Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi noong araw na iyon. Basta ang alam ko, pagmulat ng mga mata ko ay nasa apartment na ako.
Ilang araw na rin ang lumipas matapos nung nangyari na 'yon. Hindi ko malaman kung sasaya ba ako o malulungkot sa hindi ko ring malaman na dahilan.
Sumabay pa sa iisipin ko, ang results sa boards. Sa isang araw o baka bukas ay ilalabas na nila 'yon.
Nag-impake na ako na animo'y siguradong papasa ako sa unang subok ko.
Kampante naman akong maipapasa ko iyon dahil magmula kolehiyo ay siniguro kong hindi ko malilimutan ang kahit na anong pinag-aralan namin dahil ako rin ang mahihirapan pagdating ko sa board exam.
Halos hindi na ako pumasok sa trabaho ko no'n sa resto bar dahil sa kaka-review, kinakabahan ako dahil hindi ako kinakabahan para sa darating na boards.
Baka sa pagiging kampante ay mali mali ang maisagot ko. Siniguro ko muna na tama ang mabibilugan ko.
Walang naging madali sa pag-take ng board exam dahil parang manunumbalik ka sa simula.
Parang gusto mong kuwestyonin ang sarili mo kung totoo nga bang pinag-aralan mo iyon o hindi. Maraming papasok sa isipan mo, hindi lang 'yon. Basta ang mahalaga ay masagot mo ng tama ang bawat tanong na lalabas sa tanungan.
"Kailan ipopost ang resulta, Aya?" tanong ni Dalia habang nag-aayos kami ng mga upuan sa resto bar. Maaga akong pumasok dahil sa wala akong magawa sa bahay at hindi ko aasahan na madaratnan ko siya rito.
"Baka bukas o sa isa pang bukas, ewan," at sabay kong itinaas baba ang parehong balikat ko.
"Sana huwag ka munang pumasa," may lungkot na mahihimigan sa kaniya.
"Anong sinabi mo?" kunot noong baling ko sa kaniya. Bahagya ko pang ibinaba ang hawak kong upuan.
"Kase, aalis ka na kapag nangyari 'yon..." aniya saka marahan na ibinaba ang isang upuan.
"Bibisita naman ako kapag may oras, ano ka ba!" paniniguro ko sa kaniya.
"May iba ka ng trabaho no'n, e. Panigurado ako, busy ka palagi," tampo niya.
Nauna ko ng naisip iyong maiiwanan ko rito dahil halos dito na ako tumira. Ang mga tao rito ang isa sa mga nakasama ko ng mga panahong ako lang mag-isa. Isa sila sa mga bumuo sa akin. Lalo na si Ma'am Lina.
Isa ang resto bar na 'to sa bumuo ng mga pangarap ko. Saksi ito sa lahat ng paghihirap na dinanas ko mula first year ko sa kolehiyo hanggang sa kung saan na ako ngayon.
Hindi ko kailan man nakikita ang sarili ko na lilisanin ang lugar kung saan ako unang nadapa, napahiya, bumangon at natutong lumaban.
Kailangan ko silang iwan dahil sa pangarap ko pero sisiguruhin ko na ibabalik ko lahat ng kabaitan na ipinakita nila sa akin sa halos pitong taon ko rito.
Parang kailan lang na hindi ako magkanda-ugaga sa kakaisip kung paano ko isisingit ang tulog dahil sa may pasok ako ng umaga at may trabaho naman sa gabi.
Mabuti at nandiyan si Ma'am Lina, siya ang tumulong sa akin, mula sa paghahanap ng matutuluyan hanggang sa pagpapadala ko ng pera kay Mama ay tinutulungan niya ako.
Mayroong pamilya si Ma'am Lina. Kung tutuusin ay may isa itong anak na lalaki na si Clarence. Gusto niyang ipakilala sa akin iyon dahil naaawa na raw siya sakin dahil puro aral at trabaho na lang daw ako at wala ng pansariling kaligayahan kaya ang ginawa ko, ginawa ko pang libangan ang pag-aaral.
"Mauna na ako sa inyo!" palaam ko sabay kaway sa mga kasamahan ko sa trabaho.
Alas kwatro pa lang pero umalis na ako sa resto bar na pinapasukan ko, nag-under time ako dahil kailangan kong mamili ng essentials ko at wala na akong stock sa bahay. Dapat ay noong isang linggo dapat bago ako umuwi ay bibili na ako pero...
"Hay, ano ba!" inis na bulong ko habang tulak tulak ko ang push cart ko.
Minsan lang ako kung mamili dahil ayaw ko sa supermarket o sa palengke pa 'yan dahil sa amoy ng lugar. Hindi matibay ang sikmura ko para roon kaya naman kung pupunta ako ng mall o kaya palengke ay lagi akong may baon na face mask.
Nauna ako pumunta sa dulong parte ng supermarket ng mall dahil naroon ang mga ibang kailangan ko.
"Shampoo, conditioner, feminine wash. Hmm, alcohol 'tsaka tissue..." bulong ko.
Pagkatapos ko sa dulo ay nagpunta na ako sa may kabilang parte ng supermarket kung nasaan iyung mga karne at gulay.
Hindi ko gawain ang pumunta sa palengke ng ako lang mag-isa dahil sa liit kong 'to, mahihirapan lang ako.
"1,600 po lahat," inabot ko sa kaniya iyung 2k.
Ang budget ko palagi sa paggu-grocery ko ay nasa 3k. Mas maganda na ang magpasobra kaysa kulang. Ang natitira ay iniipon ko at 'yon ang ginagamit kong pamasahe dahil nasa banko ang lahat ng ipon ko.
Magwiwithdraw lang ako kapag kailangan ng maglabas ng pera. Sa'twing magpapadala ako kay Mama, kakpag maggu-grocery at saka magbabayad ng para sa bahay.
Pagkarating ko sa bahay inayos ko na 'yung mga pinamili ko para wala ng naka-kalat sa bahay.
Ang balita ko sa susunod na linggo pa ang labas ng mga resulta kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa trabaho habang hinihintay kong mai-post iyung mga pumasa.
Malaki pa rin ang tiwala ko sa kakayahan ko dahil alam kong hindi ako dadalhin ng Diyos sa isang sitwasyon kung hindi ko naman kakayanin. Wala ring sinabi na magiging madali ang pagdadaanan ko pero malaki pa rin ang tiwala ko na malalagpasan kong lahat ng 'to.
"Ano 'yan?" usisa ni Dalia. "Oh, resume? Kaagad?"
Nadatnan niya akong nag-aayos ng mga papeles na gagamitin ko kung sakali mang pumasa ako sa board exam para pagkatapos kong asikasuhin ang mga papel na kakailanganin ko sa pag-apply ng trabaho ay deretso na.
"Hmm.." tango ko. "Bakit? Nagpapaka- girl scout ako, e."
"Ikaw talaga, kahit kailan, segurista ka!" natawa ako sa sinabi niya.
"Ako? Paano naman?"
"May ipapakita ako."
"Ano naman 'yon?"
"Oh," aniya sabay abot sa akin ng cellphone niya.
"Ano 'yan?" takang tanong ko ng iharap niya sa 'kin ang litrato niya kasama si Cyron.
"Ay, mali sorry! Hahaha! Eto na talaga," ibinalik niya ang pagkakaharap ng cellphone niya sa akin.
At ngayon hindi lang basta picture ang nandoon kundi isang screen shot.
Screen shot ng mga pumasa sa board exams.
Hindi ko inaasahan na ganito pala ang pakiramdam na isa ka ng propesyonal.
1157 Tolentino, Ayella Aisharri Mornado
Architect na ako!
...