IKA-LABING LIMANG KABANATA

215 4 8
                                    

Wala sa usapan namin ang magpakasal pero alam kong hindi sang-ayon si Mama sa desisyon kong iyon kaya minabuti kong hindi sabihin sa kaniya ang kung ano mang nasa isip ko dahil alam kong kokontrahin niya ako at sabihing magpakasal kami ni Laert.


Kinabukasan ay dinalaw ko ang puntod ni Papa para ipaalam ang pagbubuntis ko dahil hindi ko naman hahayaang hindi malaman ni Papa na may apo na siya sa. Kahit wala na si Papa ay sa tuwing napapadalaw ako rito sa amin ay sinisigur kong nagkukwento ako sa kaniya ng mga bagay na nangyari sa buhay ko.

Isang linggo kaming nag-stay sa Pampanga bago kami umuwi sa Manila dahil nakakahiya naman Kay Laert na mag-stay pa siya rito dahil may kumpanya pa siyang kailangan trabahuhin. 

Nakikita ko ang determinasyon niya sa trabaho kaya naman kawawa siya kung hindi pa siya uuwi ng Maynila dahil noong isang araw ko pa talaga gustong yayain siya pauwi pero si Mama ay ayaw niya pa akong pauwiin dahil gusto pa raw niyang makita ang tiyan ko. Weirdo pero kahit papaano ay naiintindihan ko dahil babae at nanay nga naman.

 Mag-gagabi na nang makarating kami sa bahay dahil halos hapon na rin kami naka-alis at medyo na-traffic kami sa daan pauwi. Wala halos kibo si Laert buong byahe dahil na rin siguro sa pagod.

"Thank you sa pagsama sa bahay. Ingat ka pauwi," sambit ko pagkababa niya ng gamit ko.

"Wala 'yun. Sabihin mo lang kung kailan mo kailangan ng kasama para masamahan kita. Ah, kailan nga pala uli ang due date mo?" wala sa ano'y tanong niya.

"September 19," lang ang naisagot ko.

"Okay. Mauuna na ako," paalam niya at saka na siya sumakay ng kotse at pinaandar na niya.

Pinasok ko na ang gamit ko sa loob at nagpalit na rin ako ng damit. Naisipan kong magluto kaso mas mabilis kung bibili na lang ako sa labas kaya naman nag-order na lang ako ng makakain sa fast food resto na malapit sa bahay.


Kinabukasan ay medyo late na akong nagising dahil sa pagod dahil wala naman akong pasok ay sinulit ko na ang pahinga ko dahil hindi na ako sanay sa timbang ko ngayon. Napagdesisyunan ko nang mag-impake dahil sa isang buwan ay lilipat na ako ng bahay. 

Matagal ko nang pinag-iisipan ang pag-lipat ng bahay dahil na rin sa sitwasyon ko at ayaw ko namang ipaalam pa kahit kanino na lilipat na ako ng bahay dahil gusto kong magsimula kami ng magiging anak ko sa bagong paligid kung saan walang gaanong may kakilala sa amin.

Dahil hindi ko naman kayang itago ng sobra, sinabi ko kay Clarence na lilipat ako  ng bahay at siya na rin ang tutulong sa akin. Wala naman akong masyadong gamit dahil sa apartment lang naman ako nakatira at hindi rin naman ako bumili ng mga gamit sa bahay dahil alam kong darating din ang araw na aalis at aalis ako.

Nakahanap akong lilipatan na bagong bahay. Maganda  ang paligid at hindi ka basta basta makakapasok dahil sa security nila. Isang subdivision na mukhang marangya pero kung susumahin ay napaka-simple lang.

Walang sinuman ang nakakakilala sa akin doon kaya naman inisip kong ligtas na lalaki ang anak ko dahil ang tanging nais ko lang naman ay mailayo siya sa paligid na puno ng hindi magandang bagay.

Hapon na ng matapos ako sa pagtutupi at biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman inabot ko ito at may nabasang text galing kay Laert.

"Are you free tomorrow evening? Mom invited you out for dinner tomorrow 7 PM sa bahay."

I replied, "Yes pwede ako."

He responded, "Okay. I'll pick you up at 6:30. See you :)"

Hindi ko na nireplyan pa ang huling message niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accident BabyWhere stories live. Discover now