Episode 1: Us

237 10 0
                                    


3rd Person’s Point of View

Naglalakad si Sean sa entrance ng campus hindi para pumasok kundi para pumunta sa dorm niya. Sa loob kasi ng campus ay may dorm para sa mga estudyante nito. Kinakabahan si Sean dahil this is his first time na makaapak ng mag-isa sa maynila. At mag-isa din siyang papunta sa dorm niya.

“Excuse me po” sabi niya sa receptionist using his wide sweet smile. Suot ni Sean ang t-shirt na bigay sa kanya ng parents niya. It’s just a plain sky blue shirt pero bumagay sa kanya ito. Sean has a Moreno skin dahil na rin sa lumaki ito sa probinsya, ang buhok nito ay bagsak na bagsak na tila babae, he is a cute eyes na ngumingiti din pag tumatawa siya. Katamtamana ang laki niya para sa normal na Pilipino, not that tall and not that small.

“Yes, cutie pie” humarap sa kanya ang receptionist na nakangiti with beautiful eyes effect pa. tila nagpapacute sa kanya.

“Room 508 po” sabi ni Sean na nakangiti rin. Hinanap ng receptionist ang susi at ibinigay ito sa kanya
“Ah ito” kinuha na ito ni Sean, at hinawakan ng receptionist ang kanyang kamay at tila ayaw bitawan ito.

“Kunin ko na po ito. Pati na din yung kamay ko” nahihiyang sabi ni Sean. May dumating naman na isang lalaki at umakbay sa receptionist.

“Ate Rina naman tinatakot mo naman itong bago dito” sabi ng lalaki na umakbay.

“Hindi naman, napakacute lang na bata ito. Naalala ko kayo nun nila Kenneth at Nigel. Ang cute cute niyo nun” at pinisil ni Rina ang pisngi nito.

“Kahit kalian ka talaga Ate Rina gustong-gusto mong pinipisil ang mga pisngi naming” sabi ng lalaki.

“Excuse po, aalis na ako” nahihiyang paalam ni Sean.

“Andiyan ka pa pala, naku Ate Rina samahan ko na lang ito baka maligaw pa. may kukunin din ako sa taas eah" inakbayan ng lalaki si Sean at hinila na ito pa elevator.

“Anong room mo ba?” tanong nito. Ipinakita ni Sean ang susi niya sa lalaki. “Ohhh ka roommate mo pala ang kaibigan ko eah” napatingin si Sean sa kanya. “By the way hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko… I’m Ivan Timber and you are?”

“I’m Sean Cruz” ngumiti si Sean kay Ivan. Tumunog na ang elevator it means nandito na sila.

“Tara na” yaya ni Ivan at naglakad na sila patungo sa room ni Sean. “Ito na ang room mo, nasa kabila ang room ko”

“Salamat” sabi ni Sean.
“Ano k aba wala yun, basta **lumapit si Ivan papunta sa mukha ni Sean at bumulong** mag-ingat ka dyan broken hearted yang makakasama mo” nilayo na ni Ivan ang mukha at ngumiti. Ngumiti din si Sean pero halata mong takot na takot ito.

“Sige papasok na ako” tumango lang si Ivan as a respond.

Pumasok na si Sean sa dorm nito. Pagpasok mo ay makikita mo agad ang dalawang bed at may pagitan na lamp shade sa gitna. May kanya-kanyang table din sa side ng mga bed (study table) sa kaliwa naman pagpasok mo ng pinto ay ang banyo. Derederetso namang pumasok si Sean dahil wala siyang nakitang tao.

“Hello may tao ba dito?” malapit na sa kama si Sean ng biglang bumukas ang banyo. At niluwa nito ang isang MAtangkad, Makisig, Maputi, Makinis at Gwapong nilalang. Tanging tuwalya lang ang bumabalot sa kanyang katawan. Maging ito ay nagtaka kung bakit may lalaki dito.

“Who are you?” Cold na pagkakatanong niya kay Sean.
Nataranta naman si Sean at inilapag ang gamit nito para makipagkamay.

“Hi I’m Sean Cruz” inabot nito ang kamay sa lalaki. Pero tinignan lang ito at naglakad papunta sa cabinet nito. Habang naglalakad ay tinitignan lang siya ni Sean. Naiinis ito dito dahil napahiya siya ng hindi abutin nito ang kamay. Kumuha ng damit ang lalaki sa cabinet at inalis ang towel na bumabalot dito. Nagulat si Sean sa ginawa nito kitang kita niya ang maumbok na puwetan nito. Parang walang pakealam ang lalaki kung may nakakakita sa kanya. Pagkatapos magbihis ay umupo na ito sa kama na nakasandal sa headboard na hindi man lang pinapansin si Sean.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon