa coffee shop na malapit sa uni para ibili ng kape si Eya.

"Ang rupok ng pinsan ko." biro ni Luna kaya nagtawanan sila.

"Under kamo" sabi naman ni Zach na pasimpleng sinulyapan si Ethan na ngayon ay tahimik lang.

Inantay lang nilang makabalik si Alas at pinagusapan na kung sinong mamimili ng gamit. Napagusapan na din kasi nila kagabi ang gagamitin nilang tent at mga hihigaan nila sa gabi. Yung bibili nalang ng kakainin nila ang hindi napaguusapan.

"Oh, so sinong mamimili ngayon? yung mga nasa van na?" tanong ni Ella

"Gaga! puno na yung van! Andun yung mga tent hello??"

"Ay oo nga. Edi ayan sina alas! yung mga hihigaan dun nalang sa kotse ni Han. Tutal si Alas din naman magluluto edi sya na din mamili para alam na kung ano lang ang dapat bilhin."

"Hmm, pwede." pagsang-ayon ni Alas.

"Babe, samahan mo ko ah" sabi ni Alas kay Eya na tahimik lang na iniinom ang kape niya.

"Babe mo mukha mo."

"Alas, napakalandi!" sita ni Celeste. Napailing nalang ang mga kaibigan ni Alas dito.

"Ethan kaya pa?" bulong ni Zach

"Bakit naman hindi?"

"Sus, napakaseloso mo pa din." pang-aasar nito.

"Oh. Tara na, medyo mainit na din. Lezgoooo!!!" Aya ni Gabby.

"KAEXCITE hihi!"

Ibinilin muna ni Hanniel ang mga sasakyang iiwan sa parking lot dun sa mga guards ng uni nila bago sila tuluyang umalis.

Mahaba-habang biyahe to

PUBLIC vs. PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon