295

209 1 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

Eya decided na sabay na sila ni Hanniel na pumunta sa mansion nila tutal may klase naman sa umaga.

Nang makarating sila sa mansion ay nagulat sila pareho nang makita na sobrang dami ng nakahain sa lamesa at naroroon ang mga magulang nila pareho.

"Anong meron?" pagtataka ni Eya.

"Have a seat. Kumain muna tayo bago namin ipaliwanag sainyo kung anong meron." seryosong sagot ng Daddy niya

"Patatagalin pa? For sure, it's just one of your shits. Sanay na sanay na ako sayo, Dad."

"Eya." mahinahong sambit ng kanyang ina.

Napairap nalang siya at pumunta sa pwesto niya. Ganun din ang ginawa ni Hanniel at sabay na naupo at nagumpisang kumain.

Habang nakain ay panay din ang kwentuhan ng ina ni Hanniel at ng Mommy niya.

"Astraea, how's your acads?" nakangiting tanong ng Mommy ni Han.

"Good." tipid na tugon niya.

"I heard, nagkaroon kayo ng issue with the P.I.C. students. Ano bang nangyari?" tanong ng Daddy niya

"None of your business, Dad. C'mon. Don't act as if you care." pangsusungit nito.

Nagpatuloy nalang sila sa pagkain.

Nang matapos ay ipinakuha na ng Mommy niya ang desserts.

"Bakit nyo ba talaga kami pinapunta ni Hanniel dito?" tanong ni Eya. Kapansin-pansin din kasi ang pagiging tahimik ng Kuya niya.

"To announce your engagement."

"Engagement?!" sabay nilang sabi.

"Calm down, anak." malumanay na sabi ng Mommy niya.

"Mom! Ieemgage ako sa taong di ako gusto and you're expecting me to calm down?! The fuck!"

"ASTRAEA! MIND YOUR LANGUAGE!" galit na sita ng kanyang ama

"WALA AKONG PAKE! MAGMUMURA AKO KUNG GUSTO KO! IM SORRY FOR DISAPPOINTING YOU AGAIN BUT I'M NOT AGREEING WITH THIS!"

"Eya please." pakiusap ng Mommy ni Han

"I'm sorry Tita Cat, pero magkaibigan po kami ni Han at hanggang dun lang kami." nakasimangot na sabi Eya bago tumayo at tinalikuran ang mga kasama sa hapag-kainan.

PUBLIC vs. PRIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon